Martes, Hulyo 11, 2023

July 11, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Sa pamamagitan ng pagkapari sa Bagong Tipan, idinudulot ng Diyos ang mapagpatawad na paglilingkod ng kanyang Anak sa atin. Lumapit tayo sa Panginoon ng ani at manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, magpadala ka ng mga manggagawa sa iyong anihan.

Ang mga tinatawag sa paglilingkod sa Bayan ng Diyos bilang mga pari, nawa’y dumami pa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang sarado sa Ebanghelyo nawa’y maihanda at maging mga matatabang lupa para sa paghahasik ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod na pari, madre, relihiyoso, katekista, at laykong aposotolado nawa’y makahikayat ng iba pa upang sumama sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naglilingkod sa mga natatanging serbisyo sa ating sambayanan nawa’y mapalakas natin ang loob at ating suportahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mapagpatawad na sakripisyo ni Kristo nawa’y magdulot sa mga yumao ng kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng ani, sa pamamagitan ng aming mga panalangin, tipunin mo ang iyong bayan. Bigyan mo kami ng marami pang manggagawa sa iyong misyon upang mapadali ang pagdating ng iyong Kaharian sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 3, 2021 at 11:13 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag tungkol sa bakbakan sa pagitan ni Jacob at ng lalaki sa Penuel. Tila’y nananalo na si Jacob, hanggang sa pinalo siya sa balakang at ito’y nalinsad. Dito’y binago ang kanyang pangalan mula Jacob ay naging Israel. At nakilala agad ni Israel na nakatagpo niya muli ang Panginoong Diyos na nagbigay sa kanya ng lakas.

Ang Ebanghelyo ay nagpapahayag tungkol sa mga magagandang gawain ni Hesus. Una na rito ay ang pagpapalayas ng mga demonyo mula sa mga sinasapiang tao. Ikalawa ay ang paglilibot sa iba’t ibang nayon upang ipahayag ang Paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Ikatlo ay ang kanyang pahayag sa mga alagad tungkol sa kasaganaan ng ani, ngunit kaunti lamang ang mga mag-aani. Makikita rito ang kahalagahan ng misyon sa bawat Kristiyano. May kapangyarihan ang ating Panginoon laban sa kasamaan, kaya tayo rin ay biniyayayaan upang manaig tayo laban sa tuksong mapapalapit sa atin sa kasalanan. At katulad ng sinabi ni Hesus na tayo rin ay sinusugo niya sa ani ng mundo upang ipaghasik ang kabutihan at pagmamahal sa buong mundo. Ito’y nagsisimula sa bawat lugar na pinupuntahan natin, kung paano tayo’y nakikipagrelasyon sa ating kapwa.

Ang mahalaga ay ang ating katapatan sa misyon na makilala ng lahat na ang Diyos ay naghahari sa bawat isa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 6, 2021 at 9:45 am

Kailangan tayo ni Hesus bilang mga manggagawa. Manggagawa na magpapalaganap ng Mabuting Balita. Ano ba ang kalakaran ngayon? Makabagong teknohiya katulad ng celfon at internet. Halos lahat ng tao ngayon ay nakatutok na sa kanilang mga gadget, maging matanda, bata, mayaman at kahit mahirap. Bakit hindi natin gawin itong medium upang maging manggagawa ni Hesus. Sa halip na puro pagyayabang at pagppasikat sa social media ay gamitin natin itong paraan upang makabasa o makapakinig ang mga tao ng mabuting balita. Halimbawa sa mga GC nyo or group messaging, magpadala tayo ng mga nabasa nating ebanghelyo na palagay mong makakatulong sa makakabasa. Pwede ka ring magpost sa facebook ng patotoo na magandang nangyari sayo nung ikw ay nagbalik loob, sa halip na ipagyabang ang bagong gamit o ari ariaan na natamo ay ipaalam mo sa kanila na ito ay biyaya ng Diyos dahil sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ang tao ay mahilig sa gantimpala, nature yan ng lahat ng tao, kayat samantalahin natin yun na ipaalam sa kanila na matatamo mo ang gantimpala galing sa langit kung susundin mo ang kalooban ng Diyos. Mga kapatid, tayong lahat ay mga pari, hindi ka ginawa ng Diyos para lamang sa iyong sarili, tayo ay may tungkulin din ipalaganap ang salita ng Diyos katulad mg ginawa ni Hesus at ng mga apostol.

Reply

Jose M. Javier July 11, 2023 at 5:07 am

Sa unang pagbasa; Tularan natin si Jacob sa panahon ngayon bilang ehemplo. Hindi kinondena ng Diyos ang pakikipaglaban niya sa anghel. Indeed, God calls for our active engagement with Him. Sometimes this means we will fight and struggle with Him, but God honors us even in the struggle… as long as we don’t let go. For gospel today; Jesus brings freedom and healing . Whenever the Gospel is proclaimed God’s kingdom is made manifest and new life and freedom is given to those who respond with faith. The Lord grants freedom to all who turn to him with trust. Do you bring your troubles to the Lord with expectant faith that he can set you free?The phrase “ask and you shall receive” tells us that when we come to God in prayer with a need or desire, He will answer our prayers. It is a promise of divine provision— if we ask God for something in faith, He will give it to us.

Reply

Noel July 11, 2023 at 7:39 am

Ang Diyos ay totoong napakabuti sa lahat, tyo lamang ang dapat pumili kung sa masama o sa mabuti natin ibubuhos ang bigay nyang buhay sa atin. Pati nga sa pagpili ay hindi ipinagkait ng Panginoon sa atin , tunay na tayo na lang ang my gusto kung saan ntin igugugol ang maikli nting buhay dito sa lupa. Kaya nmn sa kalooban ng Diyos ang ligaya ay tunay at walang kapantay sa lahat.

Reply

tammy amar July 11, 2023 at 7:47 am

tunay na nilupig nang ating Panginoon Hesus ang mundo nang kasamaan kahit sa sina unang panahon pinakita niya ang kanyang kapangyarihan para manaig ang tagumpay ganun rin sa ating mga tao ngayon kung anu ang nangyari sa kapanahunan nang ating Panginoon Hesus ipakita rin natin na kaya natin ang pagsubok na ating kinakaharap ngayon dahil walang impossible sa Diyos siya lamang ang buhay na nagbibigay at tagumpay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: