Linggo, Hulyo 16, 2023

July 16, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Pinasisigla ng pagpapahayag at pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos, tumugon tayo nang buong pasasalamat at kapangakuang isabuhay ang turo ng Panginoon. Maging tugon natin ay:

Pinupuri’t pinasasalamatan Ka namin, Panginoon!

Para sa kaloob na Salitang inihabilin sa Simbahan bilang kanyang bukal ng inspirasyon at sanggunian sa pag-akay sa mga tao tungo sa katotohanan, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang ipinaaabot sa atin sa pamamagitan ng Santo Papa, mga obispo, mga pari, at lahat nating gabay na espirituwal, sa tulong ng Espiritu Santo, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang nagbubuklod at nagpapatibay sa ating mga pamayanan bilang mga buhay na sangkap ng lipunan at pantulong sa pangangaral, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang sa bawat siglo’y ikinapagsisimula ng mga bagong kilusan at pagsisikap para sa ikasisigla ng Simbahan at ng buong mundo, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang nagpapanumbalik ng pagkakasundo ng mga bansa, pangkat, at mag-anak, at ikinapapayapa ng ating mga puso sa katapusan ng bawat araw, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang nakaaaliw sa mga nag-aagaw-buhay sa pamamagitan ng pangako ng buhay na walang hanggan para sa pinakasimple man nilang pagkakawanggawa, manalangin tayo!

Para sa kaloob na Salitang nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na maging saksi ni Kristo, manalangin tayo!

Tahimik nating alalahanin ang ilan sa mga tanging kaloob na naidulot ng Salita ng Diyos sa atin at sa mga mahal natin. (Manahimik saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, pinupuri Ka nami’ t pinasasalamatan sa pakikipag-usap Mo sa amin sa Banal na Kasulatan at sa buhay na Tradisyon ng Simbahan. Tulutan Mong lagi naming maunawaan nang tama ang Iyong mensahe at agad namin itong tupdin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 5, 2020 at 11:02 pm

Pagninilay: Ngayong Linggong ito hanggang sa mga sumusunod na Linggo, pagninilayan natin ang ika-13 kabanta ng Ebanghelyo ni San Mateo. Noong nakaraang Linggo, pinuri ng Panginoong Hesus ang Ama nating Panginoon at Diyos sa pagpapahayag ng mga misteryo ng Paghahari sa mga mapagkumbaba at may kababang-loob na katulad ng isang bata. Kaya narinig natin sa Ebanghelyo kung paano sinabi ni Kristo na mapalad ang mga mata at tainga na nakikita at naririnig ang bawat realidad ng Salita ng Diyos. Kaya habang siya’y nangangaral sa may dalampasigan at umuupo sa bangka, maraming tao ang lumapit upang pakinggan ang kanyang mga pahayag. At dito sa kabanatang ito, nagkwento siya ng mga talinghaga. Ang talinghaga ay isang uri ng panitikan na kung saan ito’y madalas gumagamit na mga larawan, simbolismo, at iilang mga alegorya tungkol sa isang konsepto. Sa ating Parabula ngayon ng Manghahasik, ang konseptong inihambing ni Hesus sa mga buto ay ang Salita ng Diyos. Nakita natin kung paano itong inihasik ng magsasaka sa daan, mga bato, mga tinik, at sa mabuting lupa. At ipinaliwanag din ni Hesus ang parabula bilang paghahambing sa buhay ng bawat tumatanggap sa Banal na Salita. Alam ng Panginoon ang mga taong tinatakpan ang kanilang mga tainga dahil parang wala silang intensyon na makinig sa mensahe ng Diyos. May mga tao namang natutuwa nang marinig ang Salita, subalit sila’y natutukso kaya kumukupas ang kanilang kapasidad na makinig at sumampalataya. May mga tao namang may maraming palusot kung bakit ayaw nilang sundin ang Salita ng Diyos dahil sa ginhawa ng makamundong pamumuhay. Subalit ang mga taong tunay na nakikinig sa Salita ng Diyos at isinasabuhay nito ay pinagpapala, na katulad ng pag-uuhay ng mga buto sa matabang lupa nang tatlumpu, animnapu, at isang daang beses. Kaya mahalaga na pagnilayan natin kung paano nag-aani ang Diyos sa ating mga buhay. Ano kayang lupa ang nais niyang itanim sa ating mga puso? Ang tunay na pagpapala ay nakikilala sa kanyang Paghahari at ginagawa ang kanyang dakilang kalooban sa pamamagitan ng pakikinig sa kanyang Salita at pagsasabuhay nito sa pagmamahal, kapayapaan, katarungan, at pagkakaisa.

Reply

M.U. Francisco July 11, 2020 at 10:15 pm

Ang pakikinig ay mahalaga kahit saan, kahit kailan, at kahit kanino dahil isang pagpapakita ito nang paggalang sa pinagmumulan Ng mensahe at pagtaggap sa kanyang sinasabi. Iyan ang aking natututunan sa unang bahagi Ng ebanghelyo. Si Jesus ay nagsalita at marami Ang nakinig sa kanyang kwento na nagbibigay aral Kung paano mabuhay. Sa aking pagsusubaybay sa ilang hearing Ng ABS-CBN sa Kongreso Lalo na nung binabangkas Ng bawat panig Ang kanilang summation bakit dapat bigyan Ng prangkisa o Hindi Ang ABS-CBN. Natutunan ko na Ang pakikinig sa dalawang panig Kung dalawa Ang nagsasalita ay nakakatulong para maunawaan natin Kung papaano Tayo magdidisisyon sa buhay. Mas madali Kung isang Tao Lang Ang may mensahe tulad Ng ating Ebanghelyo pero madalas Tayo ay napapagitnaan Tayo Ng iba’t ibang mga mensahe. Anong gagawin natin? Gmitin natin Ang dalawa nating Tenga na mapakinggan Ng nag-iisa nating puso. Maaring magsalita at mas mainam na may gawa na ikakabuti Ng ating sarili at ibang tao. Kung Hindi man tayo napakinggan Ang ating Panginoon ay patuloy na nakikinig at Ang kanyang mga Salita sa Bibliya ay may mga pinapahiwatig. Huwag tayong matakot makinig kahit Ayaw natin sa taong nagbibigay Ng mensahe dahil bawat Isa ay instrumento upang Tayo ay mamuhay sa kabanalan. Bigyan Ang bawat Isa na magsalita at mapakinggan. God bless to all! Amen!

Reply

Maria Annelee Sanchez Bautista July 10, 2023 at 1:29 pm

Tayo ay Simbahang Sinodal na isang pagkakataon at biyaya na binigay ng Diyos na ang lahat ay pakikingan kung ano mang pinagdaraanan nila sa buhay sitwasyon at cultura hindi lahat pare pareho hindi p;wede ang pagkukumpara dahil lahat ay nilikha na iba iba . Pakikinig isang mahalaga rin sa isang simbahang sinodal . Naalala ko ng BEC FORUM ni Doc Stella Padilla ng Bukal ng Tipan dapat hindi lang execute ibaba dapat may consultation para malaman kung anon ang kailangan ng mag tao na nasa laylayan isang mgandang biyaya rin na ang salita ng Diyos na ipinhayag ay nagkaroon ng bunga at ito ay nakabuo ng BEC at paruloy pang nadaragdadan We are Increasing at pangarap na maging Missionary Church hindi langsa Maintenance Mode na nanatili na langsda debosyon at iba pang traditional na gawain ng isang organisation ang paglago ay pagiging Misionero abutin ang nasa laylayan at doon maghasik ng pag asa. in other words INTERMINISTERIAL na hindi lang isang grupo ang gaganap tulungan na .

Reply

Mel Mendoza July 14, 2023 at 12:44 am

Ang pakikinig ay madaming nagagawa sa buhay sa isang tao at sa mundong na ating kinabibilangan, naiiwasan nito ang mga sigalot na bunga ng hindi pagkaka-unawan sa kahit anupamang relasyon. Nagiging daan ito ng isang matiwasay na pamumuhay at sa pakikinig ay pwedeng maiwasan ang lahat ng uri ng kapahamakan at kahit pa digmaan.

Ang tagpo sa unang bahagi ng ebanghelyo ay pinagkakalimpunan si Hesus ng napakaraming tao at nakikinig sa kanyang mga salitang ipinangangaral sa pamamagitan ng mga talinghaga sa kadahilanan na hindi pa lubusang tuluyang nauuwanan ng mga tagapakinig ang tunay na diwa ng ipinangangaral ni Hesus na katulad ng pagkakaunawa ng kanyang mga napiling mga alagad. Sa paggamit ng mga talinghaga ito ay paguugnay sa uri ng kasalukuyang espirit’walidad at pamumuhay ng mga tao na kadalasan sa ganitong pamamaraan ipanararating ang mensahe sa kanila. May mga tainga pero hindi tunay na nakakarinig dahil hindi tumitimo sa puso sa mga tagapakinig ang mga salitang ipinangangaral. Kaya noong isang Linggo ang pagbasa ay patungkol sa paghahambing ng katangian ng isang bata na madaling sumunod at magtitiwala na ang mga puso nito ay siyang tunay na pinaghaharian ng Diyos. Sa kabilang banda ito’y ikinubli sa mga matatalino at marurunong.

Ang parabula ng “Manghahasik” inilalarawan nito ang uri ng isang lupa na nahasikan ng binhi at kung ano ang nagiging resulta nito sa lupang kinababagsakan. Sa ating pang-araw araw na karanasan sa buhay pwede natin suriin kung anong paano tumimo sa ating mga puso’t isipan ang mga salita ng Diyos na ating mga napapakinggan. Makikita natin ito sa ating mga sarili at maihahambing kung tayo ba’y katulad ng lupang nahasikan ng binhi na hindi sumibol dahil pinatay natin ito sa simula palang o lupang hindi manlang binigyan ng pagkakataong magkaroon ng puwang makapa-ngugat ang binhi na maikukumpara naman natin sa marahil sobra nating paniniwala sa sariling kakayanan? O lupang nahasikan ng binhi na hindi namunga ang Salita ng Diyos dahil mas binigyan natin ng halaga ang makamundong mga bagay sa ating kapaligiran at mga sariling alalahanin. Ang ipinalangin natin sa Diyos na tayo ay matulad ng lupang nahasikan ng binhi na nagkaroon ng maraming bunga, na mataniman ang ating puso ng kanyang mga salita na ipinahahayag sa Mabuting Balita at maipamahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay at tunay na paglilingkod sa ating kapwa.

Reply

Bro. NSP July 14, 2023 at 12:05 pm

Anumang mabuting itanim natin sa ating mga puso, siguradong ito ay lalago.

Mahalaga sa buhay ng tao ang PAKIKINIG sapagkat marami itong ibinubunga sa ating lahat. May mga nakikinig subalit ang layunin ay makasira, may mga taong nakikinig lamang ng mga bagay na maganda sa kanyang pandinig, at may mga taong ang hilig ay makinig lamang sa kasiraan ng kanyang kapwa. Itinuturo sa atin ni Hesus sa pamamagitan ng talinhaga ng manghahasik na tayo’y matutong UMUNAWA at TUMANGGAP sa pamamagitan ating pakikinig.

UNAWAIN natin ang mga kataga at mga aral na inihahasik ni Hesus sa ating mga puso. TANGGAPIN natin kahit na ito ay makasasakit sa ating damdamin at upang tayo ay matuto rin na tumanggap sa lahat ng mga kamaliang ating nagagawa. Kapag natuto tayong umunawa at tumanggap, matututunan din nating tanggapin, unawain at mahalin ang ating mga kapwa na siyang magbubunga ng PAGBABAGO sa ating sarili at sa bawat isa.

Marami tayong binabasa o pinakikinggan na nagbibigay sa atin ng inspirasyon. Kadalasan ito ay atin lamang pinupuri, nila-like, or ibinabahagi sa social media. Subalit hanggang share, story at post na lang ba tayo?

Ito ang hamon ngayon sa atin ng ebanghelyo; Bakit kaya hindi natin panatilihin sa ating sarili ang ating mga pinakikinggan? Bakit hindi natin ito palaguin? Bakit hindi natin ito isabuhay? Upang ang sa atin ay inihasik ay tumubo at mamunga ng masagana.

(Pagninilay sa ika-15 na Linggo sa Karaniwang Panahon | Taon A – Mateo 13, 1-23)

Reply

Jose M. Javier July 16, 2023 at 6:03 am

For as the rain and the snow come down from heaven, and do not return there until they have watered the earth, making it bring forth and sprout, giving seed to the sower and bread to the eater, so shall my word be that goes out from my mouth; it shall not return to me empty, but it shall accomplish that which I
The following verse Isaiah 55:11 says “So is my word that goes out from my mouth: It will not return to me empty, but will accomplish what I desire and achieve the purpose for which I sent it.” Everything the Lord has spoken in scripture will accomplish the purpose God has created and desired for it to accomplish.
About 2nd reading;
The fall of man had a disastrous affect on the realm of nature. The very workers that God created to care for and cultivate the realm of living things, turned against it with greed, exploitation and destruction.
We, too, wait with eager hope for the day when God will give us our full rights as his adopted children, including the new bodies he has promised us. These sterile and barren bodies of ours are yearning for full deliverance.
For Gospel;
Sa Mateo 13:1–23, nabasa natin na inihalintulad ng Tagapagligtas ang iba’t ibang uri ng lupa sa mga puso ng tao. Sa pag-aaral mo ng mga talatang ito ngayon, …
Mabuting lupa: Isang binatilyo ang nag-ukol ng maraming oras sa pag-aaral para m…
Tabi ng daan: Isang dalagita ang gustung-gustong magsimba tuwing Linggo. Gayun…
Dawagan: Isang binatilyo ang regular na nagsisimba, pero bihira lang siyang makib…
Batuhan: Isang dalagita ang regular na nagsisimba, at tahimik na ipinagdarasal na …

Reply

Daisy Esplana July 16, 2023 at 8:58 am

Pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo.

Reply

tammy amar July 17, 2023 at 8:11 am

marami kasi sa ating mga tao madalas di naniniwala hanggat walang puweba see is to believe ka nga ba pero sa talinghaga na ipinangaral nang ating Mahal na Panginoon Hesus ay totoo lahat Ang kanyang sinasabi mas umiiral pa sa ating lahat ang tsismis kaysa sa aral na patotoo dahil Minsan mahilig kasi tayo sa pasikat na bagay yung takot malampasan nang iba kaya sa turo nang ating Mahal na Panginoon sikapin natin na isabuhay ang kanyang mga sinabi at dalhin sa hinaharap upang tayo ay guminhawa nang may kabuluhan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: