Sabado, Enero 14, 2023

January 14, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Dumating si Kristo upang tawagin ang mga makasalanan at sila ay maligtas. Mulat sa tawag na ito, may kababaang loob, ilapit natin ang ating mga panalangin sa Ama:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manggagamot, hipuin Mo kami.

Ang ating Simbahan nawa’y makita bilang mapagpagaling na tahanan ng mga mahihina at mga makasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa pampublikong tungkulin nawa’y isakatuparan nang malinis at tapat ang kanilang mga gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtalaga ng kanilang sarili sa Diyos nawa’y ibuhos ang kanilang buhay sa Diyos at sa Simbahan, tulad ni Maria, sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay sa pagdaralita, kalinisan at pagtalima, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nabubuhay sa pagkakasala nawa’y tingnan nating lahat nang may habag at pang-unawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makaranas ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, gabayan mo ang mga pag-iisip ng mga tinawag mo upang gumawa ng mga mahahalagang pagpapasya sa kanilang buhay. Bigyan mo sila ng mapag-unawang puso, tamang pagpapasya, at maalab na pagnanais na gawin ang anumang kalugud-lugod sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 13, 2019 at 8:49 pm

Ayon sa Mabuting Balita ng Panginoon, nasilip niya ng ilan sa mga manunulat sa mga taga-Fariseo at tinanong nila ang kanilang mga alagad na bakit siya pinagsasaluhan ang mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan. Napakinggan ni Hesus at sumagot siya na ang mga maysakit ay hindi nangangailangan ng isang manggagamot kundi ang may sakit. Dagdag pa ni Hesus na dumating siya upang tawagin ang mga makasalanan at hindi ang mga taong banal.

Reply

Reynald Perez January 18, 2019 at 11:10 pm

Reflection: In the Jewish times, tax collectors were considered to be sinners. They were sinners because they love to cheat and steal from their fellow men, and they were traitors because they worked for the Roman Empire, appointed by King Herod Antipas of Galilee. Thus, tax collectors were considered outcasts and never forgiven by God. In the Gospel (Mark 2:13-17), we see how our Lord Jesus Christ approached a tax collector in Capernaum named Levi, and called him to follow him. Then Levi threw a banquet and invited Jesus, the Apostles, different tax collectors and sinners, and the Pharisees and scribes. The Pharisees and scribes noticed that Jesus is eating with tax collectors and sinners, so they approached the Apostles and asked them of this act. The Jewish leaders knew that Jesus was breaking many protocols in religion and society, which is why there are many conflicts between them and him. That is why our Lord Jesus Christ is the universal spiritual doctor, who heals and forgives us our sins. From being a tax collector, Levi became part of the Twelve, at which he is known to be as Saint Matthew (Cf. Matthew 9:9-13). That is why in the First Reading (Hebrews 4:12-16), the author reminds us of God’s word as a living and effective entity that helps us discern the thoughts and reflections of our hearts. Therefore it challenges and reminds us to appear pure and holy before the Lord, and just like him, our merciful and faithful high priest, so we are also called to be loving and merciful to others, especially to those who have gone astray for a long time. As we journey down this road, let us prepare our hearts to receive the loving mercy of the Lord by being truly sorry for all the sins we have committed. Unlike the Pharisees and scribes, let us not close our hearts and minds to him because truly his mercy endures forever.

Reply

Melba G. De Asis January 19, 2019 at 6:14 am

Panginoon Diyos nawa’y patuloy kong hangarin na sundin ang mg ipinag-uutos mo at makagawa ako ng mga bagay na ikalulugod mo. Maraming panahon sa aking buhay ang ginugol ko sa mga bagay na ikalulugod ng tao ngunit lumalabag sa iyong mga kautusan. Nawa Panginoon ay ipagkaloob mo sa akin ang kapatawaran sa mga nagawa kong kasalanan na lubos ko ng tinalikuran. Ikaw na po Panginoon ang bahala sa amin. Sa kabila ng kawalan ko ngayon ng hanapbuhay ay patuloy pa rin ang pagbibigay mo sa amin ng aming mga pangangailangan. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay itinataas ko Saiyo Panginoon Ikaw na maghahari sa aming buhay magpakailanman. Amen.

Reply

Atty. Edward Robinson Serrano January 19, 2019 at 11:48 am

Sa Ebanghelyo ay ipinakita ng Panginoong Hesukristo ang kaniyang pagmamahal sa lahat ng tao, lalong lalo na sa mga makasalanan. Ang mga maniningil ng buwis ng mga panahong iyon ay itinuturing na makasalanan sapagkat sila ay naniningil ng labis sa itinatakda ng batas. Hindi tinignan ng Panginoon ang kasalanan ni Mateo (Levi) subalit tumingin siya at naniwala sa kakayahan nito na magbago at ito nga nangyari. Si Mateo ay isa sa mga naging alagad ni Kristo at nangako na isasauli sa kanyang mga kababayan na nadaya niya ang kaniyang labis na nasingil. Samakatuwid, tinalikuran ni Mateo ang kaniyang masamang gawa at sumunod sa Panginoon. Tulad ni Mateo tayo ay patuloy na inaanyayahan at binibigyan ng pagkakataon upang sumunod at maglingkod sa Diyos. Nawa, hindi masayang ang pagkakataon na patuloy na ibinibigay sa atin upang sumunod sa kalooban ng Diyos.

Reply

Reynald Perez January 15, 2021 at 8:42 pm

Narinig natin sa Ebanghelyo ang pagkatawag ni San Mateo sa kasamahan ni Kristo. Sa kapanahunan ni Hesus, ang mga publikano/nangongolekta ng buwis ay itinuturing ng lipunan mga mandaraya at traydor: mandaraya sapagkat mahilig silang kumuha ng pera mula sa kanilang kapwang Hudyo, at traydor naman sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano.

Ngunit nakita natin kung paanong naging malapit si Hesus sa mga makasalanang taong ito, at sa puntong pagtawag kay Mateo (o Levi) sa pagiging tagasunod niya. Kaya nagpahanda ang publikanong ito na parang despedida dahil siya’y lilisan na mula sa kanyang dating pinagsamahan ng mga kaibigan niya. At nakita natin ang eksenang nakisalo ang Panginoon sa bahay ng isang itinuturing na makasalanan. Kaya ang mga Pariseo ay nagtanim ng sama ng loob at kwinestyon ang mga Apostol sa ginagawa ng Panginoon. Subalit tugon ni Kristo ay ang larawan ng isang doktor na nag-aalaga sa mga maysakit, na ganun din ang kanyang misyon upang tawagin ang mga makasalanang tao tungo sa tunay na pagbabagong-loob.

Makikita natin ang habag at pagmamahal ng Diyos kahit anumang estado ng tao sa lipunan at ayon sa kanyang paningin. Kung ipapaabot natin ang ating kamay sa kanila, lalung-lalo na sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan, napaparamdan natin sa kanila ang kagandahang-loob ng Panginoon at ang kanyang dakilang pagmamahal para sa lahat.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: