Huwebes, Hulyo 13, 2023

July 13, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Tayo ay kabahagi sa walang hanggang plano ng Diyos. Pinili ni Kristo ang bawat isa sa atin sa dahilang tanging siya lamang ang nakababatid. Itaas natin ang ating mga panalangin sa Diyos na siyang nangangalaga sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na mag-anyaya at magsugo ng marami pang misyonero upang ipahayag ang kaligtasan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nalilito o kulang sa paggalang sa sarili nawa’y maunawaan ang plano ng Diyos para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga tumatanggi sa mga tagapagpadala ng mensahe ng Diyos at sa katotohanang kanilang taglay nawa’y makadama ng habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may malubhang karamdaman nawa’y tanggapin nang bukas-loob ang Sakramento ng Pagpapagaling at Pakikipag-kasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na namayapa nawa’y makapiling ni Kristo sa huling hantungan ng kaluwalhatian ng kanyang paghahari, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, inampon mo kami bilang iyong mga anak. Tulungan mo kaming pahalagahan ang maraming biyayang ito habang itinataas namin sa iyo ang aming panalangin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 3, 2021 at 11:50 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang kasukdulan ng kwento ni Jose at ang kanyang 10 kapatid. Matatandaan si Jose ay ang pinakapaboritong anak ng kanilang ama na si Jacob (Israel) bukod kay Benjamin na pinakabata sa kanilang lahat, kaya binigyan siya ng isang makulay na balabal. Kaya tinangka siyang pabagsakin ng kanyang mga kapatid sa balon upang mamatay, subalit binenta siya bilang alipin sa Egipto. Dito siya’y lumaki at dahil sa angkop na interpretasyon ng panaginip ng Faraon ay hinalal bilang Gobernador ng Egipto. Kaya nang magkatagpo sila ay ipinakulong niya sila, ngunit ipinalaya kung isa sa kanila ang magtratrabaho, sapagkat hindi nakikilala ng kanyang mga 10 kapatid na si Jose ang kinakausap nila. Ngayon ay makikita natin ang paghiling ni Juda na palayain sapagkat hinihintay sila ng kanilang amang si Jacob (Israel) at ang bunso nilang kapatid na si Benjamin. Sa sobrang pagkaluha ni Jose ay inamin na niya ang kanyang totoong identidad, na hindi siya namatay, kundi buhay na buhay at nakatayo sa harap nila. Makikita rito ang pagbubuo muli ng pamilya ni Jacob, kaya ang kanyang 12 anak ay kinikilalang 12 Tribo ng Israel.

Ang ating Ebanghelyo ay ang mga utos na ibinilin ni Hesus sa kanyang Labindalawang Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Sila’y inutusan na huwag magdala ng ibang bagay sa pagpaparangal, sapagkat lahat ng kanilang pangangailangan ay ibibigay sa kanila. Sila’y magpapahayag tungkol sa Kaharian ng Diyos na naparito at gagawa ng maraming kababalaghan. Sila’y tatanggapin ng iba’t ibang nayon/bayan at magbabati ng kapayapaan, ngunit ipapagpag nila ang alikabok sa kanilang bayan kung hindi sila’y tatanggapin. Mahalaga itong pagsusugo ng Panginoon sa kanyang 12 Apostol sapagkat sila’y tinuturing na mga Bagong 12 Tribo (Apostol) ng Bagong Israel (Simbahan). Ipinatuloy nila itong gawain kahit si Hesus mismo ay umakyat na sa langit. Sila’y magiging pundasyon at batayan ng ating Simbahan sa pagpaparangal at pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita ni Kristo. Itong misyon ng “Evangelization” ay ipinapatuloy hanggang ngayon hindi lang sa Hierarkiya ng Simbahan o kaya sa mga relihiyoso’t relihiyosa, kundi pati na rin sa mga Laiko, kung saan tayo ay nabibilang. Lahat tayo ay bahagi ng pagpapahayag ng mensahe pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng ating kasalukuyang pamumuhay/lifestyle upang maipakita natin ang tama, totoo, at mabuti ayon sa mga mata ng Panginoon.

Reply

Ferdy Baetionh Pariño July 8, 2021 at 9:21 am

Sa eskwelahan ay may mga libro na syang gabay sa pagtuturo ng mga guro upang ang mga mag aaral ay magkaroon ng kaalaman na magagamit nila sa kinabukasan. Ang bawat bansa ay may mga nasusulat na batas na dapt sundin upang magkaroon mg kaayusan ang isang bayan. Sa lansangan ay mga traffic signs and laws na dapat sundin upang maiwasan ang aksidente at para sa kaligtasan ng lahat ng nasa kalye. Ganun din ang Mabuting Balita, magkaroon tayo ng oras sa pagbasa o pakikinig ng Salita ng Diyos, it will only take 2 to 3 minutes of your time, bumababad nga tayo ng ilang oras sa fb o youtube or netflix eh. Sapagkat ang Mabuting Balita nman ang sya nating gagamitin sa pang araw araw na pakikisalamuha sa ating kapwa at kay Hesus, Katulad ng libro, constitution o mga batas, itong Salita ng Diyos ang ating gabay upang tayo ay magkaroon ng kaalaman, magkaroon ng kaayusan, matamasa ang kapayapaan, makasunod sa kalooban ng Diyos at upang hindi maligaw mg landas. Pero sa ebanghelyo ngayon ay hindi mo dapat ito sarilinin, sa bawat maibigay sayong pagkakataon ay nararapat mo itong ipamahagi sa ating kapwa, kahit sa paanong paraan na gusto mo, personal, social media, ikaw ang bahal basta ang misyon natin ay maging apostol tayo na makakapag anyaya sa kapatid na manumabalik sa Panginoon at magsisi sa mga nagawang kasalanan. At siguraduhin sa kanila na may nag iintay na gantimpala sa langit sa mga taong nagsisisi at nagsusumikap na hindi na muli gawin ang mabigat na kasalanang nagawa.

Reply

Jose M. Javier July 13, 2023 at 4:49 am

In short, the disciples were to go out and tell people that Jesus was the Messiah, the promised King of Israel. His kingdom was near, because He was on the earth now. The time had come for the people to put their faith in the Christ in order to be welcomed into His kingdom.
The Lord teaches us not to enter the houses or to mix in the acquaintance of those who persecute Christ, or who are ignorant of Him; and in each town to enquire who among them is worthy, i. e. where there is a Church wherein Christ dwells; and not to pass to another, because this …
People also ask
It is a rallying call by Jesus to his closest followers to trust completely in the providence and love of God. I pray, Lord, that I may cling less to material things and more to your providential presence in my life, which is alive and active in every moment of my day and every decision I make.

Reply

tammy amar July 13, 2023 at 7:47 am

napakaganda nang mensahe sa atin nang Mahal na Panginoon Hesus kung anu habilin niya bago siya bumalik sa piling nang Amang nasa langit dahil gusto niya lamang huwag tayo mapahamak sa mundo nang kasamaan bagkus inutusan niya ang kanyang mga Apostoles na lumakad at ibalita sa mamayan na andiyan lng siya palagi sa ating piling at Hindi nya tayo pababayaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: