Podcast: Download (Duration: 6:47 — 4.8MB)
Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 5, 17-26
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Juan 3, 16-21
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Second Week of Easter (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 17-26
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, inggit na inggit ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib na sekta ng mga Saduseo, kaya’t kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha’y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol. Sinabi nito sa kanila, “Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito.”
Sumunod naman ang mga apostol, kaya’t nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo.
Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol. Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya’t nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat: “Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!” Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo’t nagtuturo sa mga tao.” Kaya’t ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumagamit ng dahas dahil sa pangambang sila’y batuhin ng mga tao.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
o kaya: Aleluya!
Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Ang pagkadakila niya ay ihayag
at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,
sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’y naligtas
ay maituturing na taong mapalad.
Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.
ALELUYA
Juan 3, 16
Aleluya! Aleluya!
Kaylaki ng pagmamahal
ng Diyos sa sanlibutan
kaya’t Anak n’ya’y ‘binigay.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 3, 16-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa’y pagsunod sa Diyos.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Abril 9, 2024
Huwebes, Abril 11, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
REFLECTION: The Seasons of Lent and Easter can be summarized with our Gospel for today (John 3:16-21), at which part of it is our most favorite Biblical verse (Cf. John 3:16). During Lent, we prepared ourselves for forty days with sacrifice, penance, and charity for the celebration of the Paschal Mystery of our Lord Jesus Christ (Passion, Death, and Resurrection) on Holy Week and Easter Time. At the River Jordan, God revealed Jesus to be his beloved Son, in whom favor rests upon him. Filled with the Holy Spirit, Christ fasted for forty days and forty nights in a desert in Jericho and was tempted by the Devil, Satan himself. But he stood firm in times of this struggle and succumbed to the will of the Father.
This event prepared him for his Public Ministry and greatest act. And as we reach Holy Week, we deepen our faith in the Lord as we commemorate his ultimate sacrifice for our salvation through the Celebration of the Sacred Paschal Triduum. We tried to understand the importance and impact of Christ’s Suffering and Death on the Cross. Finally, from the Vigil of Holy Saturday night until this coming Pentecost Sunday, we continue to relish with joy Easter Time, that is to say, the Resurrection of Jesus from the dead. Through Christ’s Resurrection, he has defeated the power of sin and death; thus, giving us new life, new hope, new birth, and new living faith.
So my dear brothers and sisters, the three sacred periods mentioned and the whole Liturgical Calendar symbolizes God’s love for us, which is fulfilled in Jesus Christ. Yes, God loved the world, even though it was sinful, unfaithful, and disobedient, because his great plan was sending his Only Begotten Son. Although Jesus has already left the largest legacy, there are still some who choose to live in sin. That is why the Evangelist Saint John the Beloved said that whoever believes in the Son will be saved and not condemned, and whoever does not believe will be judged and condemned. And he mentioned the symbolisms of light and darkness. Light is when we have good and faithful lives because of our good works, while darkness is when we have evil and unruly lives because of our sins.
As we journey down this Easter road, let us put our faith in God and his Son, Jesus Christ, by living the commandments, doctrines, devotions, etc. through word and action.
Let us reflect meditatively on this Inspirational Song:
?For God so loved the world,
He gave us His Only Son,
Jesus Christ, our Savior,
His Most Precious One.
He has sent us His message of love
and sends those who hear,
to bring the message of everyone
in a voice loud and clear.
Let us tell the world of His love,
the greatest love the world has known.
Search the world for those who have walked astray
and lead them home.
Fill the world’s darkest corners
with His light from up above.
Walk ev’ry step, ev’ry mile, ev’ry road
and tell the world, tell the world of His love.?
Ano ang hamon at aral sa atin ng mga pagbasa ngayon?
Sa Unang Pagbasa ay kapag tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos ay panig sa atin ang Diyos at sya ang gagawa ng mga paraan na sa akala mo ay mahirap o imposible ng mangyari. Katulad ng ginawa ng Diyos sa dalawang apostol na naklabas ng kulungan kahit ito ay nakapinid. Sa kasalakuyang buhay natin, kung ikaw ay may hinihiling ay kailangan mong sumampalataya at sumunod sa klooban ng Diyos at magugulat ka na lamang na darating ang iyong dalangin ng hindi mo inaasahan.
Ang ating ebanghelyo naman na aral ay tungkol sa pananampalataya. Ang sumasampalataya sa Diyos ay hindi huhusgahan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pero hindi porket naniniwala ka na may Diyos ay ibig sabihi’y sumasampalataya ka na. Kung sumasapampalataya ka kay Hesus dapt ay nakikita ito sayo. Hindi mo pwedeng sabihinh sumasampalataya ka kay Hesus pero tsismosa ka, mandaraya ka, nakikiapid ka, nangangalunya, ganid sa pera, madamot, mapagmataas, mayabang, bastos, palamura, pala-away, naninirang puri, inggitero at hindi marunong magpatawad ng kapatid o kaaway.
Sumampalataya ka, upang tayo ay pakinggan din ng Diyos, magsisi, humingi ng tawad at magsikap na hanapin ang ilaw at talikuran na ang kasamaan.
PAGNINILAY
‘Labis ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak!’ Ito ang puso ng Mabuting Balita, ang pinakadakilang regalo sa lahat ng panahon na nababalot ng laso ng pana ng pulang-pula na Dugo ng Panginoong Hesukristo, na ibinigay ng Diyos Ama ! Dapat nating ipagpasalamat ito ng walang hanggan. Ang Diyos ay ganap na para sa atin, at hinihiling sa atin na maging ganap para sa Kanya at para sa isa’t isa. Walang mga tali o sakit na nakakabit sa pagmamahal ng Diyos. Hindi rin dapat magkaroon ng anumang mga tali o sakit sa kalidad ng ating pagmamahal. Ang Diyos ay nagsisikap na iligtas tayo – mula sa kasamaan at kabiguan at kapahamakan at kadiliman. Ang plano ng Diyos ay dalhin tayong lahat sa buhay na walang hanggan. Gaya ng matapang na sinabi ni Pope Francis: ‘Kapag sinabi at tapos na ang lahat, tayo ay minamahal ng walang hanggan’. Iyan ang maaaring maging mantra natin ngayon at araw-araw.
Nabuhay na Panginoon, alisin Mo ang anumang kadiliman sa aming kaluluwa. Amen.
***
REFLECTION: Ano ang hamon at aral sa atin ng mga pagbasa ngayon?
Sa Unang Pagbasa ay kapag tayo ay sumusunod sa kalooban ng Diyos ay panig sa atin ang Diyos at sya ang gagawa ng mga paraan na sa akala mo ay mahirap o imposible ng mangyari. Katulad ng ginawa ng Diyos sa dalawang apostol na naklabas ng kulungan kahit ito ay nakapinid. Sa kasalakuyang buhay natin, kung ikaw ay may hinihiling ay kailangan mong sumampalataya at sumunod sa klooban ng Diyos at magugulat ka na lamang na darating ang iyong dalangin ng hindi mo inaasahan.
Ang ating ebanghelyo naman na aral ay tungkol sa pananampalataya. Ang sumasampalataya sa Diyos ay hindi huhusgahan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Pero hindi porket naniniwala ka na may Diyos ay ibig sabihi’y sumasampalataya ka na. Kung sumasapampalataya ka kay Hesus dapt ay nakikita ito sayo. Hindi mo pwedeng sabihinh sumasampalataya ka kay Hesus pero tsismosa ka, mandaraya ka, nakikiapid ka, nangangalunya, ganid sa pera, madamot, mapagmataas, mayabang, bastos, palamura, pala-away, naninirang puri, inggitero at hindi marunong magpatawad ng kapatid o kaaway.
Sumampalataya ka, upang tayo ay pakinggan din ng Diyos, magsisi, humingi ng tawad at magsikap na hanapin ang ilaw at talikuran na ang kasamaan.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 3, 16-21
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Pinaka-paboritong sitas mula sa Mabuting Balita!
Ito ang kabuohan ng ating pananampalataya.
Tuwirang ipinahahayag ang kabuohan
ng Kristiyanong pananampalataya.
Hindi sa pamamaraang talinghaga.
Sa mas simpleng salita
naging tao ang Ikalawang Persona ng Banal na Santatlo
para sa ating kaligtasan,
upang bigyan tayo ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.
Ginagampanan ba natin
dito sanlibutan ang ating tungkulin
upang makamtan
ang kanyang pangako sa kalangitan?
MAGNILAY: Kung sino ang kaya tayong mahalin sa panahong nasa pinakamasama at pinakapangit tayong kondisyon siya ang tunay na nagmamahal sa atin. Ganito magmahal ang Diyos. Kahit nasa pinakamasama at pinakapangit na kondisyon dahil sa kasalanan minahal niya ang tao. Ang pag-ibig niya ay hindi nagbago o nabawasan o napagod. Umabot sa sukdulan ang kanyang pagmamahal kaya’t sinugo niya ang kanyang Anak upang hindi tuluyang mapahamak ang sangkatauhan at mabuksan ang pinto ng kaligtasan. Ginawa niya ito hindi dahil may ginawa ang tao upang maging karapat-karapat siya sa kanyang pagmamahal. Kung tutuusin kapos na kapos ang pagmamahal ng tao sa Diyos pero minahal niya tayo sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal ng Diyos na walang kondisyon ay isang alok. Nasa pagpapasya natin kung tatanggapin natin ito o hindi. Kung maliligtas tayo o mapapahamak ay nasa desisyon natin.
MANALANGIN: Panginoon, gisingin mo ang puso kong manhid sa pag-ibig mo.
GAWIN: Matutong kilalanin kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa iyo.
PAGNINILAY: Ang mga Panahon ng Kuwaresma at Pasko ng Pagkabuhay ay maaaring buod sa ating Ebanghelyo para sa araw na ito (Juan 3:16-21), kung saan bahagi nito ang ating pinakapaboritong talata sa Bibliya (Cf. Juan 3:16). Sa panahon ng Kuwaresma, inihanda natin ang ating sarili sa loob ng apatnapung araw na may sakripisyo, penitensiya, at pag-ibig para sa pagdiriwang ng Misteryo ng Paskuwa ng ating Panginoong Hesukristo (Passion, Death, and Resurrection) sa Semana Santa at Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay. Sa Ilog Jordan, ipinahayag ng Diyos na si Jesus ang kaniyang minamahal na Anak, na sa kaniya’y sumasa kaniya ang paglingap. Puspos ng Banal na Espiritu, si Kristo ay nag-ayuno ng apatnapung araw at apatnapung gabi sa isang disyerto sa Jerico at tinukso ng Diyablo, si Satanas mismo. Ngunit siya ay nanindigan sa panahon ng pakikibaka na ito at sumuko sa kalooban ng Ama.
Inihanda siya ng kaganapang ito para sa kanyang Public Ministry at pinakadakilang pagkilos. At sa pagsapit natin sa Semana Santa, pinalalalim natin ang ating pananampalataya sa Panginoon habang ginugunita natin ang kanyang pinakahuling sakripisyo para sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng Pagdiriwang ng Sagradong Paschal Triduum. Sinubukan naming maunawaan ang kahalagahan at epekto ng Pagdurusa at Kamatayan ni Kristo sa Krus. Sa wakas, mula sa Pagpupuyat ng Banal na Sabado ng gabi hanggang sa darating na Linggo ng Pentecostes, patuloy nating ninanamnam nang may kagalakan ang Pasko ng Pagkabuhay, ibig sabihin, ang Muling Pagkabuhay ni Hesus mula sa mga patay. Sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, natalo niya ang kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan; kaya, nagbibigay sa atin ng bagong buhay, bagong pag-asa, bagong kapanganakan, at bagong buhay na pananampalataya.
Kaya mahal kong mga kapatid, ang tatlong sagradong panahon na nabanggit at ang buong Liturgical Calendar ay sumisimbolo sa pag-ibig ng Diyos sa atin, na natupad kay Jesu-Kristo. Oo, mahal ng Diyos ang mundo, kahit na ito ay makasalanan, hindi tapat, at masuwayin, dahil ang kanyang dakilang plano ay ang pagpapadala ng kanyang Bugtong na Anak. Bagama’t iniwan na ni Jesus ang pinakamalaking pamana, mayroon pa ring ilan na pinipiling mamuhay sa kasalanan. Kaya naman sinabi ng Ebanghelista na si San Juan the Beloved na ang sinumang sumampalataya sa Anak ay maliligtas at hindi hahatulan, at sinumang hindi maniwala ay hahatulan at hahatulan. At binanggit niya ang mga simbolismo ng liwanag at kadiliman. Ang liwanag ay kapag tayo ay may mabuti at tapat na buhay dahil sa ating mabubuting gawa, habang ang kadiliman ay kapag tayo ay may masama at masuwayin na buhay dahil sa ating mga kasalanan.
Sa paglalakbay natin sa kalsadang ito ng Pasko ng Pagkabuhay, ilagay natin ang ating pananampalataya sa Diyos at sa kanyang Anak, si Jesucristo, sa pamamagitan ng pamumuhay sa mga utos, doktrina, debosyon, atbp. sa pamamagitan ng salita at gawa.
Pagnilayan nating mabuti ang Inspirational Song na ito:
?Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan,
Ibinigay Niya sa atin ang Kanyang Bugtong na Anak,
Hesukristo, ating Tagapagligtas,
Kanyang Pinakamamahal na Isa.
Ipinadala Niya sa atin ang Kanyang mensahe ng pag-ibig
at sinusugo ang nakikinig,
upang dalhin ang mensahe ng lahat
sa isang malakas at malinaw na boses.
Sabihin natin sa mundo ang Kanyang pag-ibig,
ang pinakadakilang pag-ibig na nakilala ng mundo.
Hanapin sa mundo ang mga naligaw ng landas
at akayin sila pauwi.
Punan ang pinakamadilim na sulok ng mundo
kasama ang Kanyang liwanag mula sa itaas.
Maglakad sa bawat hakbang, bawat milya, bawat kalsada
at sabihin sa mundo, sabihin sa mundo ang Kanyang pag-ibig.?
– Reynald Perez
Never limit God with our own limitations, the love of God is greater that our sins.
Whatever in prison us today someday God will open the cell/gate so we will believe in freedom. – Fr. Dave Concepcion.
Thy shall be done. Have mercy on us Lord. Amen.
#GvWednesday