Podcast: Download (Duration: 6:17 — 4.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes
Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagpapahayag sa atin si Kristo sa kanyang mga makapangyarihang salitang walang hanggan at mga gawang nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, buong pagtitiwala tayong manalangin sa Ama.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng Panginoong muling nabuhay, iwaksi Mo ang aming mga takot.
Ang Simbahan nawa’y patuloy na magturo ng katotohanan ni Kristo at labanan ang mga kasamaan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namumuno sa mundo nawa’y magtaguyod ng pagiging matuwid sa kanilang mga pamahalaan at maging masigasig sa pagsupog ng kasamaan sa mga pamayanang pinangakuan nilang paglingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayong lahat na natitipon dito nawa’y manatiling tapat sa ating mga pangako sa Binyag, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kagalingan sa panghihina ng kanilang katawan at kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
O Diyos, sa pamamagitan ng Kamatayan ng iyong Anak, ibinigay mo sa amin ang pag-asa sa buhay na walang hanggan. Loobin mo na sa pamamagitan ng kanyang Muling Pagkabuhay ay matamo namin ang buhay na aming inaasam. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Abril 1, 2024
Miyerkules, Abril 3, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Ang pagkabuhay na mag-uli ni Hesus ay patunay na may buhay na walang hanggan. Sikapin natin na makagawa ng mabubuting bagay dito sa lupa para makamtan natin ang walang hanggang buhay na ipinangako sa atin ng Panginoon. Amen
PAGNINILAY: Patuloy nating sinasariwa ang pag-asa at kagalakan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Ngayong Oktaba ng Paskuwa, pinagninilayan natin ang mga pangyayari matapos si Kristo ay muling nabuhay.
Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapatuloy sa Ebanghelyo noong Linggo. Kung maaalala natin na matapos matagpuan nina Simon Pedro at Juan ang mga telang nakalatag sa puntod, sila’y nagsiuiwan habang si Maria Magdalena ay natira sa libingan na nananangis. Nang makita niya ang anghel na nagtatanong sa kanyang pagtangis, sinabi niya na kinuha ang katawan ng Panginoon. At bigla sa isang idlip ay nagpakita si Hesus sa kanya na akala ni Maria na ito ay ang hardinero. Kaya iniutos niya na ipakita sa kanya ang katawan ng Panginoon upang kunin at alagaan niya ito. At sa pagtawag ni Hesus kay “Maria”, dito nakilala na ni Maria Magdalena ang kanyang “Raboni” o “Guro”. Subalit pinahayo siya ng Panginoon na ipahayag sa mga Apostol na aakyat siya patungo sa Diyos Ama. At ganun nga ang ginawa niya nang ibalita niyang muling nabuhay ang Panginoon.
Kaya nakita natin sa Unang Pagbasa kung paanong ipinahayag ng mga Apostol sa harap ng madla na si Hesukristo’y namatay at nabuhay para ang sangkatauhan ay malingap mula sa kasalanan. At tinanong ang mga tao kung paano sila’y maliligtas at magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Tugon ni San Pedro na sila’y magsisi at mapabinyag sa ngalan ni Hesus. Dahil sa kanilang katatagan sa pagpapangaral at pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita, 3,000 tao ang napabilang sa Ang Daan (sa Antioquia sila’y unang tinawag na mga “Kristiyano).
Kaya sa ating pananampalataya, ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ang pinakabatayan ng ating pananalig sa kanya. Si Kristo ay nagpakasakit at namatay sa Krus upang tayo’y lingapin mula sa kasalanan, at siya’y muling nabuhay upang tayo’y gawin niyang panibagong nilalang na mas maging matatag sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. At bilang mga saksi niya, nawa’y tularan natin sina Santa Maria Magdalena, San Pedro, at ang mga Apostol sa pagpapahayag na si Kristo ay buhay sa ating puso’t isipan sa pananahan ng kanyang presensiya sa atin sa pamamagitan ng mga mabuti at matuwid na gawain.
Sa Unang Pagbasa ay iniiwan sa atin ang mensahe na sa pagbabalik loob natin noong Kwaresma ay ituloy tuloy natin ang ating sinimulan. Noong misa ng Pasko ng Pagkabuhay ay sinariwa natin ang ating mga pangako ng tayo ay binyagan. Ito ngayon ang mensahe ng nga apostol sa tao na magsisi at magpabinyag. Alalahanin natin na sa bawat iiisipin natin, sasabihin natin at gagawin natin ay itakwil natin ang demonyo at matakot tayo sa Diyos.
Ang ebanghelyo ngayon ay sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena ang nasaksihan nya at ipagsabi sa mga alagad. Ang misyon naman natin ay ipalaganap natin ang Mabuting Balita sa ating pamamaraan. Hindi tayo literal na mga pari pero tayo ay may tungkulin din na ipalaganap ang Salita ng Diyos sa pamamaraan na kaya natin. Nariyan ang tulong ng teknolohiya at social media na halos lahat ng tao ay nakatutok. Maari din sa mga taong nakakasalamuha natin. O sa mga kaibigan nating sa palagay natin ay naliligaw ng landas, o baka nman sa loobng ating pamilya at kamag anak ay kailangan ang ating tulong na makilala ni si Hesus ng lubusan.
Tulungan natin ang Mabuting Pastol sa pagahahanap ng mga nawawalang tupa.
PAGNINILAY
Lahat tayo ay naiimpluwensyahan ng iba’t ibang ‘kasamaan’ mula sa pamumuhay sa isang mundo na hindi nagtataguyod ng mga halaga ng Ebanghelyo. Dapat tayo, tulad ng ginawa ni Maria Magdalena, ay maging handa na isuko ang ating lumang buhay na ‘sinapian’ ng demonyo at maghanap ng bago at mas malalim na kaugnayan sa ating Panginoong Hesus. Hindi natin sinasabi na nasa atin talaga ang diyablo at kailangan natin ng pagpaalis ng demonyo. Ang pagbuo na gusto natin ng pagiging malapit kay Hesus ay magpapalalim ng ating kaugnayan sa Kanya. Tulad ni Maria Magdalena, dapat nating hanapin ang ating Panginoon ng may pananabik, gumugol ng tahimik na oras, umupo sa Kanyang paanan, gaya ng ginawa niya; o upang maging nariyan para sa iba habang sila ay nagdurusa, tulad ng ginawa ng Mahal na Ina sa paanan ng krus. At maging handang hangarin ang mas malalim na kaugnayan sa ating Panginoong Hesus, hanggang sa puntong pumunta tayo saanman natin kailangan pumunta upang mahanap Siya.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makilala Ka, aming Tagapagligtas, sa aming mga kalungkutan at sa aming kagalakan.? Amen.
***
REFLECTION:
Lahat tayo ay naiimpluwensyahan ng iba’t ibang ‘kasamaan’ mula sa pamumuhay sa isang mundo na hindi nagtataguyod ng mga halaga ng Ebanghelyo. Dapat tayo, tulad ng ginawa ni Maria Magdalena, ay maging handa na isuko ang ating lumang buhay na ‘sinapian’ ng demonyo at maghanap ng bago at mas malalim na kaugnayan sa ating Panginoong Hesus. Hindi natin sinasabi na nasa atin talaga ang diyablo at kailangan natin ng pagpaalis ng demonyo. Ang pagbuo na gusto natin ng pagiging malapit kay Hesus ay magpapalalim ng ating kaugnayan sa Kanya. Tulad ni Maria Magdalena, dapat nating hanapin ang ating Panginoon ng may pananabik, gumugol ng tahimik na oras, umupo sa Kanyang paanan, gaya ng ginawa niya; o upang maging nariyan para sa iba habang sila ay nagdurusa, tulad ng ginawa ng Mahal na Ina sa paanan ng krus. At maging handang hangarin ang mas malalim na kaugnayan sa ating Panginoong Hesus, hanggang sa puntong pumunta tayo saanman natin kailangan pumunta upang mahanap Siya.
PRAYER: Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makilala Ka, aming Tagapagligtas, sa aming mga kalungkutan at sa aming kagalakan.? Amen.
***
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 20, 11-18
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Sa Banal na Ebanghelyong ito hindi agad nakilala ni Maria Magdalena
na ang kausap niya ay ni Hesus na muling nabuhay.
Sa ating pang araw-araw na buhay, iba’t-ibang klaseng tao ang ating nakakasalamuha, mula sa pinakamataas ang tungkulin
hanggang sa namamalimos sa lansangan.
Maaaring ipakita ni Jesus ang kanyang sarili
sa anumang sitwasyong hindi natin inaasahan.
Kadalasan ay binubuksan ang ating mga mata ng Paninoon
sa pamamagitan ng mga taong ito. Nawa’y agad tayong tumugon.
Binigyan mo ba sila ng pansin?
Sa isang banda, tulad ni Maria Magdalena sa Ebanghelyo,
ang mawalan ng ating mahal sa buhay
ay napaka-lungkot. Hahanap-hanapin natin ito.
Ngunit kung batid natin na makakapiling siya ng Diyos sa kalangitan
tayo man ay matutuwa para sa kanya.
Nawa’y maging masaya tayo para mahal sa buhay na namayapa na dahil sila’y kapiling na ng Diyos.
Handa ka bang ipagkaloob sa Diyos ang mga mahal sa buhay na namayapa na?