Martes, Enero 31, 2023

January 31, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Kalakip ang buong pananalig habang nananalangin tayo nang may pananampalataya sa Diyos Ama na tutugunin niya ang ating mga mithiin nang may nag-uumapaw na kabutihang-loob, iluhog natin sa kanya ang ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng buhay, akayin Mo kami.

Ang Simbahang Katolika sa buong daigdig nawa’y maging simbolo ng nagpapagaling na gawain ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang pag-aaruga sa mga may karamdaman sa pangangatawan, isip, at diwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y makilahok at makiisa sa mga nagnanais na mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga doktor at mga nars, at yaong mga nag-aalaga ng mga maysakit nawa’y maipakita nila ang habag at kahinahunan ni Kristo sa pangangalaga lalo na sa mga maliliit nating mga kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang siyensya sa panggagamot nawa’y dagling makatagpo ng lunas sa mga di-karaniwang karamdaman na nagiging hadlang sa mga nagdurusa nito upang magkaroon sila ng isang ganap at aktibong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagluluksa sa kamatayan ng kanilang anak nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa habag ng aming mananakop, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kami na patuloy na manalig sa iyo at sumampalataya sa nagpapagaling na kapangyarihan ng iyong Anak na siyang naghihilom ng aming mga sugat sa buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno February 3, 2019 at 4:44 pm

Sinasabi sa atin ng Unang Pagbasa na ang mga saksi ay tapat sa kanilang tungkulin bilang mga anak ng Diyos, kaya tinatawag din tayong sumunod sa kanilang halimbawa. At ang pinakadakilang pagkatotoo ng Diyos ay si Jesukristo, ang Bugtong na Anak, na nagbigay ng kanyang buhay para sa atin sa Krus upang tayo ay maligtas mula sa ating mga kasalanan. At dahil sa pagtitiis ni Jesukristo hanggang sa katapusan, tiniyak natin na ang ating pananampalataya ay magiging malakas sa gitna ng mga taong susubukin na masaktan tayo, hangga’t mayroon tayo sa pananampalatayang ibinigay sa atin ng Panginoon. Ibinibigay sa atin ni San Marcos ang isang lubusang kasaysayan tungkol sa Anak na babae ni Jairo at ang babae na may pagdurugo. Ang dalawang himala ay nagpapakita kung paano ang isang 12-taong gulang na anak na babae ay nabuhay mula sa kamatayan at kung paano ang isang babae ay gumaling sa kanyang 12-taong gulang na pagdurugo. Sa katunayan ang bilang ‘labindalawa’ ay nangangahulugang “Manatiling positibo” at “Panatilihin ang pananampalataya”. Makikita natin sa dalawang yugto ang isang kasaysayan ng pananampalataya na ang babae ay tumago sa pamamagitan ng karamihan ng mga tao upang hawakan ang palawit ni Jesus. Sa katulad na paraan, inanyayahan ni Kristo si Jairo, ang kanyang asawa at mga kamag-anak, at ang tatlong Apostol upang magkaroon ng pananampalataya na ang batang babae ay mapagaling.

Reply

Reynald Perez February 4, 2019 at 4:54 pm

Pagninilay: Ipinakita sa Ebanghelyo ngayon ang dalawang kwento ng pagpapagaling, subalit iisang alintuntunin tungkol sa pananampalataya. Makikita dito ang bilang na “12” dahil ang anak ni Jairo na nagkasakit ay nasa 12 taong gulang, at ang babae ay dumudugo sa loob ng 12 taon. Kaya ang bilang na “12” ay sumisimbolo sa kaganapan sapagkat ang dalawang katauhan ay naranasan ang pagpapagaling ni Hesus. At binibigyang-diin dito ang pananampalataya nina Jairo at ang babae na nagdulot sa mga paghihilom na iyon. Malaki ang pananalig ng tao sa Diyos sa paghahangad ng kagalingan sa kanilang mga sakit, pati na rin ang paghilom ng mga kamag-anak nilang may sakit sa balat o damdamin. At makikita natin ang Panginoon ay may kakayahang intindihin ang kahinaan ng ating katauhan upang kanyang iako ang ating mga pinagdadaanan at bigyan tayo ng kalakasan. Kaya sa ating buhay, palagi nating alalahanin na ang pananampalataya ay paniniwala sa kagandahang-loob ng Panginoong Diyos sa buhay ng bawat tao. Kaya ang Unang Pagbasa ay nagtuturo sa atin na maging tapat sa ating pananampalataya sa Panginoon, katulad ng mga sinaunang saksi na sumunod sa kanyang dakilang kalooban. Nawa tayo pa rin ay manalig sa Panginoon sa kabila ng ating mga pinagdadaanan sa buhay, at isabuhay natin ang pananampalatayang ito sa paggawa kung ano ang inuutos ng Diyos.

Reply

Aida Ramirez February 5, 2019 at 7:11 am

Salamat sa awitatpapuri at sa mga pagninilay.Higit kong nauunawaan ang Ebanghelyo kapag binabasa ko ang pagninilay.Salamat sa inyo at pagpallain tayong lahat .
Marami tayong mithiin sa buhay dito sa mundong ating ginagalawan , subalit ang pagnanais na makasama si Hesukristo pagtapos ng ating buhay dito sa mundo ay ang pinakamataas nating mithiin.
At bago pa dumating na tayo ay makasama sa kaluwalhatian ng Panginoon ay patuloy natin siyang kilalanin sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang mga salita ,unawain sa tulong ng mga pagninilay at isabuhay nating ang bawat mensahe ng ating Panginoon
God bless us all.

Reply

Melba G. De Asis February 5, 2019 at 7:26 am

Mapalad ang mga tao na buo at tapat ang pananalig sa Diyos. Si Hesus ay tapat sa kanyang pangako. Marami tayong pinagdadaanan sa buhay ngunit dapat tayo humingi sa Diyos ng kalakasan at tibay ng loob para malampasan at malabanan natin ang ating mga problema ng may ganap na tiwala at pananalig sa Diyos.

Panginoon ako’y nanalig na ipagkakaloob mo ang kagalingan ko sa lahat ng aking karamdaman at sa lahat ng may taglay na sakit. Ikaw Panginoon ang “Great Healer”, hipuin Mo po kami Panginoon at puspusin Mo kami ng Iyong kabanal banalang Ispiritu, I claimed we are all healed. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: