Miyerkules, Hulyo 26, 2023

July 26, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-16 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Sabihin natin sa Diyos ang ating pagnanais sa isang mayamang ani sa mundo habang ating nasasalamin ang hindi matabang lupa sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mong mabunga ang aming buhay.

Ang Simbahan nawa’y magbunga ng mayamang ani sa pamamagitan ng katapatan at dedikasyon ng kanyang mga lingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ani ng katarungan nawa’y magbuhat sa hindi makasariling paggawa ng mga pinuno, mambabatas at hukom ng gobyerno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magsasaka na nagpapagal sa bukid nawa’y umani ng bunga ng kanilang paggawa at makatulong sa ikauunlad ng sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit na nahihirapan sa mga kasawian sa buhay nawa’y masiyahan sa ani ng pagpapalakas-loob mula sa kanilang mga kaibigan at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makarating sa kanilang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Ama, tulungan mo kaming makapagdulot ng mayamang ani sa anumang iyong itinanim sa aming mga puso. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 19, 2021 at 6:49 pm

PAGNINILAY: Dalawang pinakamahalagang bahagi mayroon ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya: (1) Ang Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, at (2) Ang Pagdiriwang sa Huling Hapunan.

Sa Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, tayong lahat ay inaanyayahan na buksan ang ating 2 tainga upang mabuo ang puso na makikinig at magninilay sa mensahe ng Diyos na ipinapahayag sa kanyang Banal na Kasulatan. Narinig natin sa Ebanghelyo ngayon ang Talinghaga ni Hesus ukol sa Manghahasik. Sinasabi na itinanim ng manghahasik sa 4 na lugar ang mga binhi, at sa Biyernes ay maririnig natin ang paliwanag ni Hesus ukol sa talinghaga. Ngunit alam natin na ang talinghagang ito ay tungkol sa ating tugon sa Salita ng Diyos na ipinapahayag sa atin tuwing tayo’y nakikinig, upang mabuksan ang aming puso na makinig at maisabuhay ang kanyang Banal na Salita.

Sa Pagdiriwang ng Huling Hapunan, tayo ay nakikibahagi sa pagliligtas ng Diyos na ginugunita sa pagsasalo at pakikinabang sa Katawan at Dugo ni Kristo. Ang Unang Pagbasa ay ang pag-ulan ng Diyos ng manna mula langit upang itugon ang kagutuman ng mga Israelita. Nagtaka sila kung ano ang tuklap na itsura na nakikita sa sahig, na tugon naman ni Moises ay ang pagkaing ibinigay sa kanila ng Panginoon upang sila ay makakain at mabusog. Isa ito sa mga pangyayaring naglalarawan kay Hesus bilang Tinapay ng Buhay, at kung tayo ay makikibahagi sa kanya ay hindi kailanma’y mamamatay, ngunit mabubuhay para sa walang hanggan. Sa bawat Misa ay naroon ni Kristo, kaya ang pagtanggap natin sa kanya sa Banal na Komunyon ay nais niyang manatili sa ating mga puso’t isipan upang siya ay maghari sa aming buhay.

Tayo ay binubusog ni Kristo sa Banal na Eukaristiya sa pamamagitan ng kanyang Salita & ng kanyang Katawan. Ang hamon sa atin ay maging mapagbigay ng buhay para sa ibang tao sa ating pakikinig at pagsasabuhay ng Salita & sa pagbabahagi sa Misteryo ng Banal na Katawan at Dugo ni Kristo.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 21, 2021 at 9:44 am

Ang ating ebanghelyo ngayon ay may kinalaman sa ating pagbabasa o pakikinig ng mabuting balita o pgadalo sa banal na misa. May mga taong pgaklabas pa lamang simbahan ay nakakagawa na agad ng kasalanan halimbawa ay natapakan ang paa at nagalit, may nakaaway sa kalye na nakagitgitan ng sasakyan o kaya ay namintas agad, ito ay halimbawa ng binhi na nalaglag sa kabatuhan. Mayroon namang nagsimba ng Linggo at mierkules pa lamang ay bumalik na naman sa masamang gawi ito ay halimbawa ng binhi na nalaglag sa dawagan, timubo ngunit madali ding namatay. Mayroon namang nagsimba at ninamnam ang mabuting balita, isinakatuparan ang aral na natutunan sa misa, sinunod ang kalooban ng Diyos, nagsisi sa mga nagawang kasalanan, humingi ng kapatawaran at nagsisikap na talikuran na ang kasamaan, ito naman ang mga binhi na nahulog sa matabang lupa na binabanggit mi Hesus sa ebanghelyo. Kay ngayon mga kapatid, suriin mo ang inyong sarili, kayo ba anong klaseng binhi nahulog?

Reply

Len Hallare July 26, 2023 at 8:37 am

sa unang pagbasa ganun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa mga Israelita sa bawat reklamo nila naririnig ng Diyos ang kanilang mga hinaing.hindi nya pinabayaan na magutom sila halos araw-araw ay meron pagpapala silang matatanggap at sa pagsapit ng ika 6 na araw doble ang kanilang pupuluting pagpapala.Ramdam ng Diyos ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw ang gusto nya lng naman ay malaman nila na si Yahweh ang kanilang Diyos.Sa panahon na tayo ay nawawalan ng pag-asa sa buhay wag tayo matakot hindi tayo pababayaan ng Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapabaya naghihintay lng sya sa atin na tawagin natin sya naririnig nya tayo sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng pagkaing bumubuhay sa atin. Sa ating ebanghelyo nangaral si Hesus sa maraming tao sa pamamagitan ng pa talinghaga dito nya napapahayag ang nais nya sabihin. Meron 4 na binhi ang inihasik ng magsasaka sa ibat-ibang lugar. May binhi nalaglag sa tabi ng daan,may binhi nalaglag sa matabang lupa,mga binhing nalaglag sa matitinik na halaman at binhing nahasik sa matabang lupa. ibat ibang lugar ang tinubuan ng mga binhi at ibat iba dn ang naging pagsibol nito. halos yung iba ay hindi kagandahan, matinik, mababaw at sobrang sagana ang naging bunga.Tayo bilang mga nakikinig sa Salita ng Diyos anong uri ng binhi ang tumutubo sa ating mga puso?Patuloy ba tayo lumalago kapag hindi tayo nakakaranas ng mga pagsubok o kapag may mga suliranin tayo sa ating buhay saan natin nakikita ang ating mga sarili sa mga nahasik na binhi. Patuloy tayo makinig at buksan ang ating mga puso sa tuwing nagbabasa at naririnig natin ang tinig ng Diyos na nagungusap sa atin.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: