Podcast: Download (Duration: 5:12 — 3.8MB)
Miyerkules ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita kay Santa Rita ng Cascia, namamanata sa Diyos
Santiago 4, 13-17
Salmo 48, 2-3. 6-7. 8-10. 11
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
Marcos 9, 38-40
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. Rita of Cascia, Religious (White)
UNANG PAGBASA
Santiago 4, 13-17
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago
Mga pinakamamahal, pakinggan ninyo ito, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at gayong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal, at kikita nang malaki.” Ni hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Sapagkat ang buhay ninyo’y parang aso – sandaling lumilitaw at pagdaka’y nawawala. Ito ang dapat ninyong sabihin, “Kung loloobin ng Panginoon at nabubuhay pa kami, gagawin namin ito o iyon.” Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagpapalalo. Masama iyan! Ang nakaaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 48, 2-3. 6-7. 8-10. 11
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
Bawat isa ay makinig, makinig ang sino pa man,
kahit saan naroroon ay makinig ang nilalang!
Kahit ikaw ay dakila o aba ang iyong lagay,
makinig na sama-sama ang mahirap at mayaman.
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
Hindi ako natatakot sa panahon ng panganib,
kahit pa nga naglipana ang kaaway sa paligid
mga taong naghahambog na sa yaman nananalig,
dahilan sa yaman nila’y tumaas ang pag-iisip.
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
Hindi kaya ng sinumang ang sarili ay matubos,
hindi kayang mabayara’t tubusin sa kamay ng Diyos;
ang bayad sa kanyang buhay ay halagang sakdal taas;
gaano man ang halagang hawak niya’y hindi sapat
upang siya ay mabuhay nang hindi na magwawakas
at sa labi ng libingan ay hindi na mapasadlak.
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
Ang lahat ay namamatay, ito nama’y alam n’ya,
maging mangmang o marunong, kahit hangal, pati tanga;
yaman nila’y maiiwan, sa lahi na magmamana.
Mapalad ang mga aba,
ang D’yos ay nasa kanila.
ALELUYA
Juan 14, 6
Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 9, 38-40
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan mo, at pinagbawalan namin sapagkat hindi natin siya kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan, sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko ang agad magsasalita ng masama laban sa akin. Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Mayo 21, 2024
Huwebes, Mayo 23, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang mahigpit na paalala ni Apostol Santiago na bantayan at ingatan ang ating buhay, sapagkat hindi natin talaga alam kung ano ang mangyayari sa atin sa kinabukasan. Marami tayong gustong planuhin na gagawin, subalit paano kaya kung hindi naman matuloy ang mga ito? O kaya paano naman kung hindi nangyari ang inaasahan nating resulta sa ating mga gawain? Tinatawag ni Santiago ang ganitong pag-uugali bilang pagmamayabang at pagmamarunong sapagkat parang pinangungunahan natin ang Diyos nang hindi tayo humiling sa espirituwal na paraan ang kanyang kalooban para sa atin.
Sa huli, ang plano pa rin niya ang masusunod dahil hindi siya katulad nating mag-isip at gumawa. Ang nais niya talaga ay para sa mabuting kapakanan para sa lahat. Bagamat hindi tayong katulad niya, tayo pa rin ay mga anak niya na tinatawag na gawin ang kanyang inuutos at maging mga saksi niya sa ating araw-araw na pamumuhay.
Si Hesus sa Ebanghelyo ay pinagbabalahan ni Juan tungkol sa isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa kanyang pangalan. Subalit ang naging tugon ni Hesus ay huwag pigilan ang lalaking iyon sapagkat ang mga taong gumawa ng mabuti alang-alang sa kanya ay tunay na sumusunod sa kanyang mga yapak. Kaya kinakailangan nating tanggalin ang mga pagkikiling/”biases” tungo sa isang tao.
Lahat tayo ay tinatawag na maglingkod sa Panginoon. Sa ganitong paraan rin tayo’y inaanyayahan na magkaisa at tanggapin ang bawat isa upang patuloy na dumaloy ang grasya ng Diyos sa lahat ng tao.
Sa unang pagbasa sinabi sa sulat ni Santiago na nagpaalala sa atin na ang sinu man nakakaalm ng mabuti ngunit hindi ito ginawa ay nagkakasala. Ito tinatawag na ng sin of omission, isa palang kasalanan natin na maging pabaya kung alam mo na mabuti at tama pero hindi mo ginawa para sa ikakabuti ng iba ay isang kasalanan. Ngunit kung gagawin mo ang tama at paggawa ng mabuti na makakatulong sa kapwa ay hindi kanagkakasala. Kaya’t anu sabi ni Hesus sa ebanghelyo huwag ninyo ang taong gumawa ng mabuiti sa ngalan ko. kaya’y ito’y isang paanyaya sa atin gawin ang mabuti at tama sa ngalan ng ating panginoon at ikaw ay kanyang tutulungan at gagamtipalaan. at huwag mong kaiingitan ang taong gumawa gawa ng mabuti sa pangalan ni Hesus. sahalip pasalamat ka sa Diyos sa pagsugo ng mga kamanggagawa ng Diyos. Ikaw anu nagawa mong kabutihan para kay Kristo.?
Ang arala at hamon ng mga pagbasa ngayon ay “pagawa ng mabuti”
Ang taong nakaka-alam ng mabuti ngunit hindi ginawa ay nagkakasala” Sa ating buhay, ang lahat ngbating iisipin, sasabihin at gagawin ay lagi tayong may dalawang pagpipilian. Ang mabuti paraan at isa’y masama. Kapag pinili natin ang masama ay wala tayong takot sa Diyos. Kapag pinili natin ang masama ay siguradong may kapahamakan na kasunod. Kapag pinili natin ang masama ay pagsisihan natin ito kung bakit tayo magdesisyon ganuon. Kapag pinili natin ang masama sasaya tayo panandalian ngunit ang kasunod ay kalungkutan. Kapag pinili natin ang masama ay hindi tayo magkakaroon ng peace of mind at hindi tayo makakatulog ng mahimbing. Kapag pinili natin ang masama ay pinili natin si Satanas kesa kay Hesus. Kapag pinili natin ang masama ay wala tayong utang na loob sa pinahiram sa ating buhay at lahat ng mayroon ka ngayon.
Samantalang kapag gumawa ka ng mabuti ay mararamdaman mo ang tunay at wagas na kaligayahan, at mag naghihintay pang gantimpala mula sa langit.
Ang bukas ay walang kasiguraduhan, wag nating problemahin ang bukas bagkus ay ipinalangin natin kay Hesus na loobin pa nya na may hininga pa tayo bukas at magpsalamat sa araw araw.
PAGNINILAY
Online ay nakakita ako ng slogan ng simbahan na nagsasabing, ‘Tungkol ito sa mga kaluluwa, hindi sa damit’. Sa ilang simbahan, tila iniisip ng mga tao na okay lang na husgahan ang iba batay sa panlabas na mga bagay, sa mga damit na kanilang isinusuot, sa sasakyan na kanilang minamaneho, sa laki ng kanilang alay, kung gaano katagal sila naging miyembro, o kahit na sa kulay. ng kanilang balat o buhok. Iyon ay tila naghahati sa atin at hindi sumusunod sa sinabi ni Hesus na tayo ay dapat ‘…magkaroon ng kapayapaan sa isa’t isa”. Tayo bilang pamilya ni Hesus ay dapat na puno ng pagpapatawad at pagmamahal, dapat walang puwang para sa higit na kataas-taasan, walang puwang para sa pagmamataas, walang puwang para sa ‘Mas maganda ako, sinabi ko sa iyo, o may utang ka sa akin’. Kapag ito ay naging katotohanan, makakahanap tayo ng isang lugar ng kapayapaan. Isang lugar kung saan tayo nagkikita hindi para manghusga, kundi para hikayatin ang isa’t isa, nagtutulungan na hindi kailanman sirain, bagkus laging patatagin. Isang lugar kung saan ang mga sinungaling at manloloko at adik at lahat ng iba pang uri ng makasalanan ay nakakahanap ng bagong buhay sa salita ng pagpapatawad na kailangan nating lahat. Ang uri ng lugar na ang sinuman ay mapalad na mapabilang… ay may kapayapaan ng Diyos. Maghari nawa sa ating mga puso ang kapayapaan ni Hesus!
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming hindi maging mapanghusga kundi maging bukas ang isipan sa lahat ng gumagawa ng Iyong gawain. Amen.
***
pinupuri ka namin Panginoon Hesuskristo.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Marcos 9, 38-40
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Aral ng mabuting Kristiyano
at pagkakaisa ng mga tunay na Kristiyano.
Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo na tinatanggap ni Hesus
ang lahat ng gumagawa ng mabuti sa Kanyang Pangalan
at ito’y may gantimpala.
Hinihikayat tayong makipagtulungan sa ibang mga Kristiyano
sa pag-gawa ng mga mabuting bagay para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Kailangan nating palakasin ang mga bagay kung saan
ang mga tunay na Kristiyano ay nagkakaisa (Ekumenismo)
sa halip na magkahati-hati.
Ikaw ba ay mabuting Kristiyano
at kinatawan ng pagkakaisa at pagmamahal?