Miyerkules, Hulyo 12, 2023

July 12, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Bilang bayang tinawag ng Diyos sa iba’t ibang pamamaraan upang ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian, itaas natin sa Ama ang ating mga pangangailangan, siya na patuloy na nagmamalasakit sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na tumatawag sa amin, panatilihin Mo kami.

Yaong mga tinawag sa Simbahan upang mamuno sa sambayanan ng Diyos nawa’y maging matapang sa pagpapahayag ng Ebanghelyo ni Jesu-Kristo saanmang bahagi ng daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahangad na makita ang Diyos nawa’y makatagpo ng kaliwanagan ng diwa at makatugon nang buong puso sa paanyaya ng Diyos na makapiling siya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y makilala ang tinig ni Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at kalakasan mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y mamahinga sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, sa iyong pagtawag sa amin sa pang-araw-araw naming buhay, hayaan mong bigyan kami ng iyong Espiritu ng lakas upang bigkasin ang mga katagang: “Panginoon, narito ako, nakahandang sundin ang kalooban mo.” Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 6, 2021 at 8:51 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang bunga ng pagkaselos at pagpapahamak ng mga 10 kapatid kay Jose, matapos itong bigyan ni Israel (Jacob) ng balabal na may maraming kulay. Dahil ayaw ni Ruben na itapon si Jose sa balon, inisip ni Juda na ibenta nalang nila ang minamahal na kapatid ng kanilang ama sa mga Ismaelita. Kaya si Jose ay naging alipin sa kanyang among si Potipar, at dito nakita ang kakayahan niyang maglarawan ng mga panaginip. Dahil sa interpretasyon niya sa masamang panaginip ng Faraon tungkol sa pitong araw ng taggutom, agad inutuos ng Faraon ang pag-aani ng mga palay sa Egipto upang iisa ay magkaroon ng makakain.

Subalit ang bayan ng Canaan ay nagdusa sa matinding taggutom, kaya narinig natin sa pagbasa ngayon na nagsipunta ang sampung magkakapatid na anak ni Israel upang makapaghingi ng pagkain para sa kanilang pamilya. ‘Di lingid sa kanila na ang kanilang pinahamak noon na kapatid na si Jose ay gobernador ng Egipto. Kaya’t nang makita sila ni Jose, agad sinuspetya niya sila bilang mga espiya. At si Simeon ay pinakulong, ngunit makakalaya lang kung dadalhin nila sa Egipto ang bunsong anak ni Jacob at kadugong kapatid ni Jose na si Benjamin (kahit labag sa kalooban ng kanilang ama). At parang natuntunan ng mga magkakapatid ang kanilang pagkakasalang ginawa kay Jose, na parang ito ang bunga na sila ngayon ay magdurusa. Subalit itong pagsubok na ito ay bahagi ng plano ng Diyos upang sa susunod na mga kabanata ay magpapakilala si Jose sa kanila, ang mga kapatid ay hihingi ng tawad, makikipagkasundo siya sa kanila, at makikita muli ni Jose si Israel at si Benjamin. Ang Labindalawang Tribo ng Israel ay nagsisimbolo sa mga lahi ng pagpapala ng Diyos para maitaguyod pa ang kanyang bayang hinirang.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtawag ng ating Panginoong Hesukristo sa 12 alagad. At ipinangalan niya sila bilang mga “Apostol”. Maraming tagasunod ang Panginoon, subalit tumawag siya ng 12 alagad upang maging mga Apostol. Sila ang magiging mga malapit at direktang saksi niya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Kung titignan po natin ang pinagmulang hanapbuhay ng mga Apostol, hindi sila mga hari, prinsipe, mayayaman, o pulitiko, kundi mga ordinaryong tao. Sila ay mga ordinaryong mamamayang naghahanap-buhay katulad ng pangingisda, pag-aanluwagi, pag-aaral ng batas ng Hudaismo, pag-aalsa laban sa imperyong Romano, atbp. Bagamat simple lang ang kanilang pinagmulan, pinili pa rin sila ni Hesus. Alam ng Panginoon sila ang magtatawag ng mga manghahasik para sa anihan ng Kaharian ng Diyos. At sa simbolismo ng Bibliya, ang 12 Apostol ni Kristo ay tumutupad sa 12 Tribo ng Israel sa Lumang Tipan. Ang mga Apostol ay nagsisilbing 12 tribo ng panibagong Israel: ang Simbahan. Kaya ang Simbahan ay itinatag ni Kristo sa pundasyon ng pangnagaral at Tradisyong ipinamana ng mga Apostol.

Kaya katulad nila, tayo rin ay tinatawag na maging mga saksi ng pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 7, 2021 at 9:22 am

Ang hamon sa atin ngayon ng ebanghelyo ay maghanap ng nawawalang tupa. Paano natin ito gagawin?
Siguradong may kaibigan o kapatid ka na naliligaw ng landas, naghihirap, nawawalan ng tiwala sa Diyos at walang takot na gumagawa ng masama. Pumili ka ng isa sa mga ito, umpisahan mong kamustahin araw araw, dahan dahang ipakilala si Hesus, magpatotoo ka ng mga naging karanasan mo sa pagkakaroon ng relasyon sa Diyos. Wag mo syang bibitawan o susukuan, maging makulit ka, Dapat na maintindihan nya base sa kwento mo na kinalulugdan ni Hesus ang dating makasalanan na nagsisisi at nagsisikap na makasunod sa kalooban nya. Ipaintindi mo sa kanya na may naghihintay na gantimpala sa taong nagbabalik loob. Tulungan mo syang makaahon sa putik ng kasalanan, dalhin mo sya sa ilaw. Akayin mo sya kay Hesus, isama mo sa pagdinig ng mga misa. Ipadama mo sa kanya na mas masarap tumulong sa kapwa at magmahal. Lahat tayo ay apostol na inaatasan ni Hesus na maghanap ng nawawalang tupa.

Reply

Ervi July 11, 2023 at 7:28 pm

Mahirap sumunod sa ating Panginoong Hesukristo. Tinipon niya ang labing dalawa at may sumalungat pang isa na binigyan ng kapangyarihan na magpalayas ng masamang espiritu. si Judas Iscariote. Minsan sa aking mga pagkakamali nagiging hudas ako sa Panginoon. Mahirap sundan ang kanyang yapak. Gusto ko man makatulong di ko magawa dahl sa kahinaan ng aking loob. Ang mga gusto kong ipagawa ay pawang nasa isip lang. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lubos at may halong takot na hindi mangyayari ang mga ganung bagay. Dahil sa aking kaninaang loob hanggang isip lang. Walang katotohanan at di ito magbubunga. Kaya ang lagi kong tanong kailan ako dapat magumpisa.
Kailangan ko ng malaking lupa. Kumpletong tirahan ng mga matatanda na inabandona, pagkain at sahod sa mga mangagaqawa. Simbahan na magbibigay sa kanila ng proteksiyon hanggang sa kanilang huling hininga.
Ipanalangin ninyo ako na matupad ang lahat ng ito. Bago ako pumanaw makita ko ang sambayanan na para sa tao hindi para kung kanino. Maghari nawa sa mga tao ang kabutihan mo Panginoon.

Reply

Jose M. Javier July 12, 2023 at 4:49 am

Joseph is immediately brought from prison to hear Pharaoh’s dreams. Joseph tells Pharaoh that these two dreams have the same message: God will soon bring seven plentiful years, followed by seven years of famine. More time passes, and Pharaoh’s cupbearer finally remembers what Joseph did for him.

In Genesis 41 we find Pharaoh of Egypt has two dreams he’s unable to interpret, and Joseph is brought in to explain the meaning: seven years of abundance followed by seven years of famine.

The key point of the Genesis story is that God is the creator of all things.

For the gospel today;
Jesus is telling the disciples to continue to proclaim that the kingdom of God has come and to continue to do the work that He has done, including healing, cleansing, raising the dead, and casting out demons. This message that the kingdom has come near is evidenced by the fact that the King is in their midst!

Reply

tammy amar July 13, 2023 at 7:41 am

napakabuti nang ating Panginoon Hesus dahil umaapaw ang kanyang pag ibig sa ating lahat nagpalayas nang demonyo, nagpagaling nang maysakit at higit sa lahat pinatnubay niya sa mga Apostoles ang kanyang mga gawa tunay nga ang aral niya ay maging silbi sa atin at dalhin sa kasalukuyan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: