Miyerkules, Hulyo 5, 2023

July 5, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerukles

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nagsasalita si Kristo nang may walang hanggang kapangyarihan at kumikilos nang may kapangyarihang nagpapagaling. Sa pamamagitan niya, manalangin tayo nang may pananalig.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Ama, iunat mo sa amin ang iyong kamay.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga pastol, nawa’y maging tunay na lingkod ng pagpapagaling at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y hindi madaig ng tukso ng kapangyarihan at kayamanan bagkus makita nila ang kasamaan ng korapsyon sa pamumuno, manalangin tayo sa Panginooon.

Ang maruming espiritu na nagkalat sa ating lipunan nawa’y mabuwag ng kalinisan at paggalang sa dangal ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa pamamagitan ng mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan sa bukang-liwayway ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, dinadala namin sa iyo ang aming mga pangangailangan at may pananalig na nagdarasal kami sa iyong tulong upang makalaya kami sa impluwensya ng kasamaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 29, 2021 at 2:07 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay matapat sa kanyang mga pangako para sa pagbubuo at pagkakaisa ng kanyang bayan. At kahit ang mga grupo na unang kinasamahan ng kanyang bayan, sila rin ay pagpapalain kung ang mga ito man ay humayo. Ang Unang Pagbasa ay ang pagkakalugod ng Diyos kay Ismael, na hindi niya ito pinabayaan pati ang inang ito na si Agar. Kahit siya ang unang ipinanganak ni Abraham subalit sa ibang babae dahil sa hiling ni Sara, ang tunay na pagpapala ng bayan ng Diyos ay ipagpapatuloy ni Isaac. Samantala ipinangako rin ng Diyos na magiging isang dakilang bansa rin ang mga lahi ni Ismael, kaya’t sinamahan din siya ng Diyos upang maging isang kilalang tao sa maraming bansa. Kaya makikita rito ang pagtutupad ng Panginoon ng kanyang pangako kapwa kay Ismael at kay Isaac. Wala siyang tinatangi na tao, kung ang tao ay magiging matapat na sundin ang kanyang kalooban.

Sa buong Bagong Tipan, ipinapakilala sa atin si Hesus bilang Mesiyas at Anak ng Diyos. Sa kanya ipinabigay ng awtoridad upang ipakilala sa atin ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang pangangaral ng Mabuting Balita at paggawa ng mga kababalaghan. At nakita natin sa Ebanghelyo kung paanong pinalayas ni Hesus ang mga demonyo mula sa inaalihan nilang mga 2 lalaki. Makikita natin dito kung paanong nakilala ng mga demonyo si Hesus sapagkat totoo naman tinatatakutan ng bawat demonyo ang Panginoon. Alam din ni Hesus na maraming demonyo ang sumasapi sa 2 lalaki, at humiling sila na ipahintulot nilang sumapi sila sa mga baboy. Kaya nang pumasok ang maraming demonyo sa mga baboy, agad tumakbo ang buong kawan hanggang sa bangin, na kung saan sila’y nahulog sa lawa at nalunod. Kaya maraming tao ang namangha sa ginawa ni Hesus sa pagpapalayas niya ng mga demonyo. Dito makikita natin ang kapangyarihan ng Diyos laban sa kasamaan. Hindi niya hahayaang manaig ang mga masasamang bagay. Kaya ang Panginoon ay nagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, kagandahang-loob, at kabutihan. Ang kababalaghan ng pagpapalayas ng demonyo ay tumutungo sa pinadakilang gawain ni Kristo, nang ialay niya ang kanyang buhay sa Krus at nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan bilang tagumpay ng plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. Kaya sa ating buhay-pananampalataya, hayaan natin ang Diyos na ipamalas niya sa atin ang kanyang sarili upang mas kilalanin natin siya at dalhin siya sa ating pamayanan at pagtatagpo ng ibang tao.

Reply

Sherwin D. Yanoria June 30, 2021 at 8:17 am

Walang magulang na hindi makakatiis sa kanyang anak. Kahit ano pang sama ng kanyang anak, anak pa rin niya ito. Ganun din sa magulang, kahit anong sama ng magulang, magulang pa rin niya ito. Ngunit kailanman, ay hindi tayo pinabayaan ng Diyos kahit na anong sama natin sa kanya. Binibigyan pa rin niya tayo ng pagkakataon upang magbago. Ang pag-ibig niya ay pantay-pantay para sa lahat. Ngunit kaya mas nadidinig ang iba dahil sa sila ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ikaw ba dininig na ba ang iyong panalangin?

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 30, 2021 at 9:26 am

Sa unang pagbasa pinababatid sa atin na hindi tayo pababayaan mg Diyos. Lalo na kung tayo ay tunay na nananalig at sumusunod sa kalooban mg Diyos. Kung ikaw ay nawawalan na ng pag-asa, wag kang gagawa ng lalo mong ikalulugmok o gagawa ng mga paraan na hindi naaayon sa kalooban mg Diyos, Kumalma ka lang at gumawa ng mabuti, Diyos na ang gagawa ng solusyon sa mga suliranin mo, magugulat ka na lang at darating ang mga dalangin mo ng hindi mo inaasahan.
Sa ating enanghelyo ay makikitang takot na takot ang mga demonyo kay Hesus dahil alam nilang makapangyarihan si Hesus ata walang hindi ipangyayari kahit gano pa kaimposible. Tayo mga kapatid, sa atin bang mga iniisip, sinasabi at ginagawa ay masasabi mong may takot ka sa Diyos? Napakatapang mo at kinakalaban mo ang Diyos kung ikaw ay nakikiapid, nagnanasa sa hindi mo pag aari, sinungaling, tsismosa, inggitero, hindi marunong magpatawad at naninirang puri. Sino ka para gawin ang mga ito ng walang takot sa Diyos?

Reply

Jose M. Javier July 5, 2023 at 5:20 am

What can demons do to us if we have Jesus in our lives? Nothing absolutely nothing! We are untouchable by any demonic power if we have Jesus in our lives. But do we still have Jesus in our lives today?

This is the big question now; do we still have Jesus in our lives today? Or it might be that we are very preoccupied with worldliness that we hardly have time for Jesus anymore. And when we hardly have time for Jesus that is when the devil comes to slowly possess us.

As evidenced by our gospel today, the demons were no match to Jesus they capitulate in surrender to Jesus. This is the power of Jesus; it can subject anyone including the devil to HIS will. But it’s sad that many of us today don’t realize this anymore for the simple reason that we have no more time for Jesus yet we create time for this world.

Where are we leading if we go with this world? It will lead us closer to the devil hiding beneath the many pleasures of this world. We must realize this urgency before it’s too late. Let us disengage ourselves from our worldliness and let us engage Jesus for we will never go wrong with HIM.

The closer we go to Jesus the farther we go away from the devil. The closer we go to Jesus the more that we have peace and serenity in our lives. Do you believe this?

Reply

ervi July 5, 2023 at 7:58 am

Ang lagi kong tinatanong sa mga tao, Binabagabag ka ba ng dimonyo? Ginugulo ka ba sa iyong pag-aaral? Sa relesyon mo sa iyong pamilya? Sa mga gimik ng barkada? Tinatamad ka na ba mag attend ng misa o mga gawain sa simbahan? Kung ang sumagot ay OO mahal siya ng Diyos at kung HINDI naman kakampi siya ng dimonyo. Pagnilayan natin araw araw ang kanyang salita, lalo na ang ating mga gawa. Magbalik sa diyos sa mga naguguluhan, manatili sa kanyang kandungan ng hindi tayo mapahamak kailanman.

Reply

tammy amar July 5, 2023 at 9:52 am

tunay nga na makapangyarihan ang ating Mahal na Panginoon Hesus dahil noon lumakad siya sa disyerto at tinukso ni satanas naging masunurin pa rin at walang kalaban laban Ang demonyo sa kanya dahil kahit anung pagawa niya sa ating Mahal na Panginoon Hesus ay nagtagumpay pa rin tayo sa huli kaya Anu man balakid sa buhay tinukso man tayo labanan natin at huwag patitinag dahil alam natin hindi tayo pababayaan nang ating Mahal na Panginoon bibigyan nya tayo nang pag asa at Hindi nya tayo pababayaan katulad na nangyari sa mag inang Ismael noong humiwalay sila sa piling nang kanyang Amang c Abraham.

Reply

tammy amar July 6, 2023 at 7:37 am

maraming nang pagsubok sa ating buhay kahit nga ang ating Mahal na Panginoon Hesus ay tinukso rin ni satanas noong lumakad siya sa disyerto pero di patitinag ang ating Mahal na Panginoon bagkus nanaig pa rin tagumpay dahil alam niya na ang tukso walang kalaban laban hindi tayo pababayaan nang ating Mahal na Panginoon kahit sa dalamhati nang mag inang Ismael noong humiwalay sila sa piling nang kanyang Amang Abraham patuloy pa rin ang pagbabantay niya dahil nais niya lamang matagumpayan natin ang ating pagsubok sa buhay kaya sikapin natin panatilihin ito habang nandito tayo sa mundong ito.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: