Biyernes, Nobyembre 4, 2022

November 4, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama na tumawag sa atin upang maging mga tapat na tagapangalaga tayo sa paggamit ng mga biyaya ng daigdig para sa kabutihan ng lahat.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, pakinggan mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y maging mulat sa kanyang responsibilidad na isulong ang katarungang panlipunan sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga opisyal ng gobyerno nawa’y maging karapat-dapat sa pagtitiwala ng mga tao at huwag magnais ng makasariling kabutihan sa kanilang pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may patrabaho at ang mga manggagawa nawa’y maging tapat at magalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyan ng biyaya ng pagtitiis sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y umani ng bunga ng kanilang pagpapagal sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tulungan mo kaming mga tapat mong tagapangalaga ng iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 5, 2020 at 11:54 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagkwento ni Hesus ng Talinghaga tungkol sa Tusong Katiwala. Dahil sa kanyang paglulustay ng ari-arian ng may-ari, pinasisante ng amo ang katiwalang ito. Kaya nag-isip siya kung ano ang kanyang dapat gawin bago pa man siya umalis sa trabaho. Kaya nagpasya siya na lutasin ang mga taong may utang sa kanya mayamang amo. At dahil sa kasipagan at katiyagaan ng katiwalang ito, pinuri siya ng kanyang amo dahil sa pagiging matalino kahit sinayang niya noon ang ari-arian. At sinabi ni Hesus na mas mahusay ang mga taong makasanlibutan sa kanilang henerasyon kaysa sa mga taong maka-Diyos.

Ang konteksto ng talinghagang uto ay ang pagpresenta ni Hesus tungkol sa gawi ng Palestina ukol sa pagkakatiwala ng mga amo sa mga ahente ang kanyang ari-arian. At dito pinupunto rin ni Kristo ang maling sistema ng pag-uutang sa mataas na presyong interes. Parang ipinapahiwatig niya sa atin na hindi lang natin kailangan magkaroon ng katalinuhan, kundi pati rin ng karunungan, ukol sa mga bagay ng mundo. Ang ating buhay na hiram sa Diyos ay sa kanya rin ibabalik na puno ng pagmamahal na ipinamalas sa kanya at sa kapwa. Kaya ang pagiging katiwala ay isang panawagan upang gawing makabuluhan ang ating pamumuhay sa mundong ito. Ipasya natin ang ating buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kanyang salita at pagsasabuhay nito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

Rosalinda m. Jubilado November 6, 2022 at 10:11 am

sa ating ebangelyo ipinakita sa ating Panginoon na ang lahat sa mundong ito , ang tunay na May-ari ay ang ating Panginoon. maging ang buhay natin ay mula sa Panginoon. Siya ang maylikha sa atin. kung kayat kung ano ang mayron tayo, kayamanan, mga ari arian, mga kompaniya, mga anak, kapwa posisyon etc ay IPINAGKATIWALA LAMANG ITO SA ATIN. TAYO AY MGA KATIWALA LAMANG NG TUNAY NA MAY ARI- ANG ATING POONG MAYKAPAL. ANG LAHAT NG ITO AY ATING IPAGSUSULIT SA KANYA PAGDATING NG PANAHON NA ITINAKDA SA ATIN NG PANGINOON. KUNG TAYO AY TAPAT NA KATIWALA TIYAK NA MAKAKAPILING NATING SIYA SA BUHAY NA WALANG HANGGAN.KUNG TAYO AY SUWAIL NA KATIWALA TIYAK SA WALANG HANGGANG APOY ANG ATING PUPUNTAHAN.

NATUWA ANG PANGINOON SA SUWAIL NA KATIWALA SA GINAWA NIYANG PANDARAYA SA UTANG NG MGA TAO SAPAGKAT KAHIT SA HULING SANDALI AY NAKAGAWA SIYA NG KAGAANAN NG MGA MAY UTANG SA AMO NIYA.

SA ATING EVERY SMALL GOOD DEEDS AY NAPAPASAYA O NA PE PLEASE NATIN SIYA.

NAWA MAGING AWARE TAYO NA TAYO LAMANG AY KATIWALA NG TUNAY NA MAY ARI UPANG MAGAMPANAN NATIN ITO NG BUONG KATAPATAN AT PAG MAMAHAL SA ATING PANGINOON.

LAGI KONG SINASABI SA AKING MGA ANAK NA KAHIT SA KANILANG MGA TRABAHO AY MAKAKAPAGLINGKOD SILA SA ATING PANGINOON SA PAMAMAGITAN NA PAG PRACTICE NILA NG HONESTY, LOYALTY SA GANONG PARAAN NAPAPARANGALAN NILA ANG ATING PANGINOON. TRULY ENOUGH GOD IS FAITHFULL TO HIS PROMISES.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: