Martes, Hulyo 18, 2023

July 18, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Matiisin ang Diyos at mulat sa ating mga paghihirap. Manalangin tayo sa kanya upang tulungan niya tayo sa daan ng pagbabalik-loob at pagbabagumbuhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panibaguhin Mo kami, Panginoon.

Ang Kristiyanong nananalig nawa’y tumugon sa tawag ng pananampalataya at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y bigyan ng Diyos ng katapangan na italaga ang ating sarili para maging malaya kay Kristo ang mga taong napipiit sa kanilang pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong may mga pusong hungkag at nanlalamig nawa’y makatagpo ng kaligayahan sa pag-ibig ng Diyos at ng kanilang kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa isip at katawan nawa’y magkaroon ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y masiyahan sa maliwanag na bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng habag at pag-ibig, pakinggan mo ang daing ng mundong nasusukol sa pagdurusa at pagkakasala. Palayain mo nawa kami sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 10, 2021 at 12:30 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang patuloy na kwento ng pagdurusa ng mga Israelita sa mga malulupit na kamay nina Faraon at ng mga Egipcio. Naglabas ng utos ang Faraon na ang bawat isinilang na Hebreo ay dapat patayin. Kaya nang manganak si Yocheved ng isang Hebreong sanggol na lalaki, inilagay ang bata sa isang bakol. At pinalutang ito sa Ilog Nile. Sinasabi ang bakol ay yari sa papirus, na isa sa mga materyal na ayaw ng mga buwaya. At ang nakatagpo sa bakol na ito ay ang prinsesa ng Egipto, na anak ni Faraon. Nang makita niya ang sanggol sa loob, nagpasiya siya na palakihin ang bata bilang prinsipie ng Egipto, at nag-alok si Miriam na pangalagaan ni Yocheved ang batang isinilang nito. Ang bata ay tinawag na Moises, sapagkat binunot siya mula sa tubig.

Nakita natin ang paglaki ni Moises, at siya ay inatasang magbantay sa mga Hebreong alipin. At imbis na pagmalupitan sila, dahil siya rin ay isang Hebreo, nag-utos siya sa mga Egipcio na huwag silang saktan o pahirapan masyado. Kaya nang makita niya ang isang bantay ng Egipto na pinaglalatigo ang isang Hebreo, pinatigil niya ito, subalit hindi sinadyang patayin ang guwardiya. At nang makita niya ang pag-aaway ng dalawang Hebreo, pinatigil niya ang away at pinagsabihan ang dalawang lalaki. Subalit ang isa ay sumagot kung papatayin ba sila ni Moises, katulad nang pagpatay niya sa guwardiya ng Egipto. Natuntunan ni Faraon ang balitang ito, at tinangkang patayin si Moises. Ngunit si Moises ay nagsilikas at nagpunta sa disyerto ng Madian. Ang unang yugto ng buhay ni Moises ang siyang magpapatungo sa kanyang misyon na itinakda ng Diyos upang iligtas ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Katulad ng pagpulot sa kanya sa ilog, ganun rin ang nakatakdang tungkulin sa kanya ng Panginoon upang gabayan ang tao mula sa pagkaalipin sa Egipto patungo sa Lupang ipinangako sa mga patriarkiya, ang lupang bumubukal ng gatas at pulot.

Ang ating Ebanghelyo ay isang hinanakit ng ating Panginoong tungkol sa mga bayang hindi tinatalikuran ang kanilang mga kasalanan. Sinumbatan niya ang mga bayan ng Corazin at Betsaida sapagkat narinig nila ang mensahe niya, ngunit hindi ito’y pinanindiggan nang mabuti. Sinumbatan din niya ang kanyang itinuring na tahanan, ang Capernaum, sapagkat ito’y pilit na nagmamataas para sa sariling kapakapanan. Tila nga ba nakaktakot ang babala ni Hesus na mabigat na parusa ang haharapin ng mga bayan na ito sa Araw na Paghuhukom. Makikita natin dito yung awa at habag ng Panginoon na pagbigyan ng pagkakataon ang mga bayan ng Corazin, Betsaida, at Capernaum na sundin ang mga utos ng Panginoon. Sabi nga dun sa ating Aleluya Verse: “Dinggin ninyong lahat ngayon ang tinig ng Panginoon sa loob na mahinahon” (Salmo 94:8). Mahalaga rin dito na ang konsepto ng isang lipunan ay dapat nakikinabang sa tinatawag na “common good” ng lahat ng mga mamamayan. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa at sa ibang tao ay ganyan din ang ginagawa natin kay Kristo.

Kung ang ating bayan ay paninindigan ang katotohanan at kabutihan, tunay na pagpapalain tayo ng Panginoon habambuhay. Habang tayo’y namumuhay dito sa lupa, kailangan natin dinggin ang kanyang mga mensahe at isabuhay ang mga ito nang sa gayon ang ibang tao rin ay gagawa ng mabubuting bagay para sa ikararangal ng ating Poong Maykapal.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 13, 2021 at 9:23 am

Tingnan mo ang iyong paligid, lubhang mapalad ka kumpara sa iba, napakaraming biyaya ang ininigay sayo ng Diyos kumpara sa iba. Kung ay may bahay natutuluyan, nakakain ng masarap at higit sa isang beses isang araw. May asawa at mga anak, may hanapbuhay. Ikaw ay mapalad at ipongakaloob sayo ito ni Hesus. Ano nman ang iginanti mo? Kung ikaw ay hindi magsisi sa iyong kasalanan at hindi tumalikod sa pagawa ng masama, kawawa ka sabi ni Hesus. Lahat ay pwede nyang bawiin sa isang iglap lamang kapag ninais nya. Sinabi rin sa ebanghelyo na wag kang maghangad na maging mataas dahil malalim ang iyong kababagsakan. Humility. Magpakababa tayo, isapuso ang salita ni Hesus na ang nagmamakataas ay ibinaba at ang nagmamakababa ay itinataas.
Magsisi sa kasalanan
Talikuran ang kasamaan
At Magpakababa
Yan ang mensahe ng Mabuting Balita.

Reply

Len Hallare July 17, 2023 at 11:01 pm

ang pagpapala ni moises ay nakamit na nya ng sya ay sanggol p. gusto ng ina nya na iligtas sya at gumawa ng paraan upang hindi sya mapatay. sa kagandahang loob ng reyna na anak ng faraon nakita nya ang basket sa ilog at itoy kanyang kinuha at itinuring na anak at ang tunay nyang ina ang siyang naging tagapag- alaga nya..tunay na nalalantay sa dugo ni moises ang awa at malasakit nya sa kanyang mga kababayan na hebreo halos sya ay pumatay ng isang egipcio hanggang sya ay tumakas at nagtungo sa madian. sa ating ebanghelyo halos lahat na ng paraan ay ginawa na ni Hesus para magbago ang mga taga corazin at besaida ngunit hindi sila nagbago at nakinig sa kanya.tulad natin ayaw natin makinig at sumunod sa salita ng diyos nandun yung katigasan ng ating ulo mas gusto pa natin ang mapasama kesa makapiling nating ang diyos.sa araw ng paghuhukom nawa mabilang sana tayo sa kanyang kaharian. patuloy natin pakinggan ang kalooban ng diyos sa ating pang araw araw na buhay

Reply

Jose M. Javier July 18, 2023 at 5:08 am

describes the birth and early life of Moses. His mother defies the order to kill Hebrew boys and hides her son. Once he becomes too old to conceal, she places him in a basket on the Nile. Apparently, this was a deliberate attempt to have Moses adopted, as Moses’ older sister is stationed nearby, watching.
Matthew tells us that after saying these things that Jesus then began to denounce the cities in which most of His miracles were done. The reason He denounced them was because they did not accept His central teaching which was to repent [change their ways] for the Messiah has come and the kingdom of heaven is at hand.

Reply

Mel Mendoza July 18, 2023 at 11:40 am

Ang malaking katanungan sa ebenghelyo na dapat sagutin ay papano ba nating mga tao pinahahalagahan ang pagmamahal, biyaya at pagpapala ng Diyos na sa kabila ng kanyang kagandahang loob kalimitan sinusuklian ito ng paglabag sa mga natutunan ng mga pangaral. Dito sa pagbasa pinaririnig at pinapakita ng Diyos ang kanyang disappointment at panunumbat, at ipinahihiwatig na ang mas malaking aral na natanggap na bumalik sa luma’t makasalang buhay ay mas malaki ang kapurasahan kumpara doon sa maliit na nataniman ng Salita ng Diyos. Pero magka-ganun pa man patuloy na hinihimok tayo ng pagbasa na ang lahat sa mata ng Panginoon ay mahuhusgahan depende sa bigat ng pagkakasala na kung saan ang bawat isa ay binibigyan ng pagkakataon magpanibagong buhay at pahalagahan ang uri ng buhay na ninanais ng Diyos sa sangtinakpan.

Reply

tammy amar July 20, 2023 at 8:33 am

siguro kung tayo pinarusahan nang ating Mahal na Panginoon noong ipako siya sa krus malamang tayo ay pinabayaan pero kabaligtaran ito bagkus kapayapaan ang kanyang ibabalik sa atin tunay na minamahal niya tayong lahat Minsan masasabi natin na nagkaroon nang bagyo, lindol, baha doon sa ibat ibang lugar ito yung pagsubok na sana ating harapin dahil sa kabila nang lahat nang pagparusa sa Sodom at Gomorrah Meron pa rin naliligtas sa kapamahakan ito rin ang sinapit ni Moses noong inilatag sa basket at palutang lutang sa ilog naiiligtas pa rin kahit lumakad sa disyerto na tanging walang makain at tubig lamang ang dala hindi pa rin tayo pinabayaan nang ating Mahal na Panginoon Hesus dahil sa kabila nang ating mga ginawa Meron pa rin kaginhawahan na ibabalik upang iligtas tayo sa kapamahakan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: