Sabado, Abril 13, 2024

April 13, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Taglay ang panibagong tiwala sa pag-ibig ng Diyos na laging nakahandang tumulong, ilapit natin sa kanya nang may pagpapakumbaba ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Ikaw ang aming kapanatagan, O Panginoon.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patnubayan ng Espiritu sa kanilang pag-akay sa kawan ng Diyos lalo na sa mga krisis na hinaharap ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y pagkalooban ng Diyos ng masaganang biyaya ng pananampalataya upang magkaroon tayo ng tapang na harapin ang mga pagsubok sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagpapatangay na lamang sa maunos na agos ng buhay nawa’y matagpuan ang Simbahan bilang isang payapang kanlungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit nawa’y maihatid ang habag ni Kristo sa pamamagitan natin bilang tagapaghatid ng kanyang mapagmahal na pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Diyos nawa’y magtamasa ng kapahingahan sa Langit sa presenya ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, dagdagan mo ang aming pananampalataya upang ganap kaming makasalo sa buhay ng Simbahan upang matupad namin ang iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 28, 2022 at 1:43 pm

PAGNINILAY: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagdudulot sa atin ng pag-asang sumampalataya pa sa Panginoong buhay, upang malampasan natin ang bawat takot at pangamba sa ating buhay.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod ng pangyayari mula sa Ebanghelyo kahapon. Kung matatandaan natin, may ilan sa 5000 katao ang nais gawing Hari si Hesus, kaya’t inutos niya sa kanyang mga alagad na tumawid sa ibayo ng dagat papuntang Capernaum, habang siya naman ay aakyat ng bundok upang manalangin. At sa kanilang paglalakbay, naransan nila ang takot at pangamba nang magkaroon ng isang unos na ang kanilang bangka ay nasa punto na lulubog dahil sa lakas ng hangin at matataas na alon. At tila nga ba’y nadagdagan pa ang kanilang takot nang makita nila ang isang lalaking lumalakad sa ibabaw ng tubig, na inakala nila ito’y isang espiritu o multo. Ngunit nang magpahayag ang tao na huwag sila mangamba sapagkat siya ito, nakilala agad nila na ang Panginoong Hesukristo ang lumalakad patungo sa kanila. Kaya’t pinasakay nila si Hesus sa bangka, at nagpatuloy sila ang Capernaum.

Ang kababalaghang ito ng Paglakad ni Hesus sa Tubig at ang kanyang pagpahayag na ‘Ako Nga Ito’ ay nagpapaalala sa mga alagad ng kwento ng paglilikas ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Nang magpakilala ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng punungkahoy na nagliliyab ng apoy, ang pangalan na ibinigay ng Panginoon ay ‘Ako Nga’. At ang isang tanyag na pangyayari sa paglilikas ng bayan ng Diyos ay ang pagtawid nila sa Dagat Pula, na nagpatunay sa tagumpay ng Diyos na naggabay at nagligtas sa kanyang bayan. Higit pa dito, ang katuparan ng plano ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, upang tayo ay matubos mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Kaya ang kababalaghan ng Ebanghelyo ngayon ay nagsisilbing paaala na si Kristo ay hindi kailanma’y pinababayaan ang kanyang Simbahan, ang daong ng kaligtasan. Sa kabila ng mga hamon na hinaharap ng mga pinuno at laiko ng Simbahan, patuloy na namamalagi ang pag-ibig ng Diyos na hindi kailanma’y pababayaan ng Mabuting Pastol ang buong kawan, kahit ang isa sa kanila ay sumuway/nagkasala.

Nawa’y patuloy tayong lumapit sa ating Panginoong Muling Nabuhay sa gitna ng mga krisis, kapighatian, at paghihirap sa ating buhay na parang katulad ng unos, na patuloy tayong kumapit sa kanya, upang madaanan natin ang bawat hamon sa ating buhay nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 30, 2022 at 3:32 am

“Huwag kayong matakot, ako ito”

Napakasarap marinig mula sa ating Panginoong Hesus ang salitang “huwag kayong matakot”. Ano ba ang kinatatakutan mo kapatid? Kamatayan, paghihirap, ang magutom, ang mawala sa kapangyarihan, multo, ang mawala ang mahal sa buhay, ang mawln ng pera, ang mangyayari sa kinabukasan?
Kapatid, sinabi ng Panginoon, huwag kayong matakot, andito ako.. kung panig sa atin ang Panginoon, sino ang may kayang kumalaban sa atin?
Ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon ay manalig ka at sumampalataya, sumunod ka lamang kay Hesus, sundin mo ang kalooban ng Diyos at sya na ang bahala sa iyo. Bakit ka mangangamba o matatakot sa kinabukasan, bakit mo poproblemahin ang mga bagay na hindi pa nangyayari?
Ang sikreto ay ito, don’t worry about anything but instead pray about everything. Huwag nyong aksyahin ang inyong panahon sa pangangamba at kaiisip, ibigay nyo lahat sa Diyos, ipagpasa Diyos ninyo lahat ng bagay, basta sumampalataya ka lamang ang sundin ang kalooban nya. Kapag sinabing sundin ang kalooban nya ay hindi tayo gagawa ng mga bagay na hindi nya kinalulugdan. Ang gantimpala mula sa langit ang kasunod.

Reply

Bro guibz April 13, 2024 at 6:26 am

MAGNILAY: Kapag dumarating ang bagyo ng buhay napakahalaga ang papel ng panalangin. Kahit maalon ang karagatan ng buhay nagiging kalmado tayo kapag sinasama natin ang Panginoon sa lahat ng ating pinagdadaanan. Hindi madali. Hindi nawawala nang tuluyan ang takot. Hindi naglalaho nang lubusan ang alinlangan pero mas panatag at mas nakakapag-isip nang tama kapag hinaharap natin ang lahat sa liwanag ng pananampalataya sa Diyos. Hindi tayo nilulunod ng mga matitindi nating emosyon. Hindi tayo nilulubog ng kawalan ng pag-asa. Inaangat tayo ng ugnayan natin kay Hesus. Kahit hindi pa malinaw sa ngayon ang eksaktong solusyon sa mga problema natin alam nating parating tayo doon. Isang araw nasa pampang na tayo ng ating patutunguhan.

MANALANGIN: Panginoon, itawid mo kami sa maalon na karagatan ng buhay. Kailanman huwag mo kaming bibitiwan at iiwan.

GAWIN: Pasakayin mo si Hesus sa bangka ng iyong buhay lalo kapag matindi ang alon at bagyo.

Reply

Joshua S. Valdoz April 13, 2024 at 7:26 am

REFLECTION: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagdudulot sa atin ng pag-asang sumampalataya pa sa Panginoong buhay, upang malampasan natin ang bawat takot at pangamba sa ating buhay.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod ng pangyayari mula sa Ebanghelyo kahapon. Kung matatandaan natin, may ilan sa 5000 katao ang nais gawing Hari si Hesus, kaya’t inutos niya sa kanyang mga alagad na tumawid sa ibayo ng dagat papuntang Capernaum, habang siya naman ay aakyat ng bundok upang manalangin. At sa kanilang paglalakbay, naransan nila ang takot at pangamba nang magkaroon ng isang unos na ang kanilang bangka ay nasa punto na lulubog dahil sa lakas ng hangin at matataas na alon. At tila nga ba’y nadagdagan pa ang kanilang takot nang makita nila ang isang lalaking lumalakad sa ibabaw ng tubig, na inakala nila ito’y isang espiritu o multo. Ngunit nang magpahayag ang tao na huwag sila mangamba sapagkat siya ito, nakilala agad nila na ang Panginoong Hesukristo ang lumalakad patungo sa kanila. Kaya’t pinasakay nila si Hesus sa bangka, at nagpatuloy sila ang Capernaum.

Ang kababalaghang ito ng Paglakad ni Hesus sa Tubig at ang kanyang pagpahayag na ‘Ako Nga Ito’ ay nagpapaalala sa mga alagad ng kwento ng paglilikas ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Nang magpakilala ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng punungkahoy na nagliliyab ng apoy, ang pangalan na ibinigay ng Panginoon ay ‘Ako Nga’. At ang isang tanyag na pangyayari sa paglilikas ng bayan ng Diyos ay ang pagtawid nila sa Dagat Pula, na nagpatunay sa tagumpay ng Diyos na naggabay at nagligtas sa kanyang bayan. Higit pa dito, ang katuparan ng plano ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, upang tayo ay matubos mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Kaya ang kababalaghan ng Ebanghelyo ngayon ay nagsisilbing paaala na si Kristo ay hindi kailanma’y pinababayaan ang kanyang Simbahan, ang daong ng kaligtasan. Sa kabila ng mga hamon na hinaharap ng mga pinuno at laiko ng Simbahan, patuloy na namamalagi ang pag-ibig ng Diyos na hindi kailanma’y pababayaan ng Mabuting Pastol ang buong kawan, kahit ang isa sa kanila ay sumuway/nagkasala.

Nawa’y patuloy tayong lumapit sa ating Panginoong Muling Nabuhay sa gitna ng mga krisis, kapighatian, at paghihirap sa ating buhay na parang katulad ng unos, na patuloy tayong kumapit sa kanya, upang madaanan natin ang bawat hamon sa ating buhay nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: