Martes, Mayo 7, 2024

May 7, 2024

Martes sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 16, 22-34
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8

Ligtas ako sa ‘yong piling,
lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.

Juan 16, 5-11


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Tuesday of the Sixth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 16, 22-34

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, dinaluhong sina Pablo at Silas ng mga tao, at matapos pahubaran ng mga pinuno, sila’y paulit-ulit na ipinahagupit, saka ipinabilanggo at pinabantayang mabuti. Ipinasok sila ng batay sa kaloob-looban ng bilangguan at ipinangaw ang mga paa.

Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga imno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo. Di-kaginsa-ginsa’y lumindol nang napakalakas, anupat nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Pagdaka’y nabuksan ang mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng mga bilanggo. Napabalikwas ang bantay-bilangguan at nang makitang bukas ang mga pinto, hinugot ang kanyang tabak at tangkang magpakamatay sa akalang nakatakas ang mga bilanggo. Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag mong saktan ang iyong sarili! Narito kaming lahat!” Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas. Inilabas niya ang mga ito at sinabi, “Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?” Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka – ikaw at ang iyong sambahayan.” At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay. Nang gabi ring iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga sugat, at nagpabinyag siya pati ang buo niyang sambahayan. Pagkatapos, sila’y isinama niya sa kanyang tahanan at hinainan ng pagkain. Galak na galak siya at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat sila’y natutong sumampalataya sa Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3, 7k-8

Ligtas ako sa ‘yong piling,
lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.

o kaya: Aleluya!

Ako, Poon, buong pusong aawit ng pasalamat,
sa harap ng mga anghel, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.

Ligtas ako sa ‘yong piling,
lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.

Dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,
ika’y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,
sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

Ligtas ako sa ‘yong piling,
lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.

Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway,
ligtas ako sa piling mo, sa takas na iyong taglay.
Yaong mga pangako mo ay handa mong tupding lahat,
ang dahilan nito Poon, pag-ibig mo’y di kukupas,
at ang mga sinimulang gawain mo’y magaganap.

Ligtas ako sa ‘yong piling,
lakas ko’y sa ‘yo nanggaling.

ALELUYA
Juan 16, 7. 13

Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 5-11

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngayo’y paroroon na ako sa nagsugo sa akin. Wala isa man sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayong sabihin ko sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan. Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung aalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan. Mali sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nanalig sa akin; tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 20, 2022 at 8:46 pm

PAGNINILAY: Habang tayo’y papalapit sa katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang Ebanghelyo ngayon ay bahagi ng mga diskurso ni Hesus bago siyang umakyat papuntang langit. Nangyari ito bago pa man maganap ang kanyang Misteryong Paskwal noong gabi nang siya’y nasa Huling Hapunan kasama ang 12 Apostol.

Narinig natin kahapon kung paano plinano ni Hesus na suguin ang Espiritu Santo upang maging Tagapagtanggol nila. Ngayon ay tila inuulit niya ang pahayag ng pagsusugo ng Tagapagtanggol, ang Espiritu, upang maging gabay ng mga alagad sa kanilang misyon. Ang Espiritu ang tanging maghuhubog sa ating pagkatao upang makilala natin ang tama at mali ayon sa pamantayan ng Panginoon, at hindi sa mundo. Marahil ay dinidikta tayo ng tao o kaya ng isang grupo na namnamin ang isang bagay na akala natin ito’y mabuti. Subalit di lingid sa ating kaalaman na tayo’y tinutukso na gumawa ng masama. Kaya uso ngayon ang sinasabing sumunod sa “good influence”, at huwag sa “bad influence”. Ang Espiritu Santo ay ang “great influence” sapagkat siya ang magpapahayag sa atin ang dakilang kalooban ng Ama ayon sa Mabuting Balita ni Hesukristo. Kung bubuksan lang natin ang ating puso sa kalooban ng Panginoon ay matatanggap pa natin ang mga biyayang nararapat sa atin ayon sa kanyang pamantayan.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan nina Pablo at Silas nang sila’y ipinaghagupit at tsaka ipinakulong. Habang sila’y umaawit ng mga imno, biglang nagkalindol at nawasak ang bawat selda. Akalain ng bantay na guwardiya na nakatakas ang mga bilanggo, kaya tinangka niyang magpakamatay. Subalit nagpakita sa kanya sina Pablo, Silas, at ang lahat ng bilanggo. Nagtanong ang guwardiya kung paano niyang makakamtan ang kaligtasan, at tugon ni Pablo na siya’y sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo.

Nawa’y patuloy tayo’y maging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon sa tulong ng Espiritu Santo.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan nina Pablo at Silas nang sila’y ipinaghagupit at tsaka ipinakulong. Habang sila’y umaawit ng mga imno, biglang nagkalindol at nawasak ang bawat selda. Akalain ng bantay na guwardiya na nakatakas ang mga bilanggo, kaya tinangka niyang magpakamatay. Subalit nagpakita sa kanya sina Pablo, Silas, at ang lahat ng bilanggo. Nagtanong ang guwardiya kung paano niyang makakamtan ang kaligtasan, at tugon ni Pablo na siya’y sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo.

Nawa’y patuloy tayo’y maging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon sa tulong ng Espiritu Santo.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 24, 2022 at 9:16 am

Come Holy Spirit!?

Idalangin natin na lukuban tayo ng Espiritu Santo, ito ang gagabay sa atin. Tutulungan tayo nito sa ating mga desisyon sa buhay. Ipaalala nya ang tama sa lhat ng ating iisipin, sa lahat ng ating sasabihin, at sa lahat ng ating gagawin. At kung pakikinggan natin ito ay kahit kailan ay hindi tayo mapapahamak.

Reply

Joshua S. Valdoz May 7, 2024 at 6:36 am

REFLECTION: Come Holy Spirit!?

Idalangin natin na lukuban tayo ng Espiritu Santo, ito ang gagabay sa atin. Tutulungan tayo nito sa ating mga desisyon sa buhay. Ipaalala nya ang tama sa lhat ng ating iisipin, sa lahat ng ating sasabihin, at sa lahat ng ating gagawin. At kung pakikinggan natin ito ay kahit kailan ay hindi tayo mapapahamak.

Sabi nga ni Jesus sa mga tao na.. “Now I am going to the one who sent me, and not one of you asks me, ‘Where are you going?’ But because I told you this, grief has filled your hearts. But I tell you the truth, it is better for you that I go. For if I do not go, the Advocate will not come to you. But if I go, I will send him to you. And when he comes he will convict the world in regard to sin and righteousness and condemnation: sin, because they do not believe in me; righteousness, because I am going to the Father and you will no longer see me; condemnation, because the ruler of this world has been condemned.” Amen, Amen! Purihin ang Panginoon!

Reply

Mel Mendoza May 7, 2024 at 5:26 pm

Ang Ebanghelyo ay ang patuloy na mga salitang binibitawan ni Hesus sa kanyang mga alagad tungkol sa kanyang napipintong Pag-akyat sa Langit sa nalalapit niyang pagganap ng pagmimisyon na iniatas ng Ama. Sa tagpo malungkot at tahimik na nakikinig ang mga alagad. Dahil wala naman pwedeng ikubli kay Hesus pinangunahan niyang sabihin na aakyat Siya sa langit upang ipadala ng Ama ang Espiritu na Siyang huhukom sa mga hindi nanampalataya sa ipinangaral Niya sa sanlibutan at ito ang magiging basehan ng paghuhukom. Ang Pag-akyat Niya sa langit ay isusugo naman ang Espiritu upang patuloy na gabayan ang mga alagad sa araw araw na pagmimisyon, at pangunahan ang mga ito magsalita ng katotohanan tungkol sa kaharian sa ikararangal ng Diyos at ang patuloy na pagpapatnubay sa kanila sa paghimok paggawa ng mabuti.

Sa araw araw nating pagiral nalalaman ang ating mga pagsuway kung may pagkakataong tinatanggihan natin na manahan sa atin ang Espiritu ng Diyos. Tayong mga Kristiyanong mananampalataya ay inatasan sa umpisa pa lang na maging daluyan ng banal na Espiritu upang maipalaganap ang katotohanan ng Kaligtasan na nakatala sa Banal na Kasulatan. Ang hamon sa atin, sa kabila ng ating mga personal na pinagdadaanan naisasakatuparan ba natin na maging daluyan ng biyaya ng katotohanan ng kaharian na ninanais ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Mga kapatid nawa’y sa tuwina makita sa atin na tayo ay pinaghaharian ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa lalo na higit sa ating pakikipag-kapwa.

Reply

Malou Castaneda May 7, 2024 at 6:33 pm

PAGNINILAY:
Ang medikal na propesyon ay nagpapagaling sa atin sa mga paraan na hindi pinangarap ng mga ilang taon lamang ang nakalipas. Sila ay “lumikha” ng isang bakuna sa Covid19 virus sa oras na naitala. Ang panlahatan komunikasyon ay naging posible para sa atin na malaman at tumugon sa krisis sa mundo tulad ng pandemya, kahirapan, digmaan sa Ukraine at mga natural na sakuna sa oras na naitala. at biswal na makita ang isa’t isa sa pamamagitan ng social media. Ito ay mga mahimalang palatandaan ng kamay ng Diyos na kumikilos. Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng mga tao sa panahong ito ng kaguluhan, ngunit kailangan nating tingnan at makita ang pag-udyok ng Banal na Espiritu sa mga pagkilos ng mga nagsisikap na tumulong at maglingkod sa iba. Ang hamon natin ay patuloy na manalangin para sa karagdagang pagbuhos ng Banal na Espiritu. Handa pa rin ang Diyos na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Ang kailangan lang nating gawin ay buksan ang ating mga mata at asahan na makita ang mga dakilang gawa na ginagawa ng Diyos.

Panginoong nabuhay na mag-uli, siklabin mo ang apoy ng Iyong pag-ibig sa loob namin. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: