Huwebes, Agosto 25, 2022

August 25, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa Ebanghelyo, inaatasan tayo ni Jesus na magbantay sa araw ng kanyang muling pagbabalik. Lumapit tayo sa Ama habang nananalangin, nagbabantay, at naghihintay sa kanyang mahal na Anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ni Jesus, hinihintay namin ang Iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi makuntento na lamang sa kanyang mga nagawa na bagkus higit pang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ng pagbabalik-loob at isakatuparan ang kinakailangang pagpapanibago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y maging mga karapat-dapat na lugar para sa pagtatayo ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating paggalang, pagmamahal, at pagkalinga sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handa sa pagdating ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananatiling gising at hindi natatakot, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y matagpuan ang kalooban ng Diyos sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y matagpuang handa sa pakikipagkita sa Panginoon na kanilang matagal nang hangaring makita nang hayagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin kalakip ang katapatan ng aming mga puso. Tulungan mo kaming lumago sa kabanalan habang naghihintay kami nang may maligayang pag-asa sa pagdating ng iyong paghahari. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 23, 2020 at 1:13 pm

PAGNINILAY: Malapit nang matapos ang Buwan ng Agosto, at papasok na tayo sa tinatawag na Buwan ng mga ‘bre,’ na kung saan marami tayong ipathahandaan para ipagdiwang ang Pagsilang ng ating Panginoong Hesukristo sa Panahon ng Pasko. Sa ating liturhiya, nagsisimula ang ating kalendaryo sa tinatawag na Panahon ng Adbiyento. Ang salitang “adbiyento” ay nagmula sa salitang Latino na ‘adventus,’ na may ibig sabihin na “pagdating”. Ginugunita ng Panahon ang Tatlong Pagdating ni Kristo: (1) Ang kanyang Pagkakatawang-tao na higit na 2,000 taon sa Bethlehem, (2) Ang Parousia sa katapusan ng mundo, na kung saan siya ang maghahatol sa lahat ng mga bansa at lahi, at (3) ang kanyang kaanyuhan sa ating mga pang-araw-araw na kapwa, o kaya ang pagpapakita niya sa mga tanda ng panahon.

Sa ating Unang Pagbasa (1 Corinto 1:1-9), sinisimulan ni San Pablo ang kanyang sulat sa komunidad ng mga Corinto sa pamamagitan ng isang pasasalamat sapagkat natanggap nila ang ipinangaral niyang mensahe mula sa Panginoon. Dahil dito, nagkaroon sila ng sapat na lakas at kaalaman upang maging mga saksi sa pagpapahayag ng mensaheng ito. Ganun rin ang ating tungkulin bilang mga Kristiyano dahil tayo’y tinatawag rin na maging saksi ng Panginoon araw-araw. Ito’y nais ng Apostol na tayo’y mamuhay nang mararapat at walang kapinstasan nang sa gayon ay matagpuan tayo’y handa sa Muling Pagpaparito ni Hesus sa sanlibutan upang makamtan natin ang kaluwalhatian sa kalangitan. Marahil alam po natin na mahirap na mamuhay ng walang kapintasan sapagkat tayo’y tao lamang na nagkakamali, ngunit huwag po nating pansamantalahin ang panawagan na maging banal katulad ng Panginoon sa pamamagitan ng kapanatagan ng ating pananampalataya sa kanya.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 24:42-51), tinutukoy ng ating Panginoong Hesukristo tungkol sa mga mabubuting lingkod na naghihintay sa kanilang Dakilang Amo kahit kinahuhuli ng gabi. Ang paghahandang pinag-uusapan ay sa labas at sa loob. Sa labas, kailangan natin maghanda sa mga hamon na haharapin natin, at sa loob, kailangan natin gumawa ng mabuti sa ating mga kapwa. Sa ating paglakbay sa daang ito, maghanda tayo sa Pagdating ng ating Panginoon sa paghaharap sa mga hamon bawat araw at paggawa ng mabuti sa ating mga kapwa.

Reply

Mar Serpa Juan August 25, 2022 at 6:52 am

Nawa’y mapagsumikapan kong maihanda ang aking sarili sa pagdating ing ng Panginoon. Maging daan din nawa ako sa paghahanda ng mga taong aking nakakasalamuha.
Lord Jesus, have mercy on us.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: