Sabado, Oktubre 21, 2023

October 21, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ang Panginoon ang ating seguridad. Ipahayag natin ang ating tiwala sa kanya at manalangin tayo para sa lahat ng tao na kasama natin sa paglalakbay sa buhay na ito.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga anghel, ikaw ang aming tanggulan.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na ipahayag ang Salita ng Diyos sa harap ng maraming pagbatikos at paglaban, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang matutuhang magtiwala sa banal na pagpapala ng Diyos gaano man kabigat ang ating mga pasaning suliranin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang hanapbuhay nawa’y makakita ng trabaho at kumita ng kanilang ikabubuhay nang marangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan sa pagkakasakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pag-ibig at tiwala ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamo ng mahabaging hatol at walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming manatiling tapat sa iyong salita upang magkaroon kami ng lakas na magpatuloy pasanin ang mga kahirapan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 16, 2021 at 12:22 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang paalala ni San Pablo tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoon. Isinalaysay niya ang paglalakbay ni Abraham sa pananampalataya, na siya ay nagtiwala sa Panginoon nang may buong pananalig. Kaya naman ipinangako sa kanya na magkakaroon siya ng mga lahing kasindami ng mga bituin sa langit. Makikita rito ang tila pagpapahalaga ni Pablo sa pananampalataya. Subalit intindihin natin nang mabuti na ang pagbasa ay hindi basehan upang sabihin natin na tanging pananampalataya lamang ang makakapagligtas sa atin (Sola Fidei). Ang pinupuntirya dito ni Pablo ay ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, na mas matatag na relasyon higit pa sa mga ritual at tradisyon. Kaya idinugtong ito ni Santiago na ang pananampalataya ay dapat isabay sa kaakibat ng mga mabubuting gawain para maging makabuluhan ang ating pagkikilala sa Panginoon. At hindi naman binabalewala ni San Pablo at Santiago ang mga debosyon natin bilang mga Katoliko. Maganda ang ating mga Tradisyon bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya sa Diyos at sa kanyang mga Banal, ngunit mas maganda ang mga ito kung pati na rin ang ating buhay-pananampalataya ay maisasabuhay natin alinsunod sa halimbawa ng mga Banal.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paalala ni Hesus tungkol sa mga biyaya ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang sinumang nag-aalipusta sa kanya ay mapapatawad, ngunit ang sinumang nanlalait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasabuhay sa mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo. Noong kinumpilan tayo, binigyan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na maging mga matatag na saksi ni Kristo para sa pananampalataya. Ang ikatlong persona ng Santatlo ang siyang tagapagtanggol natin, lalung-lalo na sa mga panahon ng kagipitan at pagsubok. Kaya sinasabi ng Panginoong Hesus na kapag tayo ay ihaharap sa bingit ng maling pagbibingtang, ang Espiritu ang siyang magpapatotoo sa ating pagiging makatotoong katauhan dahil tayo ay nasa tamang pamamaraan. Nawa hayaan natin ang Espiritu Santong maging gabay at lakas natin upang kilalanin at isabuhay natin ang mga pamamalakad at mensahe ng Panginoon.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 16, 2021 at 11:44 am

Dinadasal natin ang Ama Namin, ang dasal na itinuro ni Hesus. Binabanggit natin doon ang “Sambahin ang ngalan mo”. Wag natin itong isawalang bahala. Sa kasalukuyang panahon ay madalas ang mga katagang “Oh My God! na sinsambit sa walang kakwenta kwentang bagay katulad lamang ng nagulat, naiinis, nasasarapan sa makamundong bagay at kung anu ano pa. Nadidinig din natin ang “Sumpa man sa Diyos” kapag nangangako o kapag may gustong patunayan sa kausap. O kaya nman ay isinasama ang pangalan ng Diyos sa mga jokes. Mga walang takot sa Diyos, hindi man ngayon pero sinabi ni Hesus na kayo ay parurusahan. Marami ng insidente o mga patotoo dito at mga kilalang nilalang pa ang nakaranas ng dahil sa pgkutya nila sa mga banal na bagay.
Igalang natin ang Panginoon, amg mga gawa ng langit at lupa, ang may gawa sayo!!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: