Martes, Nobyembre 8, 2022

November 8, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa ating Amang nasa Langit upang matularan natin si Kristo na kanyang Anak sa diwa ng paglilingkod na may pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa paglilingkod sa Iyo.

Ang Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y maging tapat sa paglilingkod nang may kasipagan at dedikasyon sa kalipunan ng mga sumasampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating lipunan nawa’y maging tunay na lingkod na may kasipagan sa pagsasakatuparan ng kabutihang pangkalahatan kaysa unahin ang kanilang sariling pakinabang, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa ating pagsusulong ng katarungan at pag-ibig sa pamamagitan ng ating lubos na paglilingkod sa kapwa sa bawat araw ng ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagbibigay ng paglilingkod sa mga maysakit nawa’y sumaksi kay Jesus na siyang lingkod ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga tapat na yumao nawa’y biyayaan ng ating Banal na Guro ng makalangit na gantimpala para sa kanilang mapagmahal na paglilingkod sa lupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, tulungan mo kaming maging lingkod sa bawat isa kasama si Jesus na aming Panginoon ngayon at magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 12, 2018 at 10:15 am

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay nagtuturo sa atin kung paano dapat nating pahalagahan ang paglilingkod. Bilang mga indibdiwal, tayo ay hindi may-ari ng ating buhay, kundi ang Panginoong Diyos ang nabigay nito at may karaptang kunin muli ito mula sa atin sa nakatakdang panahon. Tayo lamang ay itinuturing na may tungkuling alagaan at igalang ang buhay ng ibinigay niya hindi lang sa atin, kundi ang buhay na para sa ibang tao. Kaya nga ikinuwento ni Hesus ang isang talinghaga tungkol sa lingkod na pinagsabi ng kanyang panginoon na kumain at makisalo sa handaan. Ngunit tugon naman ng lingkod ay ginagawa niya ang kanyang trabaho na walang hinihintay na kapalit. Ito yung parang paningin/disposiyon na ang bawat nagtratrabaho ay sinusunod lamang ng utos na galing sa matataas na panunungkulan. Ganun rin sa ating buhay bilang mga Kristiyano na tayo’y mga anak ng Diyos at inaasahang gawin makabuluhan ang buhay na ibinigay niya sa atin. Tayo ay tinatawag na maglingkod sa kanya at sa ibang tao nang may pagmamahal at paggawa ng tama at mabuti. At kapag ginagawa natin ito, kung minsa’y tayo’y binibigyan ng pagpapala ay nasa isip at puso natin na hindi natin inaasahan ng kapalit. Kaya ipinapaala sa atin ni San Pablo sa Unang Pagbasa na gumawa ng kabutihan sa bawat tao ng mundo, kahit matanda siya o bata, babae man o lalaki. Tayo’y inaatasan na ituro ang aral na galing sa Panginoon upang patuloy itong ipangaral sa mga darating na henerasyon.

Reply

Melba G. De Asis November 13, 2018 at 7:57 am

Ang bawat salita at turo ng Panginoon ay siyang gabay nating lahat para makamtam ang mapayapang buhay.

Sa pagiging tagapaglingkod ay mahalaga ang pagsunod. Naway magampanan natin ng maayos ang mga tungkuling iniuutos ng Diyos sa mga lalaki at babae, gayundin sa mga kabataan, sapagkat ang itinuturo ay tunay na mabuti para sa ating lahat. Amen

Reply

Susilia Fabello Faderon November 10, 2020 at 6:18 am

Ang pagiging lingkod ay kasama ang mga ugaling pagiging tapat sa tungkulin.Inuuna muna ang kapakanan ng iba o ng pinaglilingkuran bago ang sarili.
Ito ay nakakamtan sa uri ng paghubog at kinagawian na mula pa sa pagkabata.
Nawa tayong lahat ay pagkalooban ng Panginoon ng mga pagpapala upang tayoy gawing mabuting mga lingkod.
At mas piliing maging mga lingkod sa halip na pinaglilingkuran.Kasihan nawa tayo ng Diyos.

Reply

Cecile Arrieta July 12, 2023 at 4:03 pm

Paano po ba mag subscribe dito?
Salamat po.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: