Podcast: Download (Duration: 5:36 — 4.0MB)
Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 15, 1-6
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.
Juan 15, 1-8
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Fifth Week of Easter (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 1-6
Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, may ilang taong dumating sa Antioquia, mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: “Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya’t napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito.
Sinugo nga sila ng simbahan, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito’y labis na ikinagalak ng mga kapatid. Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos, sa pamamagitan nila. Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, “Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.”
Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.
o kaya: Aleluya.
Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.
Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ng Israel upang magsambahan.
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.
Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.
ALELUYA
Juan 15, 4a. 5b
Aleluya! Aleluya!
Sa Poon ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 15, 1-8
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo. Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Abril 30, 2024
Miyerkules, Mayo 1, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
Sa Ebanghelo ay tungkol sa Puno ng Ubas at mga Sanga, Na Si Hesus ang tunay na puno ng Ubas, at tayo ang mga sanga . Na meron tayo nakaugnay sa tunay na puno ng Ubas, na si Hesus , tayo ay nakakapamungna ng sagana dahil tayo ay nakaugnay kay Hesus. Dahil si Hesus ay mabuti , at pagtayo’y nakaugnay kay Hesus tayo makakagawa ng kabutihan, at magiging mabuti tayo dahil kay Hesus. Ngunit kung hindi tayo nakaugnay kay Hesus hindi tayo makakapamunga ng sagana. Ang dahilan bakit tayo nakapamguna ng mabuti ay dahil nakaugnay tayo kay HESUS. Kaya’y patuloy tayo makipagunayan at makiisa kay HESUS. At huwag tayo mawalay kay Hesus. Dahil Siya ng tunay na puno ng Ubas. At ang ibang puno ay hindi tunay, baka tayo’y linglang o mascam ng ibang nang kukunwaring tunay na puno. Kaya hindi ito makakapamunga ng saga at masarap ng bunga.
PAGNINILAY: Mahalaga sa bawat komunidad ang pagkakaisa. Sa kabila ng mga pagkakaiba sa paniniwala, relihiyon, lahi, kasarian, kulay, at mga saloobin tungkol sa kalagayan ng isang bansa, dapat naroon pa rin ang pagkakaunawa sa mga miyembro ng isang grupo, komunidad, o lipunan.
Sa ating Unang Pagbasa (Gawa 15:1-6), humarap ang Simbahan sa isang kontrobersiyal na isyu, ang di umano’y pagsasailalim ng mga Hentil na magpatuli bago maging isang Kristiyano. Kaya nagkaroon ng mainit na debate sa kampo nina San Pablo at Bernabe laban sa kampo ng mga Pariseo at iilang mga Hudyong Kristiyanong naniniwala sa grupo ng mga Hudyo. Kahit panalo na si San Pablo sa pagdedebate, hindi pa rin nawala ang isyu, sapagkat marami ang naniniwala na dapat daw pagtuliin ang mga Hentil ayon sa Kautusan ni Moises upang sila’y mailigtas ng Diyos. Subalit makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga Apostol upang magkaroon ng malawak na usapin tungkol sa bagay na ito.
Sa ating Ebanghelyo (Juan 15:1-8), na inulit muli ngayong taong ito ang Ebanghelyo noong nakaraang Linggo, ito ang pinakahuling “Ako ang” na pahayag ng Panginoon ayon kay San Juan, na kung saan ipinapakilala sa atin ng Ebanghelista si Hesus bilang Tao, ngunit kailanma’y tinanggi ang kanyang pagka-Diyos. Sinasabi ni Hesus na siya ang puno ng ubas, at tayo ang kanyang mga sanga. Upang tayo ay magkaroon ng buhay, kailangan natin maging mabubuting sanga sa pamamagitan ng pagpapantili sa puno. Ang bawat sangang nabubulok ay pinuputol ng tagapag-alaga upang magkaroon pa nang mas magandang sanga na magbubunga ng higit pa sa luma. Ibig palang iparating sa atin ni Hesus ang kahalagahan ng ating kaligtasan upang tayo ay maging mas matapat sa Diyos. At ito’y mangyayari kung hahayaan natin ang magkaroon ng isang wagas na ugnayan sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Hesukristo. Kaya sinasabi ni Hesus na dapat tayo’y manatili sa kanya, upang siya rin ay manatili sa ating mga puso’t isipan.
Aminin natin o hindi, mahalaga pa rin ang Diyos sa buhay ng tao sa kabila ng mga masasamang nangyayari sa ating paligid. Kung tayo ay patuloy na nananalig, malalampasan natin ang bawat pagsubok. At sa bawat pananampalataya sa Panginoon ay ang pananatili at pagkakaroon ng ugnayan sa kanya, upang mabunga sa atin ang pagmamahal at kabutihan na dapat nating ipadama sa kapwa. Ganito ang inilalarawan sa Simbahan, na nagpapatuloy sa pananatili kay Kristong tumatag nito.
Sa kabila ng mga masasamang pangyayari sa nakaraan, siya ay patuloy na nanawagan sa atin, kahit tayo’y bahagi ng kaparian o laiko, na ipagpahayag natin na si Kristo ay namatay, ngunit buhay na buhay sa ating piling. At kahit tayo ay Kristiyanong Katoliko, nawa’y patuloy natin ipadama sa lahat ang pag-ibig ng Diyos Ama, kahit magkaiba ang kanilang mga paniniwala at relihiyon sa buhay.
“Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo”
Napakaganda ng pangakong ito sa atin ni Hesus. Siya ang puno at tayo ng mga sanga, wala tuong magagawa at hindi tayo magbubunga kung tayo ay konektado kay Hesus. Paano nman maging konektado kay Hesus?
Isapuso natin ang Salita ng Diyos, ang mga Mabuting Balita, isaktuparan natin ito, gawin nating gabay sa pang araw araw na buhay. Sa madaling sabi ay sundin natin ang kalooban ng Diyos at ang lahat ng iyong dalangin ay ipagkakaloob nya.
Sa buhay mo ngayon kapatid, kanino ka konektado. Saan mo ginugugol ang iyong oras? Sa ano mo inaaalay ang iyong mga gawain? Sino ang pinakikinggang tinig sa mga desisyon mo? Ang Diyos ba o ang makamundong tukso ng demonyo?
Sa makabagong teknolohiya, ang nais natin ay lagi tayong konektado sa internet upang manuod sa netflix, sa youtube, mag facebook, mag tiktok mag vlog at kung anu ano pa. Sana’y ganun din tayo kahumaling na maging konektado kay Hesus.
REFLECTION: Sa Ebanghelyo ay tungkol sa Puno ng Ubas at mga Sanga, Na Si Hesus ang tunay na puno ng Ubas, at tayo ang mga sanga . Na meron tayo nakaugnay sa tunay na puno ng Ubas, na si Hesus , tayo ay nakakapamungna ng sagana dahil tayo ay nakaugnay kay Hesus. Dahil si Hesus ay mabuti , at pagtayo’y nakaugnay kay Hesus tayo makakagawa ng kabutihan, at magiging mabuti tayo dahil kay Hesus. Ngunit kung hindi tayo nakaugnay kay Hesus hindi tayo makakapamunga ng sagana. Ang dahilan bakit tayo nakapamguna ng mabuti ay dahil nakaugnay tayo kay HESUS. Kaya’y patuloy tayo makipagunayan at makiisa kay HESUS. At huwag tayo mawalay kay Hesus. Dahil Siya ng tunay na puno ng Ubas. At ang ibang puno ay hindi tunay, baka tayo’y linglang o mascam ng ibang nang kukunwaring tunay na puno. Kaya hindi ito makakapamunga ng saga at masarap ng bunga.
PAGNINILAY
May mga pagtabas sa ating buhay sa lahat ng oras. At kadalasan, hindi natin gusto ito. Ang pagtabas ay kadalasang masakit at mahirap. Gayunpaman, pagkatapos ng tagal ng panahon, maaari nating maunawaan na ito
pinagana tayo ng pagtabas
upang mamunga ng bago sa
iba’t ibang paraan. Pwede rin natin magsimulang maranasan ang bagong buhay na nagmula sa pagtabas sa atin.. Maaaring
lumago at magbago tayo para sa mas mabuti. Si Hesus, ay ang “tunay” na Puno at ang Kanyang Ama ang Nagpapatubo sa atin. Masakit man, ang pagtabas na ito ay magbibigay-daan sa atin na mamunga ng marami. Nagiging mabunga ang ating buhay at gawain kapag tayo ay kaisa ni Hesus. Kung wala Siya, wala tayong magagawa, ganap na wala tayo. Ngunit sa Kanya magagawa natin ang lahat ng bagay at sa Kanya hindi tayo mabibigo.
Panginoong muling nabuhay, patuloy na alagaan kami upang kami ay magbunga ng mabuti. Amen.
***