Huwebes, Abril 18, 2024

April 18, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Lumapit tayo ngayon at manalangin sa Diyos Ama, na sa kabutihan ng kanyang puso, ay isinugo ang kanyang Anak, ang Tinapay ng Buhay.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamagitan ng iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos na pinalalakas ng Eukaristiya nawa’y magkaisang mamuhay sa pananampalataya at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagtanggap natin ng Eukaristiya nang may pagpapahalaga, nawa’y mapalalim natin ang pag-ibig sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi magkulang sa pagbabahagi ng mga biyaya sa mga nangangailangan at sa gayon ay makatulad tayo ni Kristo na nag-alay ng sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa katawan at pag-iisip nawa’y palakasin ng kanilang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa ipinangakong piging sa Langit ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, patnubayan mo kami sa aming paglalakbay, at tulungan kaming lumakad sa daan ng iyong Anak na si Jesus na siyang Tinapay ng Buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 4, 2022 at 5:44 pm

PAGNINILAY: Patuloy nating pinagninilayan ang mga kasabihan ni Hesus tungkol sa kanyang sarili bilang Tinapay na nagbibigay-buhay. Ang mga taong pinakain ng pinaraming 5 tinapay at 2 isda ay namangha sa kababalaghan, kaya naglayag sila sa dagat sa Capernaum saka natagpuan ang Panginoon. Ipinaalala sa kanila ng Panginoon na sikapin nila ang pagkaing nagbibigay-buhay. At saka nila’y ikinuwento sa kanya tungkol sa pag-uulan ng manna mula sa langit. Nang sabihin ni Hesus na ibibigay ng Ama ang tinapay na nagbibigay-buhay, sila’y humiling na ibigay ito sa kanila. At dito idineklara ni Hesus na siya ang Tinapay na Buhay na sinumang lumalapit sa kanya ay hindi magugutom, at sinumang naniniwala sa kanya ay hindi mauuhaw. At ang kanyang misyon ay nagmula sa Ama na makilala siya ng mga tao at sumampalataya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, at sila’y bubuhayin sa huling araw. Subalit ngayon ay parang matindi ang reaksyon ng mga tao na hindi nila tanggap ang mga diskurso ng Panginoon. Patuloy na ipinakilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang Tinapay na nagbibigay-buhay, at sinumang kumakain ito ay mabubuhay ng walang hanggan. Karaniwang pangyayari ang sinapit ng mga Israelita nang kainin nila ang manna, subalit sila rin ay pumanaw.

Ang mga pisikal na pagkain sapagkat nagpapabusog ay hindi senyales na panghabang-buhay sa daigdig na ito. Subalit si Hesus na siyang walang hanggang Tinapay ay tanging Daan upang lahat ay magkamit ng buhay na walang hanggan, at ang tinapay na kanyang ibinibigay ay ang Laman na katawan niya mismong. Bago pa man siya’y nabayubay sa Krus, noong sila’y nasa Huling Hapunan, ipinagkaloob ni Kristo sa atin ang kanyang Katawan at Dugo upang maging sakramental na tanda na kapiling niya tayo tuwing tayo’y dadalo sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Kung tinatanggap natin siya bilang Salitang nagkatawang-tao at ang kanyang Katawan sa Banal na Komunyon, tayo rin ay inaanyayahang maging “Eucharistic” para sa ibang tao.

Nawa’y tayo rin ay magbigay-buhay para sa iba upang bigyan rin nila ng halaga ang biyaya ng buhay na galing sa Panginoong Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 5, 2022 at 9:11 am

Ano ang hamon at aral ng mga pagbasa ngayon?

Ang Salita ng Diyos, ang Mabuting Balita ang susi sa maligaya ay mapayapang buhay. Ang tinapay o ang pisikal na pagkain ay essential o kailangan ng tao upang mabuhay, upang maging malakas ang pag iisip at katawan. Ngunit paano naman magkakabuhay ang iyong espiritwal? Walang silbi ang iyong buhay na malakas na pisikal ngunit bulok naman ang eapiritwal. Puro kapighatian at kalungkutan lamang ang daranasin mo. Upang matagpuan ang wagas na kaligayahan ay lumapit ka kay Hesus at manalig. Kapag may relasyon na tayo kay Hesus at kinakain natin ang Mabuting Balita ay wala ng hindi panig sa atin.

Araw araw ay alamin natin ang Mabuting Balita,,, ang Salita ni Hesus. Hinding hindi tayo maliligaw ng landas kung ito ay ating gagawing gabay sa pang araw raw na buhay. Minsan ay mga Mabuting Balita na hindi natin maunawaan kaya nariyan ang simbahan para tyo matulungan sa ibig ipabatid sa atin ng mga pagbasa at ebanghelyo.

“Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang nanalig sa akin ay hindi mauuhaw”. Napakagandang pangako sa atin ni Hesus. Hanapin natin sya at magsisi na, humingi ng kapatawaran at sikapin nang matalikuran ang kadiliman.

Reply

Malou Castaneda April 18, 2024 at 6:18 am

PAGNINILAY
Ano ang buhay? Ang pagkain ay buhay? Dagdag na kanin.. Pizza.. Kape.. Ramen… At marami pang iba… Mangarap ng lahat ng paborito nating pagkain, almusal, pananghalian, hapunan, dahil ang pagkain ay nagbibigay-buhay sa atin! Sinasabi sa atin ni Hesus na Siya lamang ang Tinapay ng buhay na magpapagaan ng gutom at magpapawi ng uhaw ng lahat. Oo, maaari tayong kumain ng manna o tinapay ngunit hindi magtatagal, magugutom na naman tayo. Ang “makamundong” pagkain ay hindi tunay na nakakabusog sa ating gutom.

Si Hesus ang Nag-iisang nagbibigay-buhay, ang tinapay ng buhay na nagpapagaan ng gutom at pumapawi ng uhaw ng lahat. Si Hesus ang nagbibigay sa atin ng ating pagkain. Siya ang ating pagkain kapag wala tayong pag-asa at walang buhay. Sa Eukaristiya ipinakita ni Hesus ang Kanyang sarili bilang pinagmumulan natin ng buhay kapag inaalis ng buhay ang mga sustansya at enerhiya sa ating sarili. Sa Eukaristiyang Tinapay, itinataas ni Hesus ang lahat ng sakit at paghihirap ng isang wasak na mundo, ang kabutihan at kagalakan nito. Anong panloob na pagbabago ang mangyayari kung makikita at makikilala natin ang walang katapusang pag-ibig at kapangyarihan, na nakatago sa Tinapay na ito, na ibinigay para sa buhay ng mundo! Kapag tinanggap natin ang tinapay at alak, tinatanggap natin si Hesus!

Panginoong nabuhay na mag-uli, pakainin Mo kami ng Iyong nagbibigay-buhay na Sakramento upang kami ay mabuhay ng walang hanggan kasama Mo. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: