Sabado, Hulyo 8, 2023

July 8, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa ating Diyos Ama upang mailapit niya tayo sa kahalagahan ng Ebanghelyo at mapanibago ang Simbahan at ang sandaigdigan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng hapag, basbasan Mo kami.

Ang Simbahan, ang sambayanan ng Diyos, at ang mga pinuno nito nawa’y makasunod sa bulong ng Espiritu Santo na ipahayag sa mga tao ng makabagong panahon ang walang kupas na lengguwahe ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating puso nawa’y buksan natin sa makapangyarihang pagliligtas ng Diyos kay Kristo na higit na mas mahalaga kaysa sa pagsasagawa ng mga sinaunang relihiyosong gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na laging mangyayari ang himala ng pagbabago sa mga nagnanais na makamit ito sa tulong ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit, tayo nawa’y maging mga daan ng kalinga ng Diyos sa ating pagpapadama sa kanila ng pag-ibig at malasakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan sa piling ni Kristong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang aming mga panalangin at turuan mo kami ng pamamaraan upang mamuhay bilang iyong bagong bayan na pinalaya sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez July 7, 2023 at 7:21 pm

PAGNINILAY: Ang mga mas bata ay madalas paglilingkuran ang mga mas nakakatanda sa kanya. Ngunit may mga pagkakataong kahit ang mga mas matatanda ay dapat paglingkuran ang mas nakakabata sa kanya. Ang Unang Pagbasa ay ang sikat na kwento nina Jacob at Esau. Alam natin na sina Isaac at Rebecca ay pinag-isang dibdib ng Diyos, at sila’y nagkaroon ng dalawang anak na lalaki: ang panganay na si Esau, at ang bunsong si Jacob. Palaging pinaiinggitan ni Jacob ang pagkalugod ni Isaac sa panganay sapagkat si Esau ay itinuturing na pinagpapala ng ama nilang si Isaac, na siyang nag-uutos na mangaso ng usa at magluto ng karne nito. Kaya dumating sa puntong si Rebecca ay naghikayat sa bunsong si Jacob na isuot ang mga damit ng mas nakakatandang kapatid, upang akalain ng matandang Isaac na kaharap niya ang kanyang panganay, bagamat ang totoo ay ang humaharap sa kanya ay ang bunso. Kaya nga nakita natin kung paanong humarap si Jacob sa kanyang ama, na inakalang si Esau ay mabilis na bumalik dala ang usang lulutuin. Kaya kay Jacob napunta ang basbas ng Diyos na dala ni Isaac, kahit ang totoo ay hindi si Esau ang nakatayo sa harap ng kanyang mga mata na hinding makakita. At alam natin ang buong kwento kung paanong nagalit si Esau sa panlolokong ginawa ng kanyang kapatid, ngunit natunton ni Rebekka ang plano ng panganay na patayin ang bunsong nanloko. Kaya’t si Jacob ay agad nagsilikas at nanirahan sa Haran, sa bahay ng tiyuhin nitong si Laban. Subalit alam natin na sa huli, nagkasundo ang dalawang magkapatid, at gayunman ay napunta pa rin ang basbas ng Diyos kay Jacob.

Lubos na ipinapagalala ni Hesus sa Ebanghelyo tungkol sa mga bagay na lilipas at mga bagay na mabubuhay kailanman. Tinanong ng mga Pariseo at mga alagad ni San Juan Bautista kung bakit hindi nag-aayuno sina Hesus at ang mga Apostol. Kaya ang naging tugon ng Panginoon ay isang parabula tungkol sa piging ng isang kasalan, na kung saan ang mga panauhin ay hindi nag-aayuno hanggang nakapiling nila ang lalaking ikinasal. At kapag nakaalis na ang lalaking iyon ay saka sila maaring mag-ayuno. Ang talinghagang ito ay patungkol sa presensiya ni Hesus bilang Mesiyas ng Diyos na siyang isinugo upang tipunin ang tao sa iisang Simbahan, ang Sambayanan ng Diyos. Kaya ipinapaalala sa atin na sa Panginoo’y nagmumula ng mga bagong bagay, mga bagay na kinakailangan natin talaga sa buhay at hindi kailanma’y lilipas. Kaya nawa’y mapanibago ang ating puso’t isipan na maging matapat sa Diyos at sa kanyang dakilang kalooban.

Reply

Jose M. Javier July 8, 2023 at 5:16 am

Ipinakita ni Jesus ang radikal na paraan sa mga paninuwala ng mga Pariseo (tradisyon) since Jesus is the mediator of New Covenant dahil sa mga panahon na maraming nangyayari Hindi dapat pagiisip ng tao ay nakatuon sa lumang tradisyon kaya nga isinugo ng Diyos Ama Ang kanyang bugtong na Anak sa panahon ng Bagong Tipan upang baguhin Ang mga maling kinagisnan ng tao. Kay Jesus ay Hindi importante Ang religion what is matter most is yun kalooban ng iyong puso o kung paano gumagalaw Ang yun ispiritu.

Reply

tammy amar July 8, 2023 at 1:24 pm

kung sa handaan madalas masabi natin espesyal ikaw dahil inimbita tayo sa kainan pero di nangangahulugan na tapos na dahil meron pang panauhin katulad nang mga alagad nang ating Panginoon Hesus ang mga Apostoles niya kahit sa dalamhati ay kasama niya pa rin sa huling hapunan noong nagpakita sa kanila sa dalampasigan kung paano nila nahandaan ang ating Mahal na Panginoon nang makakain tunay na ito patotoo dahil kahit ibang taga lungsod kung my bisita tayo pinapatuloy natin at pinakakain dahil kaugalian na natin ito pero mas higit ang pagpapala nang diyos sa atin kung paano tayo magbigayan at magmahalan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: