Podcast: Download (Duration: 5:25 — 7.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Manalangin tayo sa ating Ama sa Langit upang maging pagpapahayag ng malalim at tunay na pag-ibig ang kagandahang-loob at pagiging bukas ng ating puso para sa kapwa.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, umunlad nawa kami sa Iyong pamamaraan.
Ang Simbahan nawa’y maging higit na mulat sa materyal na pangangailangan ng mga dukha at mga napapabayaang mga tao at mabigyan din sila ng espiritwal na pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lingkod bayan nawa’y maging madaling lapitan ng lahat at isaisip nila ang kabutihan ng kanilang nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong may problema sa buhay nawa’y makatagpo ng kapwa na handang tumanggap at tunay na makikinig sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Yaong mga nagtalaga ng aknialang sarili sa pangangalaga ng mga maysakit, may kapansanan, at mga dukha nawa’y magkaroon ng tunay na diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y tanggapin sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, ibinibigay mo sa amin ang lahat ng mabuti. Tulungan mo kaming maibahagi ito sa iba lalo na sa nangangailangan ng aming kalingan at atensyon. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Nobyembre 5, 2023
Martes, Nobyembre 7, 2023 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ipinapaalala ni Hesus sa atin ang tamang disposyon ng ating buhay bilang mga anak ng Diyos Ama. Sabi nga ni Hesus sa parabula na kapag tayo’y magkakaroon ng handaan, ating anyayahin hindi ang mga kaibigan, katropa, kabarkada, kundi ang mga mahihirap at nangangailangan lalung-lalo ang mga nasa laylayan ng ating lipunan. At sabi sa huling linya ng Ebanghelyo na mayroon tayong gantimpalang matatanggap sa langit dahil sa ating katapatan. Siguro mahirap itong gawin sapagkat bihira lang makita ang mga taong nag-iimbita ng mga ordinaryong tao sa kanilang handaan. Noong bumisita si Papa Francisco sa Pilipinas, nakikain siya sa mga nakaligtas sa pananalasa ng Super Bagyo na si Yolanda at ang lindol sa Bohol. Kahit kaunti ang kanyang oras doon dahil sa badya ng panahon, siya’y taos-pusong nakikinig sa mga mensahe ng mga taong nagkukwento sa kanya. Ang pinakapunto lamang ni Hesus ay ang ating kababang-loob at buong pagtanggap sa ibang tao sa bawat aspeto ng ating buhay. Ang kaligtasan ng Diyos ay inilaan para sa lahat upang sila’y patuloy na lumakad sa daan ng kabutihan. Kaya sinasabi ni San Pablo sa Unang Pagbasa na mayaman ang Diyos sa kanyang katauhan upang mas maging masagana ang ating pananampalataya sa kanya. Ang handog niyang kaligtasan ay tanda na minamahal niya tayo at minarapat tayong maging mga anak niya. At tuwing dumadalo tayo sa Banal na Eukaristiya tayo ay pinapabusog ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo upang pagkatapos ng bawat Misa ay tayo ay maghahayo upang mahalin at paglingkuran ang Diyos at ang ating kapwa. Nawa isapuso natin ang pagkakaroon ng kababang-loob na palaging bukas sa pagtanggap sa ibang taong ninanais na maranas ang pagmamahal ng Panginoon sa bawat isa.
Dear God, thank you for sharing with us a very good wisdom, a reflection of what’s in your heart and mind. You truly love the poor and the lowly, and value them so much. Help us to do the same. To give favor and uplift the dignity of those in need, be our mission as well. Amen.
Pagnininilay ni Jess C. Gregorio:
Ang Panginoon ang lumikha ng tao, mayaman man o mahirap. Aalalayaan niya ang aba at walang kakayahan. Ipagtatanggol niya ang mga mahina at walang kapangyarihan. Itataas niya ang mga naaapi at tinatapakan. Siya mismo ang sasagot sa kanilang panalangin sa pamamagitan ng kanyang mga stewards na binibiyayaan niya ng grasya, siksik liglig at umaapaw pa. Ito ang mga taong binabanggit niya na ginagantihan ng langit ng higit pa mula noong sila ay muling nabuhay sa kabanalan at nasumpungan ang katotohanan. Born Again ika nga. Dumadaloy ang malaking grasya ng Panginoon sa mga taong nagbibigay ng pansin at pagkalinga sa mga taong walang kakayanang makaganti. Karaniwang tanong ng mga may yaman o kapangyarihan ang ganito kung sila ay mamimili ng taong bibigyan pansin, “Ano ang magiging pakinabang ko sa iyo?” Babalik ang ibinigay na pabor at makikinabang ang nagtatanong nito sa mga ganti at pagbabalik ng pabor pero hindi kasing laki at pang matagalang grasya na ibinibigay ng langit. Madaling mawala at maaari pang magamit ng ating kaaway sa malagim at hindi magandang kinasasapitan. Karaniwang ganito ang ganti ng mundo sa ating huwad na pangiimbita na ang pakay ay pang sariling benepisyo lamang. Mapalad ang mga taong nakabatid at isinabuhay ang katotohanang ito. Mapapabilang sila sa tinatawag na “Stewards of God’s Immense Glory & Wealth.”
Unconditional Charity
Ang ebanghelyo ay nagtuturo sa atin na gumawa ng kabutihan, di lang mga close na tao sa atin. pagpapakain sa mga nagugutom at nauuhaw. Pagdalaw sa mga may sakit at mga nasa bilanguan. Pagpapautang sa mga taong hindi makakabayad sa atin. Sa makatuwid ay pagtulong sa mga taong di na makakaganti sa atin, na ang gantimpala ay mangagaling na sa Panginoong Diyos na siyang nakakakita at nakakaalam ng laman ang ating puso na siyang naguudyok sa atin na gawin ang mga bagay na ito. Purihin ang Panginoon!