Podcast: Download (Duration: 4:58 — 3.6MB)
Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari
Roma 4, 20-25
Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75
Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.
Lucas 12, 13-21
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Monday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of St. John of Capistrano, Priest (White)
UNANG PAGBASA
Roma 4, 20-25
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pangako ng Diyos, kundi lalo siyang tumibay sa pananalig at pinuri niya ang Diyos. Lubos siyang nanalig na matutupad ng Diyos ang kanyang pangako. Kaya’t dahil sa kanyang pananalig, siya’y pinawalang-sala. Ngunit ang salitang “pinawalang-sala,” ay hindi lamang para sa kanya, kundi para rin sa atin. Tayo’y pinawalang-sala dahil sa ating pananalig sa Diyos na muling bumuhay kay Hesus na Panginoon natin. Ipinapatay siya dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo’y mapawalang-sala.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75
Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.
Nagpadala ang Diyos sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una.
Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.
Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway.
At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako rin niya na kahabagan ang ating mga magulang,
at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.
Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham,
na ililigtas tayo sa ating mga kaaway,
upang walang takot na makasamba sa kanya.
At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay.
Poong Diyos ay purihin,
nilingap n’ya ang Israel.
ALELUYA
Mateo 5, 3
Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang mga dukha
na tanging D’yos na lumikha
ang pag-asa at adhika.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 12, 13-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi kay Hesus ng isa sa mga tao, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na ibigay sa akin ang bahagi ko sa aming mana.” Sumagot siya “Ginoo, sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” At sinabi niya sa kanilang lahat: “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan.” At pagkatapos ay isinaysay ni Hesus ang talinhagang ito: “Ang bukirin ng isang mayaman ay umani nang sagana. Kaya’t nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Wala na akong paglagyan ng aking ani! A, gigibain ko ang aking mga kamalig, at magtatayo ako ng lalong mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ari-arian. At sasabihin ko sa aking sarili, Ayan, marami na akong ari-arian! Hindi na ako kukulangin habambuhay! Kaya’t mamamahinga na lang ako, kakain, iinom, at magsasaya!’ Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabing ito’y babawian ka ng buhay. Kanino mapupunta ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Linggo, Oktubre 22, 2023
Martes, Oktubre 24, 2023 »
{ 2 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Mayroon isang tanyag na kasabihan: “Money is the root of all evils.” Kung ating iintindihin ito nang mabuti, may katotohanang dala ang kasabihang iyon dahil mismo ang pera ay ginagamit upang mapuno ang pansariling interes, hindi upang tulungan ang ibang tao, lalung-lalo ang mga mahihirap. Ang Ebanghelyo natin ngayon ay isang babala ng ating Panginoong Hesukristo tungkol sa pagiging sakim hindi lang sa pera, kundi sa mga kayamanan. May isang lalaking lumapit sa kanya at hiniling kung ihahati ng kanyang kapatid ang manang ari-arian na ibinigay ng kanilang ama. Ngunit tugon sa kanya ni Hesus ay hindi naman ito isang hukom na nagdedesiyon kung paano ihahati ang lupa. At binabala ni Hesus ang lahat na mag-ingat at iwasan ang anumang uri ng kasakiman. Dito’y isinalaysay niya ang Parabula ng Mayayamang Hangal. Itong mayamang lalaki ay mayari ng isang ubasan, at nang dumating na ang ani, nakita niya na hindi kasya ang lahat ng mga ubas sa kanyang kamalig. Kaya’t nagdesisyon siya na gibain ito at gumawa ng mga mas malaki pa kaysa sa unang istruktura. Kaya’t nilagay ng mga lingkod ang mga ubas sa mga malalaking kamalig, at sila’y inutusan ng kanyang amo na magsikain at makipagsaya. Ngunit nang gabing iyon, binawi ng Diyos ang kanyang buhay. Ano nga ba ang naging kasalanan ng mayamang lalaki at bakit kaya tinuring siya na hangal? Hindi naman sa niyurakan niya ang pagkatao ng ibang tao o nagnakaw ng kayamanan mula sa ibang tao, kundi mas pinili niyang makipagsaya sa paggastos ng kanyang pera para sa pansariling katubusan, at hindi niya namasdan ang pangangailangan ng mga taong nasa paligid niya. Kaya nga minsan ang mga materyal na bagay ay ginagamit lang hindi para sa mabuting layunin, kundi para lamang sa makasariling kaganapan. Iyan ang nais itukoy ng binanggit na kasabihan sa simula pa lamang ng Pagninilay na ito. Ngunit sa panahon ngayon, masasabi ba natin na pera ba ang pinakaugat ng lahat ng kasamaan? Mga kapatid, klaro po sa mga pagkakataon na si Hesus ay hindi naman tutol sa mga taong may pera o kaya mga taong mayayaman. Hindi naman siya tutol kung gusto nating yumaman upang umahon mula sa kasalukuyang kondisyon natin sa lipunan. Subalit ang para sa kanya lamang na gamitin natin ang ating materyal na bagay hindi para maging madamot at sakim na sarili lang ang iniisip, kundi para makapagsilbi sa pag-uunlad ng mga ekonomiya at ng kabuhayan ng bawat tao. At mahalaga pa kung ang mga makamundong bagay ay hindi nagiging hadlang upang mas palalimin natin ang ating pananampalataya sa Panginoon.
FAITH IS SOMETHING YOU HOPE FOR AND CERTAIN OF WHAT YOU DO NOT SEE.
ang pananalig ni Abraham ang isang konkretong halimbawa ng tunay na pananalig sa Diyos.
tiyak sa puso niya na kahit patayin niya ang kanyang anak na si Isaac ay tiyak na maibabalik ng Diyos ang kanyang buhay .
tayo sa ating kapanahunan, marami ang naniniwala kay Jesus ngunit hindi nanalig sa Kanya.
naniwala sila kay Jesus , sa kanyang mga aral ngunit hindi nila mapaniwalaan na Banal na Katawan ni Jesus ang tinatanggap natin sa Banal na Eukaristiya.
na si Jesus mismo that we are recieving in the Holy Eucharist that purifies our soul into holiness
na si Jesus mismo ang nagtatag sa mga Sacramentong ito na ipinagkatiwala Niya kay San Pedro.
kaya lahat ng tumanggap, naniwala, nanalig sa Banal na Gawain ng Diyos na ipinagkatiwala Niya kay San Pedro ay tunay na tayo ay mga inapo ni Abraham
pinawalang-sala sa muling pagkabuhay ni Jesus.
kaya naman sa pagtanggap natin ng Banal na Katawan ni Jesus sa Banal na Eukaristiya ay konkretong pagpapahayag natin ng ating pananalig, pagsampalataya kay Kristo Jesus.
ngayon sa ating Bansl na Ebangelio, ipinapakita ng ating Panginoong Jesus na higit nating hangarin na makaisa natin sa katawan, ksluluwa at espiritu ang pinagmumulan ng lahat ng bagay, kayamanan, etc sa buhay natin sa munding ito.upang hindi tayo maging dukha sa paningin ng Diyos
.wala sa kayamanan ang tunay na buhay ng isang tao kundi sa ating Diyos na pinagmumulan ng buhay na ganap at kasiyasiya. Amen.