Podcast: Download (Duration: 5:43 — 4.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes
Manalangin tayo sa Diyos Ama, na sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ay muling nabuhay si Kristo at siya ring magbibigay ng buhay sa ating mga mortal na katawan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng langit at lupa, pagpalain Mo kami.
Ang mga ginawaran ng katungkulan nawa’y pukawin ng Espiritu sa pagtupad ng kanilang pamumuno ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang patuloy na panibaguhin sa Espiritu ang ating mga sarili at lumago tungo sa kaganapan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, nawa’y matulungan natin ang isa’t isa nang may pag-ibig na nagpapahayag sa Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y maipagamot at mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapa nawa’y magdiwang sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, ibuhos mo ang iyong Espiritu sa aming mga puso upang baguhin ang aming buhay sa pamamagitan ng buhay na kaloob sa amin ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Abril 8, 2024
Miyerkules, Abril 10, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ay pagsasariwa ng kaligtasang dulot ng Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Hesus, na nagkaroon ng kabuluhan nang siya’y muling nabuhay mula sa libingan at nanaig ang kamatayan at kasalanan.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang patuloy na diskurso ng ating Panginoong Hesukristo kay Nicodemo, isang Pariseong nais makinig at matuto mula sa kanya. Kahapon ay narinig natin kung paanong makakamit natin ang buhay na walang hanggan. Ngayon ay patuloy si Hesus sa pagsasabing kailangan nating ipagsilang na muli sa binyag. Hindi naunawaan ni Nicodemo ang pahayag na ito na akala niya’y papasok pa ang tao sa sinapupunan ng ina. Dito pinaunawaan ni Hesus na walang nakapunta ng langit kundi ang Anak ng Tao. At sinipi ni Hesus ang kwento ng Bilang 21:4-9 kung saan itinaas ni Moises ang isang ahas na tanso sa isang poste, ganun din ang pagtataas sa Anak na Tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga sumasampalataya.
Makikita natin ang planong pangkaligtasan ng Diyos na natupad sa pamamagitan ni Hesus. At nangyari nga ang pangyayaring ito nang gunitain natin ang kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus noong Semana Santa. Ayon kay San Juan, si Nicodemo na kahit Pariseo ay naging malapit na kaibigan ni Hesus, kaya siya’y dumala ng mga pampalasa upang pahiran ang Katawan ng Panginoon. At makalipas ang ilang taon, sinasabi na si Nicodemo ay napabilang sa Ang Daan (sa Antiqouia silang tinawag na mga “Kristiyano”).
Ang Unang Pagbasa ay isang magandang paalala na kinalulugdan ng Panginoong Diyos sa kanyang Sambayanan. Makikita natin ito sa sinaunang Simbahan na patuloy na lumalago dahil sa pangangaral at pagbibigay-saksi ng mga Apostol para kay Kristo. Kaya sila’y nagkaisa sa ilalim ng iisang pananampalataya sa Ama at sa Anak. Ang pagkakaisa ay mahalaga upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng pakiisa, nawa’y sikapin natin magpakatao para sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at talikdan ang mga masasama.
Sinabi ni Hesus:
“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Ang mga nakagat ng ahas ay hindi namatay ng tumingala sa ahas na ipinagawa ng Diyos kay Moises. Ang mga tuklaw ng ahas aya ang ating mga kasalanan at paghihirap dito sa lupa. Kaya’t kinakailangan nating tumingala sa langit at manalangin kay Hesus. Ikaw kapatid, kanino ka tumatakbo kapag binabayo ng ka nga mga pagsubok sa buhay? Sa alak?, sa bisyo? nagtatampo sa Diyos? Lalong inululubog ang sarili sa kasalanan? Sinisira ang buhay? Nag iisip magpatiwakal?
Kapatid, Diyos ang gawin nating takbuhan, sa simbahan tayo magtungo at tumingala kay Hesus na nakabayubay sa Krus. Bibigyan nya tayo ng kapayapaan ng isip, pauunlarin nya tayong muli, mararamdaman natin ang presensya nya na lagi lang syang nasa tabi natin. Magsisi tayo, humingi ng kapatawaran, magsikap matalikuran ang kasamaan at magugulat ka sa gantimpalang hatid sayo ng Panginoon… at dun mo madarama ang tunay at wagas na kaligayahn na hindi nabibili ng salapi.
PAGNINILAY
Tayo ba ay masiglang mga tao? Ang isa sa mga masayang sigaw na maaaring pabalik-balik sa pagitan ng dalawang grupo ng mga tao ay ang may isang panig na sumisigaw, “Mayroon kaming espiritu, oo, mayroon kami. Mayroon kaming espiritu; kayo kaya?” Higit na mahalaga kaysa espiritu ng pangkat ang pagkakaroon ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay-inspirasyon sa atin – hiningahan tayo ng buhay – upang mabuhay tayo bilang mga tagasunod ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Sa pamamagitan ng Espiritung aktibo sa ating buhay, maipapahayag natin ang Mabuting Balita ng Panginoong Hesus. Dapat tayong patuloy na manalangin para sa, at maging bukas sa, aktibidad ng Espiritu sa ating buhay. At sa gayon, tunay nating mararanasan ang kaugnayan natin sa Diyos Ama, Panginoong Hesus, at sa lahat ng ating mga kapatid kay Kristo.
Nawa’y patuloy nating pahintulutan ang Espiritu ng Panginoong Nabuhay na Mag-uli upang palakasin tayo at bigyan ng kapangyarihan na maging halimbawa ng presensya ng Diyos sa mundo.
REFLECTION: Sinabi ni Hesus: