Podcast: Download (Duration: 5:55 — 4.2MB)
Martes sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
o kaya Paggunita kay San Pio V, Papa
Mga Gawa 14, 19-28
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21
Talastas ng mga tao,
dakilang paghahari mo.
Juan 14, 27-31a
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Tuesday of Fifth Week of Easter (White)
or Optional Memorial of St. Pius V, Pope (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 14, 19-28
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na. Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe.
Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan.
Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkalinga ng Diyos.
Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil. At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
o kaya: Aleluya!
Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibabalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
Aking pupurihin ang Diyos na Panginoon, di ko tutugutan
sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman.
Talastas ng mga tao
dakilang paghahari mo.
ALELUYA
Lucas 24, 46. 26
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y laang magtiis
nang tagumpay ay makamit
at sumaatin ang langit.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 14, 27-31a
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo; hindi ito katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot. Sinabi ko na sa inyo, ‘Ako’y aalis, ngunit babalik ako.’ Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat dakila ang Ama kaysa sa akin. Sinasabi ko na ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung mangyari na, kayo’y manalig sa akin. Hindi na ako pakahahaba ng pagsasalita sa inyo, sapagkat dumarating na ang pinuno ng sanlibutang ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin, subalit dapat makilala ng sanlibutan na iniibig ko ang Ama at ang ginagawa ko’y ang iniutos niya sa akin.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Lunes, Abril 29, 2024
Miyerkules, Mayo 1, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pahayag ni Hesus na siya lamang ang makakapagkaloob ng kapayapaang hindi katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo. Kapag sinabi natin “kapayapaan”, ito’y hindi lang kawalan ng digmaan, karahasan, at poot. Ang kapayapaan ay ang presensiya ng Diyos. Subalit paano ba natin masasabing naroroon ang Diyos sa gitna ng kaguluhang laganap sa buong mundo? Sabi ni Hesus na siya’y babalik patungo sa Ama, at sa oras na yaon, siya’y iluluwalhati sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus na hahantong sa kanyang Muling Pagkabuhay. Ang kanyang Pagkabuhay ay nagdala ng kapayapaan sa mga alagad, at tinanggal ang kanilang pangamba at takot sa buhay. Kaya ang kanyang nalalapit na pagbalik noong panahong iyon ay nagsisilbi ng paanyaya’y upang magalak sa kanyang paghaharian. At tayong lahat ay inaayayahang manalig sa kanya sapagkat hindi mananaig ang “pinuno ng sanlibutan”.
Ang tinutukoy rito ni Kristo ay ang Diyablo na walang kapangyarihan sa kanya. Dito makikita natin na hindi mananaig ang kasamaan, kundi ang kabutihang dulot ng dakilang kalooban ng Diyos. Sina San Pablo at San Bernabe sa Unang Pagbasa ay nakaranas ng mga pagsubok sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Subalit nanaig pa rin ang tagumpay na pagdagdag ng mga mananampalataya. Sila rin ay humirang ng mga matandang pastol na mamamahala sa bawat komunidad. Ganoong kayaman ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ni Kristo sapagkat nasa kanila ang presensiya ng Panginoon. At ang presensiyang iyan mismo ay masasabi nating sa Diyos lamang tayo makakamit ng kapayapaan.
Kaya ang hamon din sa atin ay maging mga instrumento ng kapayapaan sa ibang tao upang palaging magtagumpay ang pag-ibig ng Diyos para sa buong mundo.
Kamusta ka kapatid? Peace be with you.
Sa ating buhay ay lubhang napaka-abala natin, andami nating iniisip, minsan ay hindi na tayo makatulog sa dami ng iniisip, nalilipasan ng gutom, at hindi mo na ma-enjoy ang buhay. Kahit pa sagana ang iyong hapag kainan, magandang bahay, magagarang sasakyan, madaming pera, may asawa at mga anak, may posisyon, ay wala ka pa ring kapayapaan. Bakit kaya?
Sapagkat ang tunay na kapayapaan ay sa Diyos lamang natin matatagpuan. Kapatid, huminto ka sandali, magnilay nilay, ipahingq ang iyong isip, huminga ng malalim, lumuhof at kausapin si Hesus. Matatagpuan ang kapayapaan kay Hesus sa pamamagitan ng pakikipag usap sa kanyan, una ay pagsisihan ang mga gawang kasalanan, pangalawa ay humingi ng kapatawaran, at ang panghuli ay sikapin ng matalikuran ang kasamaan. At kapg nagkaroon ka na ng relasyon sa Diyos at tinuring mo syang Ama at kaibigan ay dito mo na malalasap ang kapayapaan. Peace of mind, makakatulog ng mahimbing at mawawala ang pangamba at pagkabalisa. Take it easy, relax, sundin lang ang kalooban ng Diyos at manalangin.
Don’t worry about anything, instead pray about everything.
Sinabi din ni Padre Pio…. Pray, Hope and don’t Worry.
Peace be with you brothers and sisters..
PAGNINILAY:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo” – labing-isang maiikling salita mula sa ating Panginoong Hesus, nakakatanggap tayo ng isang makapangyarihang mensahe at isang mapagmahal na regalo. Ang kapayapaan ay isang maikli at simpleng salita, ngunit ang regalo ng kapayapaan ay isang malaking kayamanan. Ang kapayapaan ay hindi isang bagay na pwede nating imbentuhin. Ngunit, maaari tayong gumawa ng mga pagpipilian na makatutulong na magdala sa atin ng kapayapaan. Naaalala natin ang ilan sa mga pinaka mapayapang panahon sa ating buhay. Maaaring ito ang panahon na naging maayos ang lahat: pagkatapos ng ating kasal, ang kapanganakan ng ating unang sanggol. Kahit sa panahong mahirap ang buhay, nakakaranas pa rin tayo ng mga sandali ng kapayapaan, tulad ng pag-upo ng may katahimikan, kapag nakikipaglaro tayo sa ating mga anak at apo, nakikipag-usap sa ating asawa, kasama ang ating pamilya. O simpleng pagkatuwa sa kalikasan, pakikinig ng musika, pag-tumba sa silyang tumba-tumba, pagdarasal at pagiging tahimik. Ang kapayapaan ay isang regalong gustong ibigay sa atin ni Hesus. Tanggapin nawa natin ang Kanyang regalo. At nawa’y bigyan din natin ang iba ng kapayapaan ni Hesus!
Panginoong muling nabuhay, bigyan Mo kami ng kapayapaan sa magulong mundong ito. Amen.
***
REFLECTION: Kamusta ka kapatid? Peace be with you.
Sa ating buhay ay lubhang napaka-abala natin, andami nating iniisip, minsan ay hindi na tayo makatulog sa dami ng iniisip, nalilipasan ng gutom, at hindi mo na ma-enjoy ang buhay. Kahit pa sagana ang iyong hapag kainan, magandang bahay, magagarang sasakyan, madaming pera, may asawa at mga anak, may posisyon, ay wala ka pa ring kapayapaan. Bakit kaya?
Sapagkat ang tunay na kapayapaan ay sa Diyos lamang natin matatagpuan. Kapatid, huminto ka sandali, magnilay nilay, ipahingq ang iyong isip, huminga ng malalim, lumuhof at kausapin si Hesus. Matatagpuan ang kapayapaan kay Hesus sa pamamagitan ng pakikipag usap sa kanyan, una ay pagsisihan ang mga gawang kasalanan, pangalawa ay humingi ng kapatawaran, at ang panghuli ay sikapin ng matalikuran ang kasamaan. At kapg nagkaroon ka na ng relasyon sa Diyos at tinuring mo syang Ama at kaibigan ay dito mo na malalasap ang kapayapaan. Peace of mind, makakatulog ng mahimbing at mawawala ang pangamba at pagkabalisa. Take it easy, relax, sundin lang ang kalooban ng Diyos at manalangin.
Don’t worry about anything, instead pray about everything.
Sinabi din ni Padre Pio…. Pray, Hope and don’t Worry.
Peace be with you brothers and sisters..
Noong ang Panginoon ay naparito sa sanlibutan, dala niya ay kapayapaan, noong siya ay bumalik sa Ama, iniwan niya ang kapayapaan, patuloy niyang pinadala ang kanyang kapayapaan, at hanggang ngayon ang kapayapaan ay nasa ating mga puso. Kaya lamang di natin maramdaman at maranasan ang kapayapaan ay dahil hindi natin niyakap ito. Sa tuwing tayo ay dumadalo sa Banal na Misa muling tayong pinapaalalahanan ng Panginoon na ang kapayapaan ay nasa atin, pagyakap at pagbabahagi na lamang ang ating gagawin. Nawa sa ating araw-araw na buhay ay tunay nga na ang kapayapaan ng Panginoon ang ating dala, saan man tayo pumunta, ano man ang ating gawain sa bawat araw. Hindi lalawak ang kapayapaan sa mundo kung mismo tayo ay hindi yayakap sa kapayapaan, kung tayo ay hindi payapa. Saan magsisimula ito, sa panalangin, makinig lagi sa turo at kalooban ng Diyos, susundan ng pagpapaubaya, susundan ng pagsunod, sa pagsunod ay may kalakip na pagmamahal at ang pagmamahal ang mananaig na siyang iaabot, ipararamdam at tulay para sa iba. Panginoon, turuan mo kaming yakapin ang iyong kapayapaan.