Martes, Hulyo 25, 2023

July 25, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Hulyo 25
San Tiago, Apostol

Si San Tiago, kapatid ni Juan, ay tinawag mula sa pagsusursi ng kanyang lambat upang sumunod kay Kristo. Sa tulong ng Apostol na natutong maglingkod sa iba, manalangin tayo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan Mo ang Iyong bayang itinatag sa mga Apostol.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y gampanan ang kanilang tungkulin sa diwa ng paglilingkod at paglalaan ng sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa bayan nawa’y makatupad sa kanilang tungkulin nang may katapatan at pag-aalay, manalangin tayo sa Panginoon.

Magkaroon nawa ng maraming kabataang bukas-loob na tutugon sa tawag para sa pagpapari at buhay-relihiyoso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y matutong makibahagi sa kalis ng paghihirap ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tanggapin sa kagalakan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, tulungan nawa kami ng mga panalan`gin ni San Tiago sa paglalapit namin sa iyo ng aming mga kahilingan. Nawa ang paglalakbay naming ito sa buhay ay mamukod sa paglilingkod sa iba. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 6, 2020 at 9:29 pm

Pagninilay: Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ni Apostol Santiago, ang kapatid ni San Juan na isa sa mga anak ni Zebedeo. Kilala silang 2 bilang “Boanerges” o “mga anak ng kidlat” sapagkat kapag sila’y nagsasalita ay parang malakas ang epekto ng kanilang mensahe.

Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita kung gaano ninanais nila na itugon ni Hesus ang kanilang tugon. Ang kanilang ina [Santa Salome] ay lumapit kay Hesus at hiniling na kapag iniluwalhati na diya bilang Anak ng Diyos, ipaupo sina Santiago at Juan sa kanan at kaliwa niya. Ngunit alam ni Kristo na hindi gaanong madali ang hiniling nila, sapagkat ayon sa kanya ay kailangan nilang uminom sa kalis ng pagdurusa. At sa paggalit ng iba pang Apostol dahil sa kanilang hiling, tinipon sila ng Panginoon at ipinahayag tungkol sa pagkakamit ng kadakilaan.

Nais ipahiwatig sa atin ni Hesus na ang pagkakaroon ng maraming tagumpay ay kinakailangang magdusa hindi dahil tayo’y pinaparusa ng Diyos, kundi upang maging mas matatag pa ang pananampalataya natin sa kanya. At tungkol sa pagiging una at dakila, kinakailangan nating magpakumbaba at maglingkod gaya ng ginawa ni Hesus nang ialay niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng karamihan.

Kaya nga si Santiago ay ang kauna-unahang Apostol na pinatay noong ika-44 ng Taon ng Panginoon sa utos ni Haring Herodes Agripa I (Cf. Gawa 12:2). Bago pa man mangyari iyan, sinasabi na nagpunta siya sa Espanya upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ni Kristo.

Kaya’t sa ating buhay, nawa’y tayo’y maging mga tunay na Kristiyano sa pagbibigay-saksi sa Panginoon nang buong lakas, kababang-loob, at paglilingkod sa ating kapwa at sa ibang tao.

Reply

Flor July 25, 2020 at 11:18 pm

Dinadakila ka namin Panginoon sapagkat ayon po sa gospel reading kung saan iPinagtitibay po ninyo kami sa Pananampalataya sa kabila ng pandemyang aming Dinaranas ay Patuloy po ninyo kaming Iniingatan at Ginagabayan SALAMAT po PANGINOON SALAMAT PINUPURI’T SINASAMBA at PINASASALAMAT ka namin PANGINOON.

Reply

Len Hallare July 24, 2023 at 9:40 pm

Tunay nga na gagawin ng ina ang lahat para sa ikabubuti ng kanyang mga anak. Ganyan tayong mga ina gusto natin na makita ang ating mga anak na nasa maayos ang kanilang buhay.Tulad ni Salome lakas loob sya lumapit kay Hesus para sa 2 nya anak na maupo sa kaliwa at kanan pag sya ay naluwalhati nasa sa langit.Hindi naman ganun kadali ang gusto nya mangyari at hindi dn naman tinanggihan ni Hesus si Salome para sa kanya 2 anak. kaya lng nananaig p dn sa kalooban ni Hesus kung sino ang itatakda ng kanyang Ama. Ganun na lamang ang pagpapahalaga ni Hesus sa kanyang Ama, kung sakaling umayon si Hesus sa gustong mangyari ni Salome at hindi naman natupad mas lalong masasaktan ang isang ina. kaya minabuti ni Hesus na ipaubaya ang lahat sa kanyang Ama.Sa paglilingkod maraming kaakibat na sakripisyo pero kung ang hahangarin natin na maipalaganap ang salita ng Diyos sa ating kapwa at sa kanya lng tayo naka focus siguro magiging magaang at masaya ang paglilingkod na meron tayo ngayon. At sa ating paglilingkod makita sa atin na si Hesus ang ating pinaglilingkuran hindi yung posisyon na iniingatan natin.Hingin natin ang kalooban ng Diyos kung ano ang makabubuti para sa atin. Patuloy lng tayo magtiwala at manalig sa Diyos na hindi nya tayo pababayaan kung ito ay gawain ng Panginoon.Sabi nga sa Salmong tugunan ang nagtanim ng may luha, ay aaning natutuwa.

Reply

Jose M. Javier July 25, 2023 at 4:57 am

2 Corinthians 4:15 comes in a section where Paul is describing his ministry to the Corinthian church. It hasn’t been easy for him, and he’s kind of explaining why he keeps doing it: For it is all for your sake, so that as grace extends to more and more people it may increase thanksgiving, to the glory of God.
For all things are for your sakes, that the abundant grace might through the thanksgiving of many redound to the glory of God.
For Gospel today;
The gospel that we have today is a reminder of what service is all about and that is “to serve and not to be served… whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all”.
Jesus is calling the disciples (and all who are in Christ) to follow the same path to greatness: humble, sacrificial service to each other. Matthew 20:20–28 follows Jesus’ clear description of His impending death with a poorly timed request from James and John, through their mother.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: