Miyerkules, Hulyo 19, 2023

July 19, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ibinunyag ng Ama ang misteryo ng Kaharian sa mga maliliit. Manalangin tayo sa Diyos na nagpapahayag ng kanyang pag-ibig sa mga maliliit at mabababang loob. Dalhin natin sa ating Amang nasa Langit ang lahat ng ating pangangailangan na may buong pananalig sa kanyang mapagmahal na kalinga.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang nasa langit, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan nawa’y bigyan ng higit na pansin ang mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno nawa’y pakinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng pinakamahirap na mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bata nawa’y makilala ang Diyos sa pamamagitan ng ating pagtuturo at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kalinga at kagalingan mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga namatay nawa’y magkaroon ng kasiyahan sa walang hanggang kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, gawin mo kaming matalino sa iyong karunungan at tulungan mo kaming makasunod sa iyo sa kababaang-loob na ipinakita sa amin ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 10, 2021 at 12:45 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang sikat na kwento ng pagtawag ng Diyos kay Moises sa pamamagitan ng isang punungkahoy na nagliliyab, at hindi pa namamatay ang apoy nito. Dito nagpakilala ang Panginoon ng mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob, na ngayon ay dumating upang ilikas ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Subalit nagtanong si Moises kung paano siya haharap sa mga Hebreo at sasabihin ang balitang ito, at ano nga ba ang pangalan ng taong nagsabi nitong mensahe sa kanya. Tugon naman ng Diyos ay AKO NGA, na ayon sa wikang Hebreo ay binubo ng apat na letra: YHWH. Kaya katulad ng kabanalan ng lugar ng punungkahoy, banal ang pangalan ng Diyos, na magpakilala sa kanyang bayang nalulugmok sa kahirapan ng pag-aalipin ng mga Egipcio upang makilala nila siya at maging tapat sa kanya.

Ang Ebanghelyo ngayon ang panalangin ni Hesus bilang pagpupuri sa Ama nating Diyos. Pinasalamatan niya ang Diyos Ama dahil sa ipinahayag na mga misteryo sa mga mapagpakumbaba at mga may kabutihang-loob na katulad ng mga bata. Unawaain po natin na hindi pinapababa ng Panginoon ang mga marurunong at matatalino, sapagkat alam na nila ang tungkol sa Paghahari ng Diyos dahil sa kanilang pag-aaral at pagsisikap. Ngayon naman ito’y ipinapakilala sa mga taong hindi masyadong dakila at kilala, o sa madaling salita, mga taong may kababaang-loob. Ang mga misteryo rin ay ipinahahayag sa mga taong nais makilala pa ang Diyos. Ito’y sapagkat si Kristo bilang Anak ng Diyos ang unang nakilala sa kanyang Ama dahil siya’y nagmula sa kanya. Kaya ipinakikilala niya ang kanyang sarili bilang hinahayag na mukha ng Diyos.

Sa kabila ng mga iba’t ibang sitwasyon na ating hinaharap, patuloy ang Diyos sa kanyang pagpapamalas ng kabutihan sa atin. Kung tayo lamang ay magpapakumbaba at kikilalanin siya sa pamamagitan ng pagiging saksi ng Mabuting Balita ng kanyang Anak, tayo ay kanyang pagpapalain para makamtan balang araw ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 14, 2021 at 9:26 am

Be grateful. Yan ang magandang kaugalian na nais ipagawa sa atin ng ebanghelyo. Si Hesus mismo na Diyos ay nagpapasalamat sa Ama sa mga ibinigay sa kanya. Tayo pa kayang tao lamang ay makakalimot na magpuri at magpasalqmat sa Diyos. Ang isilang ka pa lang sa mundo at pinahiram ng buhay ay dapat na nating ipagpasalamat, walang kapansanan, may natutulugan, may nakakain, may asawa, may mga anak, may hanapbuhay, may mga kaibigan, walang malalang sakit., Aba! Napakapalad mo kapatid, dapat ay walang hanggang pasasalamat ang gawin natin sa Diyos. Lahat magmula sa maliliit na bagay ay ipagpasalamat mo, ang magising ka tuwing umaga, may tubig na nagagamit, mapayapang araw, ligtas sa mga kalamidad, hindi naghihiwalay ang magulang, hindi nahiwalay sa asawa, nairaraos ang maghapon, lahat, lahat ay ipagpasalamat sa Panginoon, Dahil kadalasan ay naalala lang natin si Hesus kapag tayo ay may problema na, may kahilingan, maysakit ka o mahal mo sa buhay. Dapat na maalala lagi natin sya sa kasiyahan mo sa buhay hindi lamang sa kapag wala ka ng matakbuhan. At alalahanin mo ma kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon magpsalamat ka pa din dahil mas mapalad ka pa din kumpara sa iba, mas madami pang malala ang sitwasyon sayo, lalo na ang mga bulag, lumpo, pipi at bingi, homeless, mga pulubi, people fighting from cancer, nasa bilangguan, madaming pang iba. Kaya kapatid, Magpasalamat sa kanyang biyaya at awa.

Reply

Len Hallare July 18, 2023 at 9:01 pm

Napakaganda ng ating salmong tugunan: Ang ating Mahabaging Diyos ay nagmamagandang- loob. Tunay nga ang Diyos ay mahabagin at may malasakit sa kanya mga anak. ipinadama ng Diyos kay Moises kung gaano kahalaga ang kanyang bayang Israel at sa pagtawag ng Panginoon kay Moise ay tanda ng kanyang malasakit, habag at awa.Sa kabila ng takot na harapin ni Moises ang Faraon binigyan ng Diyos si Moises ng assurance na wag kang matakot hindi kita pababayaan.ito ang malimit na nawawala sa ating mga kristiyano lalo na kapag dumadanas na tayo ng mga pagsubok umiiral na ang takot.hindi tayo pababayaan ng Diyos matuto lng tayo makinig at sumunod sa kanyang mga salita tiyak anuman ating pinagdadaanan lagi natin kasama ang Diyos. Sa ating ebanghelyo lubos ang pasasalamat at pagpupuri ni Hesus sa kanyang Ama ang kalooban ng kanyang Ama ay sa bata nya inihayag.sapagkat ang bata ay puno ng pagpapakumba, nagtitiwala at hindi agad marunong magallit o magtanim ng sama ng loob.si Hesus ang hgit na nakakakilala sa kanyang Ama kaya ganun na lamang ang kanyang pagtitiwala at pagmamahal.Sana tayo bilang mga anak ng Diyos patuloy dn natin makilala at kilalanin ang ating Amang lumikha sa atin.Panginoon bilang mga anak mo po matuto po km magtiwala at wag matakot sapagkat ang iyong mga salita ang magbibigay ng tapang at lakas ng loob na harapin ang hamon ng aming buhay. Amen.

Reply

Jose M. Javier July 19, 2023 at 4:19 am

This verse introduces the important biblical account of the burning bush. In this passage, Moses experiences God’s call to lead the Jews out of slavery. The Lord identifies Himself in this verse, speaking out of a bush which is blazing with fire but not consumed. He calls Himself the “God of your father.” This is most likely a reference to Abraham, father of the Israelites, rather than the first-generation father of Moses. Do not come any closer,” God said. “Take off your sandals, for the place where you are standing is holy ground.” Then he said, “I am the God of your father, the God of Abraham, the God of Isaac and the God of Jacob.” At this, Moses hid his face, because he was afraid to look at God.
Gospel today;
Jesus has just finished condemning three towns in Galilee where He has performed miraculous works and powerful preaching. Despite seeing the power of God on display with their own eyes, the people of these towns failed to repent of their sin and to believe that Jesus was the Messiah (Matthew 11:20–24).
What does Jesus’ prayer tell us about God and about ourselves it also contains a warning that pride can keep us from the love and knowledge of God. In this passage we see Jesus explaining his relationship with God the Father. He is basically saying that only those who are childlike can encounter God. This is because those who are childlike are free from bias. Those who are childlike are ready to depend on others. So often it is ourselves, specifically our pride that prevents us from knowing God. It is only in trusting in God that we are able to know God.

Reply

tammy amar July 20, 2023 at 8:12 am

patuloy lamang tayo maging masunurin sa lahat nang utos nang Diyos dahil dito ibinigay niya kay Moses ang misyon na dalhin Ang mga hudyo pagkatapos iligtas sa kamay nang paraon upang ibigay ang sampung kautusan nang diyos dito makikita na mula sa hinaharap dalhin natin at ihayag ang mga bilin upang makamit natin ang tagumpay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: