Podcast: Download (Duration: 5:33 — 4.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes
Tayong mga tumanggap ng buhay ni Jesus ay tinatawagang mamuhay nang lubos ayon sa kanyang mga aral.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ibuhos Mo ang iyong espiritu.
Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y buong tapang na humarap sa hamon ng patuloy na pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang pamahalaan nawa’y manindigan sa kanyang pagsisikap na makapagbigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa mga mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga nangangailangan nawa’y hindi natin isara ang ating mga puso at pagsikapan nating makibahagi sa misyon ni Kristo ng pagpapagaling at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong nagdurusa sa sakit na walang lunas nawa’y palakasin ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng nakapagpapagaling na biyaya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, namuhay bilang isang tao ang iyong Anak upang ibahagi sa amin ang iyong buhay. Ipagkaloob mo na maging matatag kami sa aming pananampalataya sa kanya upang makapamuhay kami nang may pananagutan bilang iyong mga anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Abril 10, 2024
Biyernes, Abril 12, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang magandang pahayag ni San Juan tungkol kay Hesus. Para sa Ebanghelista, ang pokus ng panunulat nito ng aklat ay upang kilalanin natin si Hesukristo na tunay na Tao at higit pa riyan tunay na Diyos. Sa mga nakaraang pahayag, nakita natin ang pagtatagpo ni Hesus kay Nicodemo, isang Pariseong naging malapit na tagasunod niya. Makikita natin na ipinakilala ni Kristo ang kanyang sarili na nanggaling mula sa langit. Tunay nga isinugo siya ng Diyos Ama upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Nitong nakaraang Semana Santa, ginunita natin ang Pagpapakasakit at Pagkamatay niya sa Krus upang iligtas tayo mula sa kasalanan. At ngayong panahong bumubuo ng 50 araw, patuloy natin inaalala ang kanyang Muling Pagkabuhay na nagtagumpay laban sa kamandag ng kamatayan at kasalanan. At ito rin ay pagkakataon na patuloy tayong sumampalataya sa kanya at maging kanyang mga saksi.
Kaya makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan ng misyon ng mga Apostol na ipagpatuloy na ipahayag si Kristo sa bawat dako ng mundo. Kahit sila’y binantaan at binabalaan ng Sanhedrin na huwag mangaral sa pangalan ni Hesus, totoong sinabi ni Pedro na kailangan nilang sundin ang utos ng Diyos na higit pa sa utos ng tao. Hindi pa rin kilala ng mga pinuno ng mga Hudyo si Hesus bilang Mesiyas, subalit marami sa kanilang mga kababayan ay sumaanib na sa pananampalatayang ipinagkaloob ng Panginoon para ipamana rin ng Simbahan sa ating lahat.
Kaya nawa’y patuloy tayo sa pagbibigay-saksi sa Kristong namatay at muling nabuhay upang makilala ng lahat ang plano ng Diyos Ama at mapasailalim sa dakilang kalooban na ipadala ang kabutihan sa isa’t isa.
Ang nanalig sa Anak ay magkakaron ng buhay na walang hanggan ngunit ang hindi ay hindi magkakaron ng buhay, -at manantili sa kanya ang poot ng Diyos.
Ang punto ng ebanghelyo ngayon ay pananalig kay Hesus. Marahil masasabi ng isang tao na sya nman ay nananalig sapagkat naniniwala sya kay Hesus. Ngunit hindi sapat ang naniniwala ka lamang. Kung ikaw ay nananalig ay susundin mo ang kalooban ng Diyos. Hindi ka gagawa ng mga ipinagbabawal nya.
Baka nman tayo ay nananalig at palasimba subalit nananatiling; tsismosa, mapanirang puri, mapagnasa sa laman, nakiki-apid, nangangalunya, inggitera, nananalangin na may masamang mangyari sa kaaway, mandaraya, mayabang, mapang api, mapagmataas, bastos, at hindi kayang patawarin ang kaptid na nakasakit o ang kaaway.
Kung ikaw aya nanalig ay dapat na nakikita ito sa iyo kundi ay isa ka lamang mapag imbabaw sa mata ng tao at ng Diyos.
Katakutan natin ang huling parirala sa ebanghelyo. Kung hindi nananalig ay mananatili ang poot sa atin ng Diyos… alam natin amg kayang gawin ng Diyos.
PAGNINILAY
Ang paniniwala natin kay Hesus ay may kaakibat na responsibilidad. Tayo ay tinawag upang ipahayag ang Ebanghelyo sa pamamagitan ng ating mga salita at mas mahalaga, sa pamamagitan ng ating
mga gawa. Kailangan nating buhayin ang ating pananampalataya, hindi lamang sa pagpapahayag ng ating pananampalataya kay Hesus. Tulad ni Hesus ng inatasan ang Kanyang mga disipulo na “humayo at mangaral ng Ebanghelyo,” ipinapadala rin tayo ni Hesus upang isabuhay ang Ebanghelyo at ipangaral ang Ebanghelyo sa salita at gawa. Ito ang ating tawag, ang ating hamon at ang ating kaloob! Ano ang gagawin natin? Nawa’y humayo tayo at magpakalat ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng salita at halimbawa. Nawa’y ibahagi natin sa iba ang palagi nating natatanggap. Si Hesus ay umaasa sa atin!
Panginoon, tulungan Mo kaming makinig sa Iyong mga salita upang malaman namin kung paano kumilos sa katotohanan. Amen.
***
Salamat po sa awitatpapuri.com lagi ko etong nagagamit
MAGNILAY: Hindi natin maibibigay ang isang bagay na wala tayo. Si Hesus lang ang puwedeng umakay sa atin patungong langit pagkat siya lang ang galing sa langit. Siya lang ang puwedeng magpakilala sa Ama dahil siya lang ang tanging nakakita sa kanya. Siya lang ang puwedeng magpahayag ng salita ng Diyos dahil siya ang salita ng Diyos at una siyang nakinig at sumunod sa salita ng kanyang Ama. Gayunpaman, puwede rin nating ibahagi si Hesus kung siya’y nasa puso natin. Puwede rin nating ipahayag ang kanyang salita kung una natin itong pakikinggan at isasabuhay. Kaya nating umakay ng iba sa landas ng kabanalan kung una tayong tatahak dito.
MANALANGIN: Panginoong muling nabuhay, marapatin mong makaakay kami ng iba tungo sa landas ng kabanalan.
GAWIN: Mauna kang sumunod sa Panginoon bago mo pasunurin ang iba sa kanya.
REFLECTION: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang magandang pahayag ni San Juan tungkol kay Hesus. Para sa Ebanghelista, ang pokus ng panunulat nito ng aklat ay upang kilalanin natin si Hesukristo na tunay na Tao at higit pa riyan tunay na Diyos. Sa mga nakaraang pahayag, nakita natin ang pagtatagpo ni Hesus kay Nicodemo, isang Pariseong naging malapit na tagasunod niya. Makikita natin na ipinakilala ni Kristo ang kanyang sarili na nanggaling mula sa langit. Tunay nga isinugo siya ng Diyos Ama upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Nitong nakaraang Semana Santa, ginunita natin ang Pagpapakasakit at Pagkamatay niya sa Krus upang iligtas tayo mula sa kasalanan. At ngayong panahong bumubuo ng 50 araw, patuloy natin inaalala ang kanyang Muling Pagkabuhay na nagtagumpay laban sa kamandag ng kamatayan at kasalanan. At ito rin ay pagkakataon na patuloy tayong sumampalataya sa kanya at maging kanyang mga saksi.
Kaya makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan ng misyon ng mga Apostol na ipagpatuloy na ipahayag si Kristo sa bawat dako ng mundo. Kahit sila’y binantaan at binabalaan ng Sanhedrin na huwag mangaral sa pangalan ni Hesus, totoong sinabi ni Pedro na kailangan nilang sundin ang utos ng Diyos na higit pa sa utos ng tao. Hindi pa rin kilala ng mga pinuno ng mga Hudyo si Hesus bilang Mesiyas, subalit marami sa kanilang mga kababayan ay sumaanib na sa pananampalatayang ipinagkaloob ng Panginoon para ipamana rin ng Simbahan sa ating lahat.
Kaya nawa’y patuloy tayo sa pagbibigay-saksi sa Kristong namatay at muling nabuhay upang makilala ng lahat ang plano ng Diyos Ama at mapasailalim sa dakilang kalooban na ipadala ang kabutihan sa isa’t isa.