Podcast: Download (Duration: 6:44 — 4.8MB)
Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 25, 13b-21
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab
Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.
Juan 21, 15-19
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Friday of the Seventh Week of Easter (White)
Mga Pagbasa mula sa
Biyernes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 25, 13b-21
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,” wika niya. “Nang ako’y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kaya’t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya nama’y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala’y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya’y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya’t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya’t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab
Panginoo’y may luklukang
>matatag sa kalangitan.
Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.
Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.
Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.
Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.
Ang Poon nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!
Panginoo’y may luklukang
matatag sa kalangitan.
ALELUYA
Juan 14, 26
Aleluya! Aleluya!
Espiritu’y magtuturo
ng aral at pagkukuro
ni Hesus na ating Guro.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 21, 15-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Huwebes, Mayo 16, 2024
Sabado, Mayo 18, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Malapit na tayong matapos sa ating pagninilay sa Muling Pagkabuhay ni Hesukristo. Noong nakaraang Linggo, ipinagdiriwang natin ang kanyang Pag-akyat sa Langit. At ngayong darating na Linggo, ipagdiriwang natin ang Pentekostes, ang araw na bumaba ang Espiritu Santo sa mga Apostol.
Kaya maririnig natin sa Ebanghelyo kung paanong ipinaghahanda ni Hesus ang kanyang mga alagad para sa magiging misyon ng Simbahan. Ang tagpuan ay sa dalampasigan ng Lawa ng Tiberias matapos siyang magpakita sa kanila habang sila’y nangingisda sa Lawa. Nagkaroon ng malaking huli ng isda ang 7 alagad na nasa bangka, nakilala nila ang Panginoon, at sila’y nag-almusal. Matapos nito, tinanong ni Hesus si Simon Pedro nang 3 beses kung mahal siya nito. Kaya 3 beses sinabi ni San Pedro na lubos niyang minamahal ang Panginoon. Ito yung kabayaran at pangbawi ng Apostol noong 3 beses niyang ipinagkaila si Hesus nang ito’y idadala kay Poncio Pilato upang hatulan ng kamatayan. Bagamat naiyak si Pedro dahil naalala niya ang kanyang ginawang pagtatatwa sa kanyang Panginoon, nabatid niya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya at sa katotohanang mahal niya ito. At pinatibay ni Hesus ang tungkulin ni San Pedro na alagaan ang mga tupa. Ito yung magiging misyon ni San Pedro bilang kauna-unahang Santo Papa ng ating mahal na Simbahang Katolika. At hinula rin ni Kristo na sa huli ng pamumuno ng Apostol sa Simbahan, siya’y ipagpapatay sa isang lugar na sinabi ng Panginoon na “hindi niya magugustuhan”.
Kaya nga n’ung una, nang si Pedro ay hatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagtago sa labas. Biglang nagpakita ang Panginoong Hesus sa kanya, at tinanong niya nito, “Quo vadis, Domine?” “Saan kayo pupunta, Panginoon?” Sagot ni Hesus, “Ako’y papunta sa Roma upang sa pangalawang pagkakataon, ako’y ipapako sa krus.” Kaya bumalik si Pedro at hiniling na siya’y ipako sa krus ng patiwarik dahil sa kababang-loob ng kanyang kahinaan, ngunit pinalakas ng Panginoong Hesus na natupad na niya ang kanyang misyon. Makikita natin ang lubos na pagkikilala ni San Pedro kay Hesus. Marami nang beses ipinatotoo ni Pedro na si Hesus ay ang Kristo at Salitang nagbibigay-buhay. At nakita natin na kahit nagkasala siya, pinatawad pa rin siya ng Panginoon dahil may malaking misyong siyang ginampanan para sa pag-uunlad ng Simbahan.
Sa totoo, ganyan ang naging buhay ng mga Apostol, na kahit pinabayaan nila ang kanilang Panginoon nang ginapit nito ang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, nagpakita si Hesus sa kanilang nang maraming beses, at ang mensahe ng kanyang Muling Pagkabuhay ay bagong pag-asa at bagong buhay. Kaya ang Muling Pagkabuhay ay nagsilbing ugat ng pagpaparangal ng mga Apostol, at ito rin ang pinakaugat ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyanong Katoliko. Sa kabila ng ating mga kahinaan sa buhay, nawa’y palagi nating alalahanin na mahal tayo ng Diyos, at patuloy tayo sa pagtutupad ng ating misyon dito sa lupa upang mas makilala ang Paghahari ng Diyos sa bawat isa.
PAGBINILAY
“Mahal mo ba ako?” Ito ay isang tanong na talagang dumidiretso sa puso at mahalaga sa ating pakikipag ugnayan kay Hesus. Ito ay isang tanong sa kasalukuyan; hindi sa nakaraan; hindi kahit sa hinaharap. Ang kasalukuyan ay mahalaga, “Mahal mo ba ako?” Ito ang tanging tanong na itinatanong ni Hesus sa bawat isa sa atin na talagang mahalaga; ang tugon na humahantong sa pagpapalalim ng ating pakikipag ugnayan sa Kanya.
Mahal tayo ni Hesus at kasama natin Siya bawat segundo ng araw. Handa ba tayong isuko ang ating ilusyon sa pagkontrol sa ating buhay at ilagay ang ating kamay sa kamay ni Hesus? Mahal tayo ni Hesus at lalakad na kasama natin sa bawat hakbang ng daan. Gagabayan at palalakasin tayo ni Hesus kapag kailangan natin ng tulong sa pagharap sa buhay. Mahal mo ba ako?” Ang tanong ay naitanong na. Hinihintay ni Hesus ang ating sagot.
Panginoon muling nabuhay, nawa’y Ikaw ang iuna namin, palaging una sa lahat. Amen.
***
REFLECTION:
“Mahal mo ba ako?” Ito ay isang tanong na talagang dumidiretso sa puso at mahalaga sa ating pakikipag ugnayan kay Hesus. Ito ay isang tanong sa kasalukuyan; hindi sa nakaraan; hindi kahit sa hinaharap. Ang kasalukuyan ay mahalaga, “Mahal mo ba ako?” Ito ang tanging tanong na itinatanong ni Hesus sa bawat isa sa atin na talagang mahalaga; ang tugon na humahantong sa pagpapalalim ng ating pakikipag ugnayan sa Kanya.
Mahal tayo ni Hesus at kasama natin Siya bawat segundo ng araw. Handa ba tayong isuko ang ating ilusyon sa pagkontrol sa ating buhay at ilagay ang ating kamay sa kamay ni Hesus? Mahal tayo ni Hesus at lalakad na kasama natin sa bawat hakbang ng daan. Gagabayan at palalakasin tayo ni Hesus kapag kailangan natin ng tulong sa pagharap sa buhay. Mahal mo ba ako?” Ang tanong ay naitanong na. Hinihintay ni Hesus ang ating sagot.
Panginoon muling nabuhay, nawa’y Ikaw ang iuna namin, palaging una sa lahat. Amen.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 21, 15-19
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Muli napaka-talinghga ng Panginoon..
Sinabi niya kay Simon Pedro
“Pakanin mo ang aking mga batang tupa.”
“Pangalagaan mo ang aking mga tupa.”
“Pakanin mo ang aking mga tupa.”
Ito’y bilin ni Hesus na maging MATIBAY NA BATO
AT ALAGAAN ANG KANYANG SIMBAHANG ITATAG.
“Ngunit pagtanda mo, IUUNAT MO ANG IYONG MGA KAMAY
at IBA ANG MAGBIBIHIS SA IYO
at DADALHIN KA KUNG SAAN HINDI MO IBIG.
sinabi niya ito UPANG IPAKILALA KUNG PAANO MAMAMATAY SI PEDRO AT SA GAYO’Y MAPARARANGALAN NIYA ANG DIYOS.”
Maaalala sa kasaysayan na si Pedro ay namatay ng pabaliktad sa Krus dahil sinabi niyang hindi siya karapatdapat na ipako sa Krus
katulad ng pagkamatay ni Hesus..
Hindi niya ibig na ipako sa Krus ng kapareho ni Hesus.
NGUNIT IBIG NIYANG IHANDOG ANG KANYANG BUHAY SA DIYOS BILANG PAGPAPARANGAL SA DIYOS,
Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “SUMUNOD KA SA AKIN!”
TUNAY NGANG ALAGAD NI HESUS SI SIMON PEDRO
DAHIL TUMUGON SIYA SA PAANYAYA NI HESUS
NA “SUMUNOD KA SA AKIN” HANGGANG KAMATAYAN.
KAYA BA NATING GAWIN ANG HALIMBAWA NI SIMON PEDRO
BILANG MANANAMPALATAYA?