Biyernes, Hulyo 7, 2023

July 7, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Dumating si Kristo upang tawagin ang mga makasalanan at ibigay ang kaligtasan sa kanila. Mulat sa pagtawag na ito, may kababaang-loob tayong manalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pakinggan mo kami.

Ang mga mahihina at makasalanan nawa’y makita ang Simbahan bilang tahanang bukal ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nasa paglilingkod ng bayan nawa’y isagawa nang may kalinisan at katapatan ang kanilang mga tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng Eukaristiyang ito nawa’y madama natin ang mapagpagaling na habag ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala nawa’y tingnan natin nang may habag at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay nawa’y makadama ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, may pananalig tulad ni Abraham na sumunod sa iyong pagtawag, itinataas ng iyong Kristiyanong Sambayanan ang kanilang mga panalangin. Nawa’y ipagkaloob mo ang iyong ibinunsod na aming hilingin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 1, 2021 at 4:47 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang pagtupad ng Diyos sa pangako ng pagpapala kay Abraham. Matapos pumanaw si Sara, ipinaubaya ng Diyos kay Abraham ang desisyon na magpakasal si Isaac. At napili nga si Rebecca na maging kasintahan ni Isaac, at sila’y kinasal sa ngalan at pagbabasbas ng Panginoong Diyos. Itong kwento ay isang pagsasama na niloob ng Diyos para sa ma susunod na henerasyon na magiging tagapagdala ng kanyang pangako mula kay Abraham.

Narinig natin sa Ebanghelyo ang pagkatawag ni San Mateo sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.

Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.

Makikita natin ang habag at pagmamahal ng Diyos kahit anumang estado ng tao sa lipunan at ayon sa kanyang paningin. Kung ipapaabot natin ang ating kamay sa kanila, lalung-lalo na sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, napaparamdan natin sa kanila ang kagandahang-loob ng Panginoon at ang kanyang dakilang pagmamahal para sa lahat.

Hilingin natin sa Panginoong ngayong Kuwaresma na bigyan niya tayo ng kanyang awa at habag sa kabila ng ating mga pagkakamali, upang katulad ni San Mateo ay tumugon sa kanyang tawag na maging kanyang mga alagad, lalung-lalo na sa pagpapadama sa iba ang kanyang pagmamahal na kanyang inilaan para sa lahat.

Reply

Aimee July 2, 2021 at 9:15 am

Ipinapaalala sa atin ng panginoon ang wastong pagtanggap sa kahit anumang uri ng tao, makasalanan, mahirap, o mangmang ay may karapatan sa pag-asang handog ng ating Diyos.
Sa henerasyon natin ngayon, ang mahalaga lamang ay yaman at popularidad. Nakakalungkot. Nakakahiya sa ating Diyos.
Huwag tayong magpadaig sa nais ng ating mga sarili. Tunay na masakit ang minsa’y mapahiya, ngunit di sagot ang pagdadamdam at paghihiganti. Masakit maungusan ng iba, ngunit di sagot ang paninira sa kapwa. Masakit pag di mabili ang nais, ngunit di sagot ang pagiging gahaman. Acceptance and understanding, laging bigyan ng maganadang dahilan ang lahat, maganda o mahirap man ang sitwasyong kinahaharap. Laging pairalin ang awa at habag sa puso upang laging mahaplos ng pagiging mababa ang ating magiging aksyon sa kapwa at sa Diyos.

All for the Glory of God.
Jesus, I Trust in You!

Reply

Sherwin D. Yanoria July 2, 2021 at 9:23 am

Ikaw ba ay may pinapahalagahan? Sa mga pagtitipon, madaling makita ang mga malalapit sa mga nagpadaos ng okasyon. Halimbawa sa hapag kainan, kung sino ang may may sinasabi sa lipunan maganda ang puwesto, at yung ibang mga kaibigan ay medyo malayo sa hapag kainan. Sa ating Panginoong Hesukristo, walang itinatangi. Pantay-pantay ang lahat, makasalanan o hindi. Ang laking pag-asa ang ibinigay sa atin. Kaya naman samantalahin ang pagkakataong magbago at sumunod sa kanyang kalooban.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 2, 2021 at 12:51 pm

Sa ating pagbabalik loob sa Diyos, nakaririnig ba kayo ng mga salita mula sa ibang tao o maging sa kamag anak at kaibigan. Ako mismo ay nakaranas nito. Alam nila ang ugali ko na hindi pino at maraming kalokahan, dumating sa punto na ako ay tinapik ng Diyos at nagkaroon ng tyansa na makapaglingkod sa simbahan bilang lay minister. Sari sari ang narinig ko sa aking mga kaibigan. Ako daw ay bulaan, pinagtawanan, inaasar, hindi pinaniniwalaa. At may nagsabi pang nababaliw na. Ang sagot ko lamang ay ang sinabi ng Hesus sa ebanghelyo na hindi nangangailangan ng manggagamot ang taong walang sakit. Iniisip kasi ng mga tao na amg simbahan ay para lamang sa mga mababait o banal, wala daw akong puwang dun. Sa awa ng Diyos ay napgtagumpayan ko ito, tanggap na nila at naniniwala sa aking pagbabalik loob. Ngayon nman ang misyon ko o misyon natin ay makahanap din ng nawawalang tupa at maibalik natin sa kawan mg mabuting pastol na si Hesukristo. Magpatotoo kayo mg inyong karanasan sa Diyos upang may maisama tayo kay Hesus, dahil masaya sa piling ni Hesus.

Reply

Jose M. Javier July 7, 2023 at 5:04 am

Tinawag tayo ng Panginoon upang Siya ay sundan. Naparito Siya hindi lamang sa mga walang karamdaman kundi sa mga may sakit o sa matutuwid kundi para sa mga makasalanan. Mga kapatid ipinakita ni Hesus na hindi lamang Siya basta manggagamot kundi Siya ay “Special Healer”. Sa sobrang pagmamahal Niya sa tao ay binibigyan Niya ng panahon ang mga taong pinakamaliit sa lipunan, ang mga makasalanan.

Reply

tammy amar July 7, 2023 at 8:29 am

Tayong lahat ay tinatawag nang ating Mahal na Panginoon Hesus na bumalik loob ang nagdadalamhati nagpapagaling nang may sakit nagpapalayas nang demonyo at maging isang mabuting pastol naligaw man ang ating landas pilit tayong hinanap upang tayo pagalingin sa ating mga sakit dahil mahal niya tayong lahat may plano sa atin Ang ating Mahal na Panginoon dahil kung anu ang nangyari sa mag inang Abraham at Isaac doon nagpatuloy ang kanyang pangako sa ating lahat

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: