Miyerkules, Mayo 8, 2024

May 8, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Hindi tayo iniwang ulila ng ating Amang nasa Langit, bagkus ipinadala niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu. Sambitin natin ang ating sama-samang panalangin sa kapanyarihan ng Espiritu ng Katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Akayin nawa kami ng Iyong Espiritu ng Katotohanan, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging masigasig sa paghahatid ng mensahe ni Jesus sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namamahala at maykapangyarihan nawa’y maghatid ng kapayapaan at katarungan sa mga bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga hinahamak, mga itinatakwil o mga walang nagmamahal sa ating lipunan nawa’y makaranas sa kanilang buhay ng pangangalaga ng Diyos sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makakita at makadama ng mapagmahal na presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y muling buhayin alang-alang sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, loobin mong lalo pang ihayag sa amin ng Banal na Espiritu ang mga katotohanang inihayag ni Jesus na nabubuhay na kasama mo ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 20, 2022 at 8:48 pm

PAGNINILAY: Tayo ay papalapit na sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng ating Panginoon sa Langit. At matapos ito, ang Linggong pagkatapos nitong pagdiriwang, ay ang Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentekostes. Kaya pinaghahandaan tayo ng ating liturhiya para sa nalalapit na pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Si Hesus na namatay sa Krus, ngunit muling nabuhay, ay nakatakdang tapusin ang kanyang misyon sa lupa. At alam niya ay babalik na siya sa Amang nagsugo sa kanya. Kaya makikita natin sa mga Ebanghelyo ang kanyang mga huling habilin bago siya lumisan sa mundong ito pauwi sa kalangitang kanyang tahanan. At ito’y nararapat upang tayo rin ay makasigurado na kapiling niya tayo, at mayroon siyang nakahandang isang magandang paninirahan upang makamtan natin ang buhay na walang hanggan.

Kaya patuloy ang paalala ni Hesus sa Ebanghelyo tungkol sa biyaya ng Espiritu Santo. Ang lahat ng kanyang sinasabi ay hindi niya maipahayag, kaya ipinangako niya sa kanyang mga alagad na ipapadala niya ang Espiritu Santong magsisilbing Patnubay upang mas maunawaan ang kanyang mga salita. At ang Espiritu rin sa ating buhay-pananampalataya ay may pitong kaloob upang tayo ay mabigyan ng kakahayang tahakin ang landas ng buhay ng may pananampalataya at katapatan sa Diyos.

Kaya si San Pablo sa Unang Pagbasa ay masasabi natin isang matapang na saksi na puno ng Espiritu Santo upang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo sa mga Hudyo at Hentil. At narinig natin ang kanyang pangangaral sa bayan ng Atenas, kung saan itinuwid niya ang pamumuhay ng mga Kristiyanong komunidad roon na sumasamba sa “diyos na hindi nakikilala” patungo sa tunay na Diyos nating Ama. Ito ang papel ng Espiritu Santo sa ating buhay bilang Patnubay, upang mas kilalanin pa natin ang Diyos. At siya’y nagpapatotoo sa ating tungkol sa katotohanang mahal tayo ng Panginoon.

Kaya ang hamon sa atin ay mamuhay sa katotohanan at kabutihan, na alam natin ang Espiritu ang patuloy na gagabay sa atin upang maramdaman natin palagi ang presensiya ng Panginoon.

Reply

ruel arcega May 25, 2022 at 6:07 am

Sa ebanghelo ay sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad na sa kanyang pagbalik ay meron siyang ipapadala na tutulong sa atin upang samahan , gabayan at pabanalin tayo ang banal na Espiritu , dahil siya ang maghahayag na buong katotohana. Kapag ating itong tatanggapin, dahil hindi natin ganap namauunawaan ang lahat. Ang banal na Espiritu ang tutulong upang harapin ang katotohanan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 25, 2022 at 9:21 am

Madalas tayong nahiling sa Diyos mg ating mga panganga-ilangan, maging materyal, kalusugan, kapayapaan ng isip at pagresolba ng ating mga suliranin. Lingid sa kaalaman ng marami na dapat din natin hilingin sa Diyos na lukuban tayo ng Espiritu Santo. Ang banal na espiritu ay ang magbibigay gabay sa atin sa ating pang araw araw na gawain. Ang Espiritu ang magbubukas ngbating mga kaisipan tungkol sa Salita ng Diyos upang maisakatuparan natin ito ng tama. Ang Espiritu ay ang syang tutulong sa ating desisyon kung ano amg tamang iisipin, kung ano ang tamang sasabihin at kung ano ang tamang gagawin.

Ano ang halaga ng iyong pagdarasal ng madalas kung ang sarili mo namang ugali ay hindi mo binabago. Kung tayo ay humihiling ay humihiling di si Hesus na sundi mo ang mga kautusan. Manalangin ka at ibigay ang buong tiwala sa Diyos na diringgin ang iyong dalangin, sabayan mo nman ito ng pgsisiskap na matalikuran ang kasamaan. At unti unting mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ng isip. Huwag mabalisa, sapagkat kapag ikaw ay may pangamba pa pagkatapos manalangin ay hindi monlubos na ibinibigay kay Hesus ang tiwala.

Reply

Malou Castaneda May 7, 2024 at 9:17 pm

PAGNINILAY
Walang sinuman na nananahan sa labas ng katotohanan ang maaaring magsabi na tagasunod ni Hesus. Kung wala ang Banal na Espiritu ay hindi natin maaaring harapin si Satanas sa mundong ito. Ang Banal na Espiritu lamang ang tumutulong sa atin sa bawat sandali ng ating buhay. Kung wala ang Banal na Espiritu ay hindi natin magagawa ang pagsulong sa ating pang-araw-araw at espirituwal na buhay. Kung wala ang Banal na Espiritu ay limitado tayo sa ating buhay sa mundo, tinatanggap natin ang bagong buhay pagkatapos na isilang na muli sa Banal na Espiritu. Tinutulungan tayo ng bagong buhay na manatiling nagkakaisa kay Hesus at maunawaan ang mga misteryo na may kaugnayan kay Hesus. Nawa’y isilang tayong muli sa Banal na Espiritu at magsimula ng isang bagong buhay.

Panginoon muling nabuhay, pinupuri Ka namin at pinasasalamat sa pagnanais na pumasok kami sa Iyong presensya at “makilala” Ka. Amen.
***

Reply

Joshua S. Valdoz May 8, 2024 at 7:55 am

REFLECTION: Madalas tayong nahiling sa Diyos na ating mga pangangailangan, maging materyal, kalusugan, kapayapaan ng isip at pagresolba ng ating mga suliranin. Lingid sa kaalaman ng marami na dapat din natin hilingin sa Diyos na lukuban tayo ng Espiritu Santo. Ang banal na espiritu ay ang magbibigay gabay sa atin sa ating pang araw araw na gawain. Ang Espiritu ang magbubukas ngbating mga kaisipan tungkol sa Salita ng Diyos upang maisakatuparan natin ito ng tama. Ang Espiritu ay ang s’yang tutulong sa ating desisyon kung ano amg tamang iisipin, kung ano ang tamang sasabihin at kung ano ang tamang gagawin.

Ano ang halaga ng iyong pagdarasal ng madalas kung ang sarili mo namang ugali ay hindi mo binabago. Kung tayo ay humihiling ay humihiling di si Hesus na sundi mo ang mga kautusan. Manalangin ka at ibigay ang buong tiwala sa Diyos na diringgin ang iyong dalangin, sabayan mo nman ito ng pgsisiskap na matalikuran ang kasamaan. At unti-unting mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ng isip. Huwag mabalisa, sapagkat kapag ikaw ay may pangamba pa pagkatapos manalangin ay hindi monlubos na ibinibigay kay Hesus ang tiwala.

Reply

Joshua S. Valdoz May 8, 2024 at 8:39 am

REFLECTION: Maligayang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Katotohanan sa ating lahat, mga kapanalig, magandang Tanghali po, Madalas tayong nahiling sa Diyos na ating mga pangangailangan, maging materyal, kalusugan, kapayapaan ng isip at pagresolba ng ating mga suliranin. Lingid sa kaalaman ng marami na dapat din natin hilingin sa Diyos na lukuban tayo ng Espiritu Santo. Ang banal na espiritu ay ang magbibigay gabay sa atin sa ating pang araw araw na gawain. Ang Espiritu ang magbubukas ngbating mga kaisipan tungkol sa Salita ng Diyos upang maisakatuparan natin ito ng tama. Ang Espiritu ay ang s’yang tutulong sa ating desisyon kung ano amg tamang iisipin, kung ano ang tamang sasabihin at kung ano ang tamang gagawin.

Ano ang halaga ng iyong pagdarasal ng madalas kung ang sarili mo namang ugali ay hindi mo binabago. Kung tayo ay humihiling ay humihiling di si Hesus na sundi mo ang mga kautusan. Manalangin ka at ibigay ang buong tiwala sa Diyos na diringgin ang iyong dalangin, sabayan mo nman ito ng pgsisiskap na matalikuran ang kasamaan. At unti-unting mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ng isip. Huwag mabalisa, sapagkat kapag ikaw ay may pangamba pa pagkatapos manalangin ay hindi monlubos na ibinibigay kay Hesus ang tiwala.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: