Huwebes, Nobyembre 10, 2022

November 10, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo nang may ganap na pananalig sa Panginoon ng buhay na naghihintay sa atin sa dulong hangganan ng daan ng buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sumaamin nawa ang iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y palagiang ihanda ang mga tao sa pagtanggap kay Kristo sa kanyang pagbabalik, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagpapasyang kumilos para sa katarungan at kapayapaan, ang mga Kristiyano nawa’y pagbuklurin ang lahat ng tao nang sama-sama sa pananampalataya at pag-asa, at ihanda sila sa muling pagdating ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga trahedya, gawa man ng tao o ng kalikasan, nawa’y hindi magpaligalig o magpahina ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tanggapin si Jesus sa kanilang mga puso at makita siyang kasa-kasama nila sa kanilang dinaranas na mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga yumao nawa’y mapalaya mula sa mga suliranin ng mundong ito at lumigaya sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, laging kang malapit sa amin. Alam mo ang aming mga pangangailangan, higit pa sa aming pagkabatid. Tulungan mo kaming maging mulat sa iyong presensya ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 12, 2018 at 10:34 am

Pagninilay: Malapit nang matapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at sa darating ng 2 Linggo, ipagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng ating Kristong Hari. Kaya tinanong ng mga Pariseo kay Hesus sa Ebanghelyo ngayon kung kailan itatatag ang Kaharian ng Diyos. Ang naging tugon ng Panginoon ay walang nakakalam kahit ng palatandaan kung kailan darating ang oras na iyon. Ngunit sinabi rin niya na ang pagsisimula ng paghahari ng Diyos ay alam na ng mga nananalig sa kanya. Kaya nga nang magsimula si Hesus na mangaral sa Galilea, sinabi niya na dumating na ang Kaharian ng Diyos upang sila’y magsisi mula sa kanilang pagkakasala at maniwala sa Mabuting Balita. Kaya bilang mga mananampalatayang Kristiyano, tayo’y inaanyahan ni Kristo na paghandaan ang pagpaparito ng Kaharian ng Diyos. Ang paghaharing ito ay nakilala natin sa ating pananampalataya sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos, pakikibahagi sa Katawan at Dugo ng kanyang Anak, at ang pakikipagkapwa sa ibang tao lalung-lalo ang mga nangangailangan. Huwag po tayong malinlang ng mga gustong makipagsabi na alam nila kung kailan tatapos ang mundo, kundi dapat may pananabik tayo na salubungin ang Panginoon sa bawat oras at yugto ng ating buhay ngayon at kailanman. Kaya nga isinalaysay ng Unang Pagbasa ang pagtatapo nina Onesimo, Filemon, at San Pablo. At makikita dito na si Onesimo ay nasa bilangguhan dahil siya’y pinagbintangan ng isang tao. Ngunit si Filemon ay palaging nagmamahal at nag-aaruga sa kanya. Kaya nang pumunta si Onesimo kay San Pablo, sumulat ang Apostol ng isang liham na tanggapin ni Filemon ang kanyang nawalay na mahal sa buhay. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng mga pusong tumatanggap sa ibang tao at gumagawa ng kabutihan sa kanila upang maghari nawa ang pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan na nagtatag sa Paghahari ng Diyos dito sa lupa para nang sa langit.

Reply

Aida Ramirez November 15, 2018 at 6:12 am

Pinupuri at pinasasalamatan ka namin Panginoon.Kami po ay dumudulog sa iyo Panginoon na patuloy ka pong maghari sa aming buhay.Dahil ano man po ang aming pinagdadaanan sa ngaun alam po namin na ikaw ay laging nandyan upang kami ay gabayan at patnubayan sampu ng aming bawat pamilya at mahal sa buhay.Amen.?

Reply

Melba G. De Asis November 15, 2018 at 6:20 am

Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari sa aking buhay, ay patuloy akong nananalig sa Panginoong Hesukristo at nawa’y dumating ang araw na ang lahat ng aking pagdurusa sanhi ng aking mga karamdaman ay papawiin Mo Panginoon at pagkakalooban mo ako ng kumpletong kagalingan. Nawa’y ipagkaloob mo sa akin, sa aking asawa at anak at pati na sa iba ko pang pamilya at sa lahat ng tao ang kabanal banalang Ispirito Santo na Siyang gagabay sa amin sa lahat ng sandali. Amen.

Reply

Bobby Javier November 10, 2022 at 5:23 am

Pon Hesus Nazareno salamat,,saiyon hanal banal na pangalan at salita,,, siya namin gabay at patnubay sa amin araw-araw na buhay,,,AMEN…

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: