Biyernes, Hulyo 14, 2023

July 14, 2023

Biyernes ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari

Genesis 46, 1-7. 28-30
Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Mateo 10, 16-23


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Friday of the Fourteenth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 46, 1-7. 28-30

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Noong mga araw na iyon, lumakad si Israel, dala ang kanyang ari-arian. Pagdating sa Beer-seba, naghandog siya sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. Pagsapit ng gabi, tinawag siya ng Diyos sa isang pangitain, “Jacob! Jacob!”

“Nakikinig po ako,” tugon niya.

“Ako ang Diyos ng iyong ama,” wika sa kanya. “Huwag kang matakot na pumunta sa Egipto. Doon, ang lahi mo’y magiging isang malaking bansa. Sasamahan ko kayo roon at ibabalik na muli rito. Nasa piling mo si Jose pag ikaw ay namatay.”

Mula sa Beer-seba, naglakbay si Jacob. Siya, at ang kanyang mga apo at mga manugang ay isinakay ng kanyang mga anak sa mga karitong ipinadala ng Faraon. Dinala rin nila sa Egipto ang mga hayop at ari-arian nila sa Canaan. Kasama nga niya ang kanyang mga anak, mga manugang at mga apo.

At si Juda ay sinugo ni Israel kay Jose upang siya’y salubungin. Dali-daling ipinahanda ni Jose ang sasakyan niya at sinalubong ang kanyang ama sa Gosen. Nang sila’y magkita, agad niyang niyakap ang kanyang ama, at napaiyak siya sa tuwa. Sinabi naman ni Israel, “Ngayo’y handa na akong mamatay pagkat nakita na kitang buhay.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 36, 3-4. 18-19. 27-28. 39-40

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Iingatan ng Diyos yaong masunurin,
ang lupang minana’y di na babawiin.
Kahit na sumapit ang paghihikahos,
di mararanasan nila ang magdahop.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ang mabuti’y gawin, masama’y itakwil,
at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng Poon, hindi itatakwil.
Sila’y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,
iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas sila’t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa Poon nangungubling tunay.

Nasa D’yos ang kaligtasan
ng mga mat’wid at banal.

ALELUYA
Juan 16, 13a; 14, 26d

Aleluya! Aleluya!
Pagdating ng Espiritu,
itataguyod n’ya kayo
sa tanang itinuro ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 16-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Ngayon, sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Maging matalino kayo, gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati. Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Pablito C. Javier Jr July 1, 2021 at 9:32 am

Sa panahon natin ngayon kailangan natin Ang tayo’y manampalataya at magtiwala sa diyos na ating panginoon. Tanging siya lamang Angmakapagliligtas at makapagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan. Kung tayo mam ay nahihirapan sa ating buhay sa diyos sa kanya tayo lumapit sumampalataya, manalig at siya ang magbibigay Ng lahat Ng ating pangangailangan. Amen

Reply

Reynald Perez July 8, 2021 at 6:57 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang masayang muling pagsasama ni Jose at ng kanyang pamilya. Ito ay nagdulot ng kagalakan kay Israel, na magsasama silang magkapamilya sa Egpito. Pati na rin ang mga Hebreo ay sumama kay Israel patungong Egipto, kung saan sila nanirahan. At sinabi nga sa pagbasa na ang muling pagtatagpo ni Israel kay Jose at ang muling pagsasama ng kanyang pamilya ay sapat na sapagkat handa na siya humimlay nang mapayapa.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang patuloy na pagsusugo ni Hesus sa kanyang 12 Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita ukol sa Paghahari ng Diyos. Nagbigay ng paalala si Kristo sa kanyang alagad na sila’y isusugo bilang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Kaya narinig natin ang mga posibleng banta sa buhay ng mga Apostol habang sila’y nangangaral. Subalit pinapatatag ni Hesus ang kanilang misyon at pananampalataya sa iba’t ibang sambahayan sa mga nayon at bayan ng Israel. Kaya itong pahayag ng Panginoon ay dapat magsilbing kalakasan natin upang maging matatag ang ating misyon bilang kanyang mga saksi. Alam natin na darating ang mga banta, lalung-lalo na ang mga taong pagtatawanan tayo dahil tayo ay may mabuting relasyon sa Panginoon. Kaya nawa’y patuloy tayong sumasampalataya at magtiwala sa Diyos sa pagtupad ng ating misyon.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 9, 2021 at 9:47 am

Ako ay dating lubhang makasalanang tao, wala akong takot sa Diyos sa ginagawa kong kasamaan. Nagkaroon ng pangyayari na ako’y may suliranin na naisip kong Diyos na lamang ang makakagawa. Sinubukan kong magdasal sa naririnig kong madaming deboto, ang Poong Nazareno. Dinulog ko sa kanya ang isang imposibleng dalangin. At ako ay nagulat na dininig nya iyon sa kabila ng aking pagihing makasalanan. Simula noon ay nasabik na ko sa pakikining ng misa. Nagkaroon ako mg relasyon kay Hesus at tinuring ko syang kaibigan, sa kanya ko ma ikunkwento lahat, nagpupuri at nagpapasalamat. Pumasok din ako bilang lay minister sa parokyang malapit sa amin. At duon ako nagsimulang pagtawanan ng mismong aking mga kaibigan, kinukutya din ako ng mga kapitbahay na kesyo ano daw ba nangyayari sa akin, may nagsabi pang ako’y nababaliw na. Pero ipinapatuloy ko lamang ang magangdang relasyon sa Diyos. Pinagsisishan ko ang mga kasalanan, sinisikap kong makaiwqs sa tukso ng demonyo, at tinatamasa ko ngayon ang sarap ng pakiramdam ng may natutulungang tao. Nagkaroon din ako ng kapayapaan, as in peace of mind na hindi kayang bilin ng salapi. At may premyo pa, dinidinig ni Hesus ang aking mga panalangin sapagkat nagagalak si Hesus sa taong nagbabalik loob lalo na ang dating makasalanan, Sya ay mabuting pastol na iiwan ang 99 na tupa para hanapin ang isang nawawala. Kapatid, ano man ang edad mo ngayon, ano man katayuan mo sa buhay ngayon, hindi pa huli ang lahat, iniintay ka ni Hesus, Mahal na mahal nya tayo.

Reply

Mel Mendoza July 13, 2023 at 6:15 pm

Ang narinig natin sa unang pagbasa ay kwento ng bawat isa sa atin at ito ay kwento ng isang buong pananabik na makita na muli ang isang pamilyang matagal hiniwalay ng panahon bunga ng kasakiman. Minsan sa buhay natin nagkakaroon tayo ng matinding alitan na humahantong sa masaklap na pagkawatak-watak. Pero lahat ng mga ito ay nangyayari na may dahilan na sa haba ng panahon doon palang malalaman ang rason kung bakit kinakailangan na mangyari ito at ganito ang kwento ni Jose. Sa kabila ng kaapihan na naranasan n’ya sa mga kaanak sa dulo nito ay ang hangarin pa din ng naapi ang gayun din ng nang-api ang kapatawaran sa bawat isa. Ganun din ang pakikipag-relasyon natin sa Diyos may aral na dapat natin makita sa bawat pagsubok pero hinahayaan Niya muna na mangyari ang mga ito. Ang importante sa bawat yugto ng pagsubok ay huwag bibitaw at dapat makita natin ang pangangailangan ng presensya ng Ama na tayo ay kailanman hindi Niya pababayaan at buong pananabik na kahit gaano man kahirap ang ating nilakbay sa buhay sa dulo nito ay ang ating maluwalhating muling pakikitagpo sa kanya.

Sa ebanghelyo ay bahagi pa din ito sa pagsusugo ni Hesus sa labindalawa sa ngalan ng pagmimisyon at ang mga tagubilin na dapat nilang sundin nandyan na maging matalino, maingat at maging mapayapa sa lahat ng kanilang gagawin. At kung dumating man ang pagkakataon na kung sila ay malagay sa mga matitinding paguusig, at mga nakakahiyang sitwasyon ay huwag silang mangangamba dahil Siya ang gagawa at magsasalita ng para sa kanila. Ganun din binibigay ng Diyos na lilingapin nya ang mga tapat sa kanya ipagkakaloob Niya ang lahat ng gantimpala at pagpapala at ito ang kasiguraduhan na ang lahat ng mga nagsumikap na maipangaral ang Mabuting Balita sa ngalan Niya ay hindi ito mapupunta sa wala at Siya ang magkakaloob ng karunungan kung dumating man ang kahit anong uring paguusig at ang pagpapala na tanging kay Hesus lamang matatamasa. Hinihikayat tayong lahat na ang ating mga sulirani’t pagpapagal sa ngalan Niya ay magkakaroon ito ng mga kabuluhan sa kanya. Sa kahit anong unos sa buhay laging isipin na kasa-kasama natin ang Diyos hanggang dulo ng paglalakbay na ito ng buhay. Ang isa pang panawagan sa pagmimisyong ito dapat makasama natin ang lahat lalo higit ang mga pinanghihinaan ng loob, pinanlalamigan ng pananampalataya, at yung mga nawawalan na ng pagasa sa buhay- the lost, the last and the least. Sa katunayan sila ito ang dahilan ng pagmimisyon na sinimulan ni Hesus sa kapanahunan Niya na iniatang sa labindalawa at naipagkatiwala naman sa atin sa ating panahon. Nawa’y maisabuhay at maipamahagi, ang pag-ibig at kapayapaan ni Kristo sa ating kapwa.

Reply

Jose M. Javier July 14, 2023 at 4:54 am

In this chapter we are told, that Jacob with all his family and substance took a journey to Egypt to see his son Joseph, as he determined, in which he was encouraged to proceed by a vision from God, and an account is given of all his sons, his sons’ sons and daughters that went thither with him
In all removals we should be reminded of our removal out of this world. Nothing can encourage us to fear no evil when passing through the valley of the shadow of death, but the presence of Christ.
God’s meaning is that Israel, the nation of Jacob’s offspring, will return to their Promised Land. God also includes the tender promise that Jacob’s beloved son Joseph, whom he thought to be dead, will be the one to close Jacob’s eyes after his own peaceful death.
God’s message is that Jacob should not be afraid to leave behind the Promised Land to move his family to Egypt. Abraham, Isaac, and Jacob each took any departure from the land very seriously.
For gospel according to mathew 10;
The God of heaven and earth is to be handed over, a term which indicates suffering, mockery, helplessness and injustice. It has a humiliating meaning, as when families betray each other. This will be a regular occurrence for the disciples; even if they flee one place, it may happen in the next. When they hand you over, do not worry about how you are to speak or what you are to say. You will be given at that moment what you are to say. For it will not be you who speak but the Spirit of your Father speaking through you.

Reply

tammy amar July 14, 2023 at 8:29 am

lahat tayo ay kanya kanya misyon sa buhay katulad nang mga Apostoles kahit anung panganib wala silang takot ihayag ang mabuting balita kahit kamatayan ang kapalit dahil alam nila nasa panig nila ang Diyos lakasan lamang natin ang ating loob dahil indi niya tayo pababayaan bagkus ay bibigyan niya pa tayo nang kaginhawahan sa buhay.

Reply

Rosalinda m. Jubilado July 14, 2023 at 8:33 am

Nakarelate ako sa paglalakbay ni Jaco patungong Egypt. Bago sila umalis ng Canaan nanalangin humingi ng gabay, nag alay ng pasasalamat bago sila tuluyang lisanin ang Canaan.
Napakahalaga ang magkaroon tayo ng intimate relatiobship sa Panginoon.
God has an intimate relationship to us tayo lang ang hindi gumagaws niyon sa Kanya.
Bawat oras sa araw araw hinihintay Niya tayo na lapitan natin Siya, tanungin, hingin ang Kanyang gabay at pahintulot.
Katulad ng ginawa ni Jacob.
Kaya irunuro ko ito sa aking mga anak.
kung may mga plano sila, lakad, lagi nila itong sabihin sa Dios.
Ika nga always include God in your everyday plans, works, etc.
My 27yo son, he is an architect, ay nagbalak magtrabaho sa Singapore.
In short nakaalis siya pero hindi nagkaroon ng trabaho
Umuwi, at doon niya ako tinanong kung dapat ba siyang bumalik uli sa Singapore.
Ang sabi ko, let us pray together, let us consult God if will ni God na doon siya mag work.
kung may tatawzg sa inaplayan niya sa Singapore then will ito ni God.
in Short tinawagan siya ng employer at nakabalik.
Sa singapore nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib wthout no reason at all.
itinawag niya ito sa akin agad agad.
Ang sabi ko, be calm, huag matakot, kasama mo ang Diyos sapagkat inallow Niya na pumunta ka dyan, at alam ni God na it will happen sa iyo yan dyan. Have faith and trust to God
Iyan ang sabi ko sa kanya sa phone.
Pagdating ng hospital, di pa nakakaoasok ng hospital area nawala na ang paninikip ng dibdib Niya.
Truly kung isinasama mo ang Diyos, kinukunsulta mo Siya sa Kanyang Kalooban at plano Niya sa buhay mo, along the way, whatever conflicts you are into tiyak tayo ay Kanyang sasaklolohan at turulungan bec ito ang pangako Niya.
FROM Singapore dinala siya ni God sa Dubai at tunay na pinagpala siya doon , dumaan ng oandemia, hindi niya naranasan ng mawalan ng trabaho siya pa ang pinamimili ni God.
ALL THE GLORY, HONOR, AND PRAISES TO OUR GOD ALONE!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: