Podcast: Download (Duration: 7:49 — 5.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes
Ang Panginoon ang Mabuting Pastol na nakakikilala sa mga kabilang sa kanyang kawan sa kani-kanilang pangalan. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos na taglay ang pagtitiwala sa kanyang pag-ibig sa atin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, panatilihin Mo kami
sa iyong pangangalaga.
Ang Santo Papa, ang pastol na hinirang ng Diyos, nawa’y gabayan tayo sa matuwid na daan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mananampalatayang Kristiyano nawa’y maging iisang kawan na nasa pangangalaga ng iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng buhay at lubos na magkaroon nito sa pamamagitan ng katapatan sa Mabuting Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y magtiwala kay Jesus, ang Mabuting Pastol, na dumating upang iligtas ang mga nawawalang tupa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makapasok sa pintuan ng kulungan ng mga tupa at magdiwang kasama ng Pastol at bantay ng kanilang mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Amang lubos sa kabutihan, ginagabayan mo kami sa matuwid na daan; ang iyong Anak ay laging nasa aming tabi upang kami ay patnubayan. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa pagtugon mo sa aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Abril 21, 2024
Martes, Abril 23, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Kahapon ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol. Ngayong araw at bukas, patuloy nating pagninilayan ang diskurso ni Hesus tungkol sa Mabuting Pastol. Kahapon ay pinagnilayan natin ang papel ng Mabuting Pastol na nangangalaga sa kanyang tupa, at hindi niya sila’y pababayaan. Ganun din aakayin niya ang mga tupang nawawalay at nawawaglit upang pag-isahin ang kawan. Higit sa lahat, iaalay niya ang kanyang buhay para sa mga tupa, isang pagpapahayag ng kanyang Misteryong Paskwal para sa kaligtasan ng kanyang kinalulugdan at ng buong sangkatauhan.
Ngayong araw na ito, bumabalik tayo sa pinakasimula ng ika-10 kabanata ng Ebanghelyo ni San Juan. Sinabi ng Panginoon na ang dumadaan sa mga ‘di dapat daanan ay mga magnanakaw at tulisan, ngunit ang pumapasok sa pintuan ng pastulan ay tunay na pastol sa mga tupa. Makikita natin rito ang pahayag ng Panginoong Hesus tungkol sa pamumunuan ng tao, kung sino nga ang mabuti sa masasama. Ang kahalagahan ng pagiging isang pinuno ay pagkakaroon ng buhay katulad ni Hesus, at ginamit ni Hesus ang larawan ng Mabuting Pastol bilang paglalarawan sa kanyang sarili upang maging halimbawa ng bawat namumuno sa pamilya, pamayanan, organisasyon, barangay, lungsod, bayan, at bansa. Ganun din ang hamon ng Simbahan sa mga pastol na maging mabuti at banal upang pangalagaan ang kawan sa mga komunidad na nakatakda nilang pamunuan at paglingkuran. Kaya ikinuwento ni Hesus ang isang talinghaga tungkol sa pastol na umaakay at nangangalaga nang mabuti ang kawan nito, upang maiwasan ang mga tupa na magkawaglit o kumalat sa mga darating na panganib tulad ng mga asong-gubat. Kaya ang pastol ay kinakailangang mabuti, at hindi huwad. Bagamat ang pagiging mabuti ay kaparehas na positibong katangian sa pagiging mabati, ang mabuti ay mas malalim na kalakaran dahil sa tiyak na pagtugon sa kapakanan sa ibang tao.
Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, hinikayat naman ni Hesus ang mga tupa na pumasok sa pinto patungo sa luntian at mapayapang pastulan. Ang pinto ay sumisimbolo sa kanya, at ang pastulan naman ay ang kanyang Kabiyak, ang Simbahan. Kaya ito’y pahiwatig na ang daan ng kaligtasan ay makikita sa katauhan ni Hesus. At ang tugon nito ay ang pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Simbahan. Ang pamana ng Simbahan ay panananampalataya, na dapat nating ipagdiwang sa pamamagitan ng mga Sakramento (lalung-lalo na ang Banal na Eukaristiya), at ganun din na dapat isabuhay natin ang ating pananampalataya sa pagsunod sa mga moralidad at turo ng ating Inang Simbahan, na nanggaling sa ating Panginoong Hesukristo. At tayong lahat ay inaanyayahang makibahagi sa buhay ni Kristo sa pagiging tao sa kapwa tao at sa ibang nilalang ng Diyos. Ang pinakahuling pangako ni Kristo bunga ng mga mabubuting gawaing ito ay kaligayahan sa buhay na walang hanggan, at ito ay ganap na paghihimlay at pagiging mapayapa sa Kaharian ng Langit.
Mga kapatid, tayo ay inaanayayahan ng Panginoon na maging mga mabuting pastol at mabuting tupa. Tayo ay dapat matulad sa kanya, na nangalaga sa atin bilang kanyang kawan, umakay sa patungo sa Diyos Ama, at nag-alay ng kanyang buhay sa Krus at muling nabuhay mula sa kamatayan upang hindi lang mailigtas mula sa kasalanan, kundi pati na rin ang pagpatuloy ng kanyang misyon sa pamamagitan ng ating pagiging mabuting saksi. At tayo nawa ay maging katulad ni San Pedro sa Unang Pagbasa na tanggapin, salubungin, at akayin ang bawat isa—maging siya ay mananapalataya man o hindi—tungo sa landasin ng Panginoon na mamuhay nang naayon sa dakilang kalooban at maging mabuting saksi ng dakilang pagmamahal sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Hilingin natin sa Panginoon na isugo niya sa atin ang mga tunay na mabuting pastol sa ating bansa ngayong isinasagawa ang mga halalan, nang sa gayon ay magkaroon tayo ng mga tunay na pinuno na talagang susunod sa pagpapastol ng Mabuting Pastol.
Ano ang hamon at aral ng ebanghelyo ngayon?
Sumusunod ang mga tupa sa pastol sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Ngunit patakabo nmang lumalayo kapag ibang tinig ang naririnig nila.
Tularan natin ang mga tupa sa kwento ng ebanghelyo ngayon.
Sa lahat ng ating iispin, sa lahat ng ating sasabihin at sa lahat ng ating gagawin ay ang pakinggan natin ay ang tinig ng Mabuting Pastol na si Hesus. Ata kapag nman bumubulong sa atin ang tinig ng demonyo o boses ni Satanas ay patakbo din tayong lumayo at tumanggi sa mga alok nyang masarap ngunit mapanganib.
Ngayon ay suriin natin ang ating mga sarili, tumahimik rayo sandali at isipin ang mga pinag gagagawa natin. Kaninong tinig palagay mo ang sinunod mo?
PAGNINILAY
Kung ano ang nagpapasigla sa ating espiritu, nagbibigay-kasiyahan sa ating kaluluwa, nagbibigay sa atin ng pangmatagalang kapayapaan at pumupuno sa atin ng buhay, kung ano ang tila angkop para sa atin- ito ang mga sandali na nagmumula sa presensya ni Kristo sa atin. Sa kabilang banda, kung ano ang nag-uubos sa atin, nagnanakaw ng ating enerhiya, nag-iiwan sa atin na walang buhay at walang laman, pumapatay sa ating espiritu, tinatrato tayo bilang isang istatistika sa halip na isang natatanging tao- ito ay mga sandali na nagpapahiwatig ng magnanakaw, ang kaaway ng ating kalikasan bilang tao. Ang kuwento ng dalawang lobo ay nagsasabi na malalim na nakatanim sa ating mga puso ang dalawang lobo bawat isa na gustong pumatay sa isa’t isa – ang labanan sa pagitan ng ating mabuti at masasamang pag-iisip. At sino ang mananalo? Ito ang ‘pinakakain natin’. Kapag tayo ay kay Hesus, kinikilala natin ang Kanyang tinig, ang Kanyang pagtuturo, at sumusunod sa Kanya ng tapat, at hindi sumusunod sa ibang mga pastol na tumatawag sa atin at nagsisikap na iligaw tayo.
Panginoon, tulungan Mo kaming sumunod sa Iyo habang ginagabayan Mo kami sa araw-araw. Amen.
***
REFLECTION: Kung ano ang nagpapasigla sa ating espiritu, nagbibigay-kasiyahan sa ating kaluluwa, nagbibigay sa atin ng pangmatagalang kapayapaan at pumupuno sa atin ng buhay, kung ano ang tila angkop para sa atin- ito ang mga sandali na nagmumula sa presensya ni Kristo sa atin. Sa kabilang banda, kung ano ang nag-uubos sa atin, nagnanakaw ng ating enerhiya, nag-iiwan sa atin na walang buhay at walang laman, pumapatay sa ating espiritu, tinatrato tayo bilang isang istatistika sa halip na isang natatanging tao- ito ay mga sandali na nagpapahiwatig ng magnanakaw, ang kaaway ng ating kalikasan bilang tao. Ang kuwento ng dalawang lobo ay nagsasabi na malalim na nakatanim sa ating mga puso ang dalawang lobo bawat isa na gustong pumatay sa isa’t isa – ang labanan sa pagitan ng ating mabuti at masasamang pag-iisip. At sino ang mananalo? Ito ang ‘pinakakain natin’. Kapag tayo ay kay Hesus, kinikilala natin ang Kanyang tinig, ang Kanyang pagtuturo, at sumusunod sa Kanya ng tapat, at hindi sumusunod sa ibang mga pastol na tumatawag sa atin at nagsisikap na iligaw tayo.
PRAYER: Panginoon, tulungan Mo kaming sumunod sa Iyo habang ginagabayan Mo kami sa araw-araw. Amen.
***
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 10, 1-10
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
“Salvation is through Jesus alone”
Kailangan nating ipagkatiwala ang ating sarili kay Hesus
sapagkat Siya ang Ating Kaligtasan, ang Mabuting Pastol.