Sabado, Hulyo 1, 2023

July 1, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tulad ng matatag na pananampalataya ng senturyon, lumapit tayo sa Panginoong Jesus at manalangin tayo sa kanya para sa pangangailangan ng Simbahan at ng sandaigdigan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, mapasaamin nawa ang Iyong pagpapala.

Ang Simbahan nawa’y hindi ituring saanman ang sinuman bilang banyaga o dayuhan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namumuno sa ating buhay pamayanan nawa’y ituring ang bawat tao nang may katarungan at pagkakapantay-pantay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may kakaibang paniniwala, lahi, o pinagmulan nawa’y matutunan nating tanggapin at unawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos sa oras ng kanilang pangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y tanggapin sa Kaharian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng sangkatauhan, tinanggap ng iyong Anak ang pananampalataya ng senturyon na lumapit sa kanya nang may pagpapakumbaba at pananalig. Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob ngayong kami ay nananalangin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 20, 2021 at 2:49 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang pagtatagpo ni Abraham sa tatlong bisita sa Terebint ng Mamre. Nakita niya silang lumalakbay, at nilapitan niya sila upang tumuloy sa kanyang tolda. Kaya pinaglingkuran niya sila sa pagpapakain at pagbibigay ng tubig sa kanila. Bago silang umalis, isa sa kanila ay nagbilin kay Abraham na babalik, at magkakaroon siya ng anak kay Sara. Subalit narinig ito ni Sara, at tumawa lang siya. Kaya nga ang pangalang binigay sa bata ay “Isaac,” na ngangahulugang “pagtawa”. Subalit hindi tumigil ang Diyos na tuparin ang pangakong magkaanak sina Abraham at Sara, at si Isaac nga ang itinakdang magmana ng pagpapala ng Diyos para sa bayang ibubuo at tinatawag niya. Ang pangyayaring iyon ay naging kahintulad sa Banal na Santatlo, ayon sa larawang inukit ni Andrei Rublev. Ang Diyos na iisa, subalit hindi nag-iisa dahil sa Tatlong Persona, ay patuloy na nagmamahal sa pamamagitan ng kanyang gawain ng paglilikha, pagliligtas, at pagpapanibago.

Ang Ebanghelyo ngayon ay kasunod ng Ebanghelyo kahapon. Matapos niyang pinalinis ang isang ketong, may isang kapitan ng mga kawal na lumapit kay Hesus upang ihiling na pagalingin ang kanyang lingkod. Nang maitanggap ni Hesus ang kanyang hiling, pinigilan niya ito sapagkat ipinahayag niyang hindi siya karapat-dapat na ipagpatuloy ang Panginoon sa kanyang tahanan, ngunit sa isang salita mula nito ay gagaling ang kanyang alipin. Ang kanyang pagpapakumbaba rin ang nagpapatunay na isa siyang taong nasa ilalim ng mas nakakataas kaysa sa kanya. Sapagkat ang isang kapitan ng mga sundalong Romano ay tagatupad lamang ng inuutos ng gobernador, na nagmumula naman sa Emperador. Subalit nakita ni Hesus sa kanya ang isang matinding pananalig, kahit sa buong Israel. Bagamat siya ay isang Hentil, parang nakilala ng kapitan ang Diyos Ama sa pamamagitan ng Diyos Anak na si Hesukristo. Pagkatapos nito ay pinagaling naman ng Panginoon ang biyenan nina San Pedro at San Andres sa kanilang bahay, at nawala ang lagnat mula sa babae kaya siya’y bumangon at naglinkod kay Hesus. At marami pang ginawang kababalaghan si Hesus ukol sa pagpapagaling.

Sa gawaing ito, isinasalaysay ni San Mateo ang pagtupad ng isang propesiya ni Isaias ukol sa Mesiyas: na si Kristo ang nag-alis ng mga kasalanan at binata ang mga karamdaman. At alam natin sa hantungan ng kanyang buhay sa Krus, inako niya ang ating kahinaan at mga pagkakasala upang ang maipagkaloob niya sa atin ay kaligtasan. Kaya ang tugon natin ay lubos na pananampalataya sa kanya na may kasamang pagsisikap at paggawa ng katuwiran at kabutihan. Sa ating pagtanggap sa Panginoon ng ating buhay, nawa ang dasal ng Romanong kapitan ay maging dasal rin natin, lalung-lalo tuwing maitatanggap natin si Kristo sa Banal na Pakikinabang: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 26, 2021 at 9:35 am

Tunay ngang ang nagpapagaling sa isang taong may karamdaman ay ang pananalig. Ang ebanghelyo ngayon at kahapon ay pagapagaling ni Hesus ng mga lumalapit sa kanya at kinakakitaan ng matinding pananalig. Yan ang sinabi satin ni Hesus, kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, humingi ka at ikaw ay bibigyan. Ngunit kapag humingi ka nararapat na ibigay mo ang iyong buong tiwala at wala munti mang pangangamba at pagdududa. Habang hinihintay ang pagdinig sa dasal mo nararapat na sundin mo nman ang kalooban ng Diyos sa pagmamahal sa kanya at sa kapwa mo.

Reply

Bobby Javier July 1, 2023 at 6:20 am

Napakaganda ng mensahe ng ating Ebanghelyo ngayon,, Lumapit kay Hesus ang isang Kapitan na may mataas na katungkulang at hiniling na pagalingin ang kanyang aliping na may sakit,,,, Sa ibang bansa ang ating mga kapatid na kasambahay ay inaabuso,pinag mamalupitan, o kayay pa g may sakit ay pinapauwi o pinapalitan,,, Dito sa Ebanghelyo napaka buti ng kapitan para sa isang hamak na kasambahay. nakita ng Panginoon ang malaking pananampalataya ng kapitan kaya gumalin kagad ang kasambahay,,, Sana sa mga taong mayayaman o may mataas na katungkulan sa lipunan,, mahalin nating ang mga kasambahaty at gawin isang kapamilya na may kababaang loob,,,,,, AMEN…

Reply

tammy amar July 3, 2023 at 8:42 am

dito nagpapakita na kung anu man narating natin sa ating buhay kahit anu ka pa na makapangyarihan walang impossible sa ating Mahal na Panginoon Hesus dahil sya lamang Ang buhay at Ang katotohanan kahit isang mataas kaw man na opisyal dito sa mundo lumalapit ka pa rin sa ating Mahal na Panginoon upang ihingi Ang ginhawa sa ating buhay kaya tularan natin sina Abraham at ang kanyang asawang Sara na sa katandaan nila nagkaroon pa rin nang anak dahil nagtiwala sila sa Diyos naging panauhin nila ang mga anghel hindi sila nagdalawang isip bagkus tinanggap nila at pinatuloy dahil ang mensahe sa atin nang Mahal na Panginoon Hesus ay magmahalan tayo sa isat isa kahit sino pa yan anung uri man huwag tayo matakot dahil ang ating Mahal na Panginoon Hesus ay may alam nang ating buhay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: