Miyerkules, Hunyo 21, 2023

June 21, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Manalangin tayo sa Diyos ng katotohanan at pag-ibig para sa mga biyaya ng katotohanan at katapatan sa Simbahan at sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin mo kaming malinis sa iyong paningin, O Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y isaloob ang gawain at misyon ng pagpapanibago upang malinaw na maunawaan ng lahat si Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari at mga relihiyoso nawa’y maging mga masigasig na tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsaksi sa kanilang sariling buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lingkod pangmamamayan at komunidad nawa’y maging tapat at hindi makasarili sa kanilang gawain ng paghahatid ng katarungan, karangalan, at pagkakaisa sa mga taong kanilang pinaglilingkuran, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang di-karaniwang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga kapamilyang nag-aalala sa kanilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa walang hanggang kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, tulungan mo kaming ibigin at paglingkuran ka sa diwa ng katotohanan sa pamamagitan ni Jesus na aming Daan patungo sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 11, 2021 at 10:59 am

PAGNINILAY: Kung papansinin natin ang ating Ebanghelyo ngayon, ito yung Ebanghelyong binabasa tuwing Miyerkules ng Abo, ang siyang hudyat ng Panahon ng Kuwaresma. Ngayon ay naririnig natin na kahit hindi Kuwaresma o mga Mahal na Araw, ang mga aral nito ay maisabuhay natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Tatlong gawain ang mahalaga sa mga Hudyo, na kadalasa’y ginagawa rin natin kahit Kuwaresma o hindi: ang paglimos, panalangin, at pag-ayuno. Sa kabuuan ng Ebanghelyo, nagbigay ng babala si Hesus na ang paggawa natin ng mga ito ay hindi dapat magsilbing paraan upang ipagmalaki natin ang ating mga sarili. Ito yung problema na nakita ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba na inaakala na sila na ang banal at mas matuwid kaysa sa kapwa nilang Hudyo, subalit sa loob ay mayroong pagbaba sa dignidad at katauhan ng iba.

Kaya ang paalala ng Panginoon ay kapag gumagawa tayo ng kabutihan, lalung-lalo na kapag tayo’y nagbibigay, nagdadasal, at nag-aayuno, gawin natin ito nang may buong kababaan ng puso. Ang hangarin natin sa paggawa ng mabuti ay dapat ikaluwalhati ng iba ang Diyos, at hindi ang ating mga sarili. Tayo ay tinatawag na maging ehemplo ng kagandahang-loob at ang maging katulad ng kanyang kaanyuan at katauhan sa pagpapahalaga ng tunay na kabanalan.

Reply

Sherwin D. Yanoria June 16, 2021 at 7:36 am

Mapagpakumbaba ka ba? Kadalasan ang mga tao ay naghahangad na sila ay mapuri, mapalakpakan at maparangalan. Sila ay kumikilos ayun dito lalo na kung may nakakakita, at may parangal. Ngunit hindi lahat, likas sa iba ang pagiging matulungin, may nakakakita man o wala. Kaya huwag na tayong magantay na may makakita pa sa paggawa natin ng mabuti. Ang Diyos ay naririto at hindi niya kalilimutan ang ginawa mong kabutihan. Magpakumbaba ng sa gayon ay ang Diyos ang magtataas sa iyo sa mga ginawa mong kabutihan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 16, 2021 at 9:07 am

Simple lamang ang nais ipahiwatig ng Ebanghelyo ngayon, yun ay ang wag maging PAKITANG TAO. Madami ngayon na gumagawa ng mabuti at pinapakita sa social media. Mabuti nman ang kanilang ginawa pero ang hangarin nila ay hindi kalugod lugod sa Diyos. Sumikat sila at madaming humanga na tao at yun amg sinasabi ni Hesus na nakamit mo na ang gantimpala dito sa lupa. Pero kung ito ay nilihim mo lamang, ang Diyos sa langit ang magbibigay ng gantimpala sayo na hindi kayang ibigay mg tao.

Reply

tammy amar June 21, 2023 at 7:58 am

karamihan sa mga tao ngayon para sumikat dito o doon mag ba vlog sa video at ipakalat sa social media para purihin sa mga ginawa pero taliwas ito imbis na magpakita nang kabutihan iba pala Ang motibo ganun rin mga pareseyo, saduceyo noon mapagkunwari dahil sa kanilang mga kasuotan marami silang tagasunod kaya Noong nalaman nila na pumasok Ang ating Panginoon Hesus sa templo may balak na sila na masama pero nanaig pa rin Ang katotohanan dahil alam nang Panginoon Diyos na hindi sila karapt dapat maglingkod tularan po natin Ang ating Panginoon Hesus noong nagdarasal sa Diyos Amang nasa langit sa hardin Ng Eden nag iisa at walang nakakita ganun rin dapat gawin nang mga tao huwag pakitang parang malungkot pero Ang laman nang puso ay wala sa kaningningan Ng Mukha iyak dito iyak doon parang drama lang Ang lahat dapat kung maglingkod sa ating Mahal na Panginoon maging matulungin, mapagkumbaba, at mapagmahal po tayo sa isat isa upang makamit natin ang buhay na walang hanggan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: