Linggo, Nobyembre 13, 2022

November 13, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sa papalapit na pagtatapos ng taong liturhiko habang tayo’y namumuhay sa masalimuot nating mundo, idulog natin sa Panginoon ang ating mga kahilingan para sa lahat nating mga mahal sa buhay. Tugon natin ay:

Panginoon, pangalagaan Mo kami!

Para sa Simbahang Panlahat, na ating Ina at Guro: Nawa siya’y maging tanda ng pag-asa’t pagkakaisa para sa lahat ng bansa. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at kura paroko: Nawa patnubayan nila ang bayan ng Diyos sa kanilang pagiging inspirasyon sa kanilang kabanalan, karunungan, at lakas ng loob. Manalangin tayo!

Para sa mga pinuno nating pambayan at pampamahalaan: Paghandaan nawa nila ang araw ng pagtutuos sa pamamagitan ng paglilingkod nang buong katapatan. Manalangin tayo!

Para sa mga biktima ng terorismo sa lahat ng panig ng mundo: Nawa tanggapin sila ng Panginoon sa Kanyang kapayapaan at pagkalooban ng kasiyahan at lakas ang kanilang mga mahal sa buhay. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan, lalo na sa mga may mahirap na pinagdadaanan: Nawa, sa ating pakikiisa, matagpuan nila ang tulong at kaginhawaang hanap nila. Manalangin tayo! B.

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, payapain Mo ang aming mga puso. Pagkalooban Mo kami ng biyayang maging laging handang tumanggap sa Iyo sa pamamagitan ng tapat at malugod na pagtupad sa aming mga tungkulin. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 14, 2019 at 10:21 pm

Reflection: The 33rd Sunday in Ordinary Time precedes before the last Sunday of the Liturgical Year, which is the Solemnity of our Lord Jesus Christ, the King of the Universe. In fact, the number “33” symbolises the age of our Lord Jesus Christ during his earthly life and the year of his Passion, Death, Resurrection, and Ascension. That is why the liturgy for today invites to reflect on the Lord of history, the Lord of the Beginning and the End, and the Lord of our everyday lives.
In the First Reading (Malachi 3:19-20), the Old Testament concludes with an apocalyptic prophecy from Malachi. The Old Testament serves as God’s preparation for the fulfilment of salvation history. In the past, God has revealed himself in various ways through the patriarchs, judges, kings, prophets, and wise men, in order that his people may turn away from their wickedness and live by his commands. That is why the Prophet Malachi reminds us that there will a time the Lord will judge the evil and deprive them, but the faithful he will save them and give them their rewards in heaven. This prefigures the Second Coming of our Lord Jesus Christ, when he would declare that whatever we do unto others, we do unto him. No wonder when Christ came, he showed us acts of kindness to anyone he meets, setting aside for us an example to follow in our everyday lives. The reality here is that God does not want to destroy us in spite of our sins because he is patient, gentle, and merciful for our own inner conversion, which does not only focus on our attitude and personality, but on our mindset and viewpoint of the world. And in that conversion, we are to devote our relationship with him by means of worship through both religiosity and spirituality.
In the Gospel (Luke 21:5-19), Jesus speaks of the forthcoming destruction of the Temple in Jerusalem. It happened already in 70 A.D. when the Romans seized the city and destroyed every infrastructure, leaving Jerusalem in ruins, including the Temple. He already prophesied this because he knew that the people would not welcome God’s visitation, even the Jewish leaders who continue to plot against them. No wonder he died outside the city by the citizens living in it, showing how the message of salvation was rejected utterly. In the next part of this passage, Jesus reminds the people of the signs of the times that are to happen before the day and hour of his Second Coming, and they are occurring right now. We remember 3 years ago how Yolanda devasted the lives of our kababayans in the Visayas, and no one ever expected that kind of tragedy. We also remember a year ago when a group of suicide bombers let out explosives and triggered gun shots in 3 parts of Paris, which affected 130 lives, and the world was shocked to see how such act of terrorism would happen like that in a very popular city with the popular landmark of the Eiffel Tower. Moreover, Christ also speaks of persecutions. Since the past until now, a lot of people are being persecuted and discriminated by highly ambitious groups. Christians had been persecuted during the time of the Roman Empire, eventually throughout the course of history in many regions and places wherein the Evangelization of the Good News is strictly prohibited, and even until now by radical extremists. These tragedies that occur would make us ponder on why are they occurring continuously. But what is important here is our faith in the Lord that will help us overcome these trials. Yet we have to endure them all throughout our lives without losing faith in him. The Lord assures that that through our perseverance amidst these tragedies, not a hair on our heads would be counted, for as long as we hold on him tightly with ardent hearts.
My dear brothers and sisters, the Lord is the God of history, the Beginning and End of our lives. He is eternal because he already existed before the creation of the world, and he will live forever so that when he returns in glory and majesty, he may find us vigilant and faithful to inherit the beatific vision in heaven. That’s what Saint Paul is telling us in the Second Reading (2 Thessalonians 3:7-12), that we should work and not act like busybodies, minding others’ business. And our mission is to work for the cultivation of God’s vineyard, to bring an abundant fruit of goodness, and kindness that will enable others to become faithful to God and his teachings. So as we journey down this end of this road, may we see the Lord as a God of faith, hope, and love, and recognize those virtues as we encounter the signs of the times and the realities of the world, so that we may respond with concrete and faithful word and action.

Reply

Reynald Perez November 7, 2022 at 1:02 pm

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nasa Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon, ang ikalawa sa mga huling Linggo ng Kalendaryo ng ating Simbahan. Ang bilang na 33 ay ang edad ng ating Panginoong Hesukristo noong siya’y namatay sa Krus, muling nabuhay, at umakyat sa langit. Ito’y nagpapahiwatig sa atin na katulad niya, mayroon din tayong katapusang haharapin, hindi lang ukol sa hantungang kinabukasan ng buhay, kundi kahit sa munting bagay o pangarap na mayroon tayo na may mga hangganan din, sapagkat itong mga makamundong bagay ay pansamantalang kaligayahan lamang. Subalit ang mananatili ay ang ating Panginoon at ang kanyang pag-ibig na ipinagkaloob niya sa atin. Sa nalalapit na pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng kanyang Pagkahari, ang pagtatapos ng Taong Panliturhiya ay nagpapahiwatig na ang ating paglalakbay sa mga misteryo at pagdiriwang ng Simbahan ay hahantong sa ating pagkilala, pagsamba, at pagsunod kay Kristong Hari, na siya ay dumating, patuloy na dumadating, at sa huling araw ay darating upang tipunin tayo sa paghuhukom. At alam natin na hahatulan niya tayo ayon sa pag-ibig at iba pang kabutihan na ginawa natin dito sa lupa. Kaya ang tugon natin ay dapat katulad ng Salmista ngayon: “Poong Hukom ay darating, taglay katarungan natin.” (Slm. 97:9)

Ipinapahayag sa ikalawa sa mga pinakahuling Linggo ng Kalendaryo ng Simbahan ang katapusan ng panahon. Ang Unang Pagbasa ay ang propesiya ng huling propeta ng Lumang Tipan na si Malakias, na ang huling araw nga ay ang paghuhukom ng Diyos, na kung saan iwawaski niya ang mga masasama papuntang impiyerno, ngunit ang mga masunurin at mabuti ay kanya namang titiupunin patungo sa kanyang kaluwalhatian sa langit. Ang Ebanghelyo ngayon ay ang orakulo ng Panginoon ukol sa mangyayari kapag magwawakas na ng mundo, at ang mga palatandaan ito ay parang mga kalamidad o trahedya ng panahon, lalo na ang mga mangyayari sa mga nilalang sa langit sa bawat paggunaw ng isang elemento nito (bituin, planeta, araw, buwan). Ipinahayag din ni Kristo ang pagwawasak ng Templo ng Jerusalem, na natupad nga noong taong 70 A.D. noong pamumuno sa Roma ni Emperador Tito Flaviano Vespiano, nang lusubin ng mga Romano ang Jerusalem, at tulad nga ng pahayag ni Hesus ay ni isang bato ng siyudad kasama ang templo ang natira. Ayon nga din sa mga Ebanghelista, ang pagwawasak ng banal na lungsod ng Diyos dito sa lupa ay bunsod din ng hinding pagtanggap ng mga Hudyo, lalung-lalo na ng mga pinuno, ang kaligtasan ng Diyos na dumating sa pamamagitan ni Hesus. Kaya nga binalaan ni Hesus ang kanyang mga alagad ukol sa kanilang paghihirap at pag-uusig na mararanasan sa kamay ng kanilang sari-sariling kababayan. Kung si Hesus na nga ang nagpahayag nang tatlong beses ukol sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay, paano pa kaya ang mga alagad niya? Kaya tinuturo niya na sa kabila ng ganitong mga pagsubok, hindi dapat sila mangamba sapagkat ang Diyos Ama ang magiging tanging lakas at sandigan nila sa katotohanang ipinadala siya na Bugtong na Anak upang ipakita ang daan ng kaligtasan. At ang kanilang pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita ay tanda ng kanilang pagtiiis at pagsisikap, hanggang sa nakamtan na nila ang korona ng buhay doon sa kalangitan.

Mga kapatid, tayo rin ay tinatawag na tumulad sa ating Panginoong Hesukristo, sa mga Apostol at Banal na naging matatag sa kanilang misyon na ipahayag ang Panginoong Diyos Ama sa bawat dako na kanilang dinadaanan. Marami ding mga baku-bakong pagkakataon na susubukin ang ating katatagan na magmisyon sa kanya, subalit patuloy lang tayo sa ating gawain at misyon. Huwag tayong tumulad sa mga taong nais lang umasa sa Diyos na wala namang ginagawang kaakibat na kilos na ayon sa kanyang kalooban. Ito ang paghihikayat ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na makikiisa at makibahagi sa gawain ng kaligtasan ng Diyos. Kung ang isang ordinaryong naghahanap-buhay ang masipag at palaging nagtratrabaho upang makakita para sa mga mahal sa buhay, paano pa kaya tayo na bilang mga Kristiyano, pinagsisikapin natin na makamtan ang kaligayan ng kalangitan sa pamamagitan ng pagiging matuwid at paggawa ng mabuti? Minsan, gusto natin maghimasok sa pinag-aabalahan ng ibang tao dahil may nakikita tayong mali o kaya mas mabuti pang rekomendasyon na iayos ang kanyang buhay para na rin sa kapakanan ng mga taong malapit sa kapwang iyon. Ganun din sana ang pahayag ni San Pablo na magsikap at gumawa nang taimtim at tahimik, na ang mahalaga ay mayroon tayong kababang-loob na nakikita ng Diyos ang ating kagandahang-loob na nagmumula sa ating puso.

Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay lilipas, ngunit ang hindi kailanma’y lilipas ay ang Diyos Ama at kanyang banal na Salita na ang kanyang Anak na si Hesus. Marahil nakakatakot isipin kung paanong magwawakas ang mundo (at ganun din siguro katakot-takot kung paano tayong mamatay), subalit huwag tayong mangamba sapagkat kasama natin palagi ang Diyos. At kung tayo ay magiging tapat sa kanya, lalo na sa oras ng pagsubok at kagipitan, na patuloy lang tayo sa ating mabubuting misyon, makakamtan din natin balang araw ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa langit.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: