Lunes, Hulyo 17, 2023

July 17, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Kung tapat tayo kay Kristo, huwag natin asahan na magiging sikat tayo. Nawa’y hubugin ang ating mga hangarin ng hiwagang ito ng Kaharian ng Langit.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming buhay.

Ang mga miyembro ng Simbahan nawa’y maging matapang at lagi nang tapat sa pananampalataya sa gitna ng pakikipagtunggali at pag-uusig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang upang gabayan ang kanilang mga anak sa daan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng lakas na mapaglabanan ang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nalulumbay, mga naliligalig at yaong nagdurusa sa isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging masayang walang hanggan sa Kaharian ng Diyos Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga pakikibaka sa buhay. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa kabila ng aming pagdurusa, at bigyan mo kami ng lakas na kumilos nang mayroong pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 10, 2021 at 12:13 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay pagpapatuloy sa kwento ng kaligtasan pagkatapos ng talambuhay ni Jacob at ang kanyang mga anak, na 12 Tribo ng Israel. Makikita rito na ang mga lipi ni Abraham na unang nanirahan sa Canaan ay tumira sa Egipto nang malaman ang muling pagkikita ni Jose at ang kanyang ama at mga kapatid. Matapos ang kanilang pamumuhay, narinig natin sa pagbasa na may isang Faraon na walang kaalam-alam sa ginawa ni Jose sa Egipto ay biglang minalupitan ang mga Hebreo na maging mga alipin. Araw-araw pinapahirapan ng mga Egipcio ang mga Israelita, at pinapalo nila sila ng latigo na parang walang awa. At nagkaroon din ang utos mula sa Faraon na ang mga bagong silang na mga Hebreo ay dapat papatayin.

Ang lahat ng ito ay plano ng Faraon upang hindi dumami ang mga anak ni Abraham, at nais niyang protektahan ang mga mamamayan ng Egipto. 430 taong nanirahan ang mga Israelita sa Egipto, na may kasagaan sa una dahil kay Jose, subalit parang pagdurusa ang naging kasunod. Kaya parang ang tagal na nilang nakalimutan ang Diyos na tumawag sa kanilang mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob. Subalit makikita natin sa mga susunod na kabanta na hindi pinabayaan ng Panginoon ang kanyang bayan. Sa Aklat ng Exodo, matutunghayan natin ang isa sa mga pinakamagandang kwento ng kasaysayan ng kaligtasan sa katauhan at misyon ni Moises.

Paano tayo tumugon sa paanyaya ng pagiging mga alagad ni Kristo? Ang Ebanghelyo ngayon ay nasa loob pa rin ng konteksto ng pagsusugo ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang 12 Apostol. Ang kanilang misyon ay ipahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa mga nayon at bayan ng Israel at gumawa ng mga kababalaghan. Subalit sila ay isinusugo niya bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya narinig natin noong nakaraang Linggo ang mga banta ng pang-uusig sa kanila dahil sa kanilang misyon para kay Kristo. Ngunit ipinaalala ni Kristo sa kanila na hindi dapat sila matakot, sapagkat kapiling nila ang Diyos sa kanilang banal na tungkulin. Ngayon ay narinig natin ang paanyaya ni Hesus na gawin siyang sentro ng ating buhay. Tila bagang nais ng Panginoon na tanggihan natin ang ating mga pamilya at piliin siya. Subalit hindi iyon ang nais iparating niya sa atin.

Ayon sa mga eksperto ng Bibliya, ang orihinal na pahayag ng Panginoon sa mga sinaunang wika ng Israel ay nangangahulugang “gawing ikalawang opsyon” ang pamilya, at siya ang mauna sa ating pagkilala. Pinapahalaga rin ni Hesus ang buhay ng isang pamilya, subalit ang nais niyang sabihin sa atin ay dapat kilalanin natin siya bilang sentro ng bawat pamilya at sentro ng ating buhay. Ang pagpasan ng mga krus ay nangangahulugang ang pagpapasan ng ating sariling pagdurusa nang buong pagtitiis, pananampalataya, at pagsisikap ng mabuti upang makamtan ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Sapagkat si Kristo ay nagtitiis at nanalig sa Diyos hanggang sa bingit ng kanyang kamatayan sa Krus, kahit tingin ng ibang tao ay pinabayaan na siya ng Diyos. At ang huli ay ang pagtanggap sa kanya at sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mga tao. Siya ay naihahayag sa mukha ng bawat gumagawa ng kabutihan at pagmamahal sa mundo. Diyan nakikita natin ang Paghahari ng Diyos.

Kaya kung tayo ay magiging mabuti, mapagpala, matulungin, at mapaabot sa bawat tao, iyan din ang ginagawa natin kay Kristo. At nagiging huwaran natin siya sapagkat si Hesus din ay naging katulad natin nang hindi nagkasala. Gumawa siya ng kabutihan at ipinangaral niya ang pagmamahal sa Diyos at kapwa at pagtalima sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. At sa huli ay biniyayaan niya tayo ng buhay sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay.

Reply

Sherwin D. Yanoria July 12, 2021 at 5:38 am

Ano na ba ang naisakripisyo na natin sa Diyos? Ang mga tao ay nakatuon sa mga materyal na bagay. Ngunit nabibigyan ba natin ng sapat na panahon ang Diyos? Kaya nga saan ba nakatuon ang ating pagsusumikap? Naway mabigyan natin ng puwang ang Diyos. Ang ating buhay ay hindi laging puro saya at kadalasan ay may mga pagsubok din. Kaya naman buhatin natin ng may pagmamahal ang ating krus. Ito ang magiging daan upang mapalapit tayo sa Diyos. Sa ating mga paghihirap, nanduon ang Diyos upang umantabay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 12, 2021 at 10:03 am

Malalim ang ebanghelyo ngayon pero nais ipabatid ni Hesus, unahin natin sya bago ang lahat. Huwag din tayong maging makasarili, kahit ikaw ay hindi gumagawa ng masama pero sarili mo lamang ang iniisip mo ay hindi pa rin ito tama. Katulad ito ng isang mayamang lalaki na nagtanong kay Hesus kung panno sya makakarating sa kaharian ng Diyos, sinagot ni Hesus na sundin ang sampung utos, tumugon ang lalaki na ginagawa nman nya ito, sumagot ulit si Hesus ma ipagbili nya lahat ng ari arian nya at ipamahagi sa mahihirap. At tumalikod ang lalaki. Nais ni Hesus na bukod sa hindi ka gumagawa ng kasalanan ay ibigin mo din ang kapwa sa pamamagitang ng sakripisyo at pagtulong. Sapagkat kung ano ang iyong ginagawa sa iyong kapatid o kapwa ay sya ring ginagawa mo kay Hesus. At kung paano mo husgahan ang kapwa mo ay ganun ka din huhusgahan ng Diyos. Magsisi sa kasalanan, iwaksi ang kasamaan, magsakripisyo, at tumulong sa mga walang wala, yan ang aral ng Mabuting Balita.

Reply

Jose M. Javier July 17, 2023 at 5:26 am

Jesus warns of the deep division that His kingdom message sows among men. It divides even families. He tells His disciples that anyone who does not love Him more than the dearest relationships within their households is not worthy of Him.

Reply

tammy amar July 17, 2023 at 8:25 am

Ang pagiging maawain at mahabag yan sana ang ating ipamalas sa ating kapwa tulungan ang naapi magbigayan tayo sa walang wala kung anu meron tayo doon e share sa mga nangangailangan Ang taong walang trabaho mahirap Isang kahig isang tuka tingnan natin sila ay pinagpala nang diyos dahil nakikita nila ang Kaharian nang langit kaya maging masunurin lamang tayo at huwag pananaig sa tukso dahil balang araw makamit natin Ang buhay na walang hanggan.

Reply

Rosalinda m. Jubilado July 17, 2023 at 9:02 pm

bakit sinabi ni Jesus na naparito ako hindi upang magdala ng kapayapaan kundi pagkabaha-bahagi o mag- aaway- away ang isang sambahayan?
bakit sinabi ni Jesus na sng hindi marunong magpasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapadat-dapat sa akin?
bakit sinabi ni Jesus na ang nagmamahal sa kanyang sarili, sa kanyang mga mahal sa buhay ng higit sa akin ay hindi karapatdapat sa akin?

tingnan natin ang buhay ni Jesus bilang tao.
Siya ay naging masunurin sa ating Dios Ama ng may pagtitiis,
natutunan Niyang naging masunurin sa Ama ng may pagtitiis.
hanggang kamatayan sa Krus.
bakit hanggang kamatayan sa krus dahil our God is our life.
Our God is Almighty
Our God is the Most High God
There is none like God
He is the Maker of Heaven and Earth
He is God that can restore everything what is lost from us.
like Abraham hindi siya nagdalawang isip na ihandog ang kanyang anak sspagkat buo sa puso niya na si Yahweh ay Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Kaya nga si Jesus ay dumanas ng pagtitiis sa mundong ito hanggang kamatayan sa Krus kinalimutan Niya ang Kanyang Pagka Diyos upang makasama Niya tayo sa buhay na wslang hanggan sa pilingng Ama because God is Omnipotent,Omniscient, Omnipresent.
Ang mundong ito ay pinaghaharian ng kasamaan .
Kaya ang tunay na sumusunod sa Ama ay kalaban ang sanlibutang ito.
God is number one in his life above all wordly things.
paano mo number one sa buhay mo ang Diyos?
sa simpleng buhay natin.
bilang anak ng Diyos, binyagan,
may paanyaya ang ating Ama na magkatipon tipon sa Kanyang Banal na Pagtitipon , kahit may wordly appointment siya inuna niya ang paanyaya ng Diyos.
in our daily lives, una ang kalooban ng Diyos hindi ang makamundong buhay, wisdom and knowledge of this world.
he is full of kindness, goodness, understanding, mercy,love at marami pang Virtues na kalaban ng mundong ito.
kaya nga ang mga anak ng Diyos ay ilaw ng sanlibutang ito. We are bearers of Light. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: