Miyerkules, Hunyo 28, 2023

June 28, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Nagdulot sa atin ng panibagong buhay ang Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Jesus. Sa pamamagitan ng ating mga panalangin, tayong mga makabagong propeta nawa’y makapagdulot ng mabubuting bunga sa Simbahan at sanlibutan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin mo kami ng iyong kabutihan.

Ang Simbahan nawa’y umakay sa mga Kristiyanong mananampalataya sa daan na naghahatid sa pinahahalagahang pag-ibig, katarungan, at katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha nawa’y huwag mapagsamantalahan o mailigaw ng mga huwad at mapaghangad na pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang galit ng mga taong nabiktima ng kawalan ng katarungan nawa’y maghilom at matuto silang muli na magtiwala at makipagkaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y tumanggap ng lakas mula kay Jesus na dumating upang tulungan ang may karamdaman at mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y ganap na tumanggap ng gantimpala sa kanilang mga pagsusumikap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ikaw ang aming sandigan sa mga oras ng pangangailangan. Buksan mo ang aming mga puso sa iyong biyaya at akayin kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 23, 2021 at 3:21 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang pagpapakita muli ng Diyos kay Abraham, at dito ipinahayag sa kanya ang patuloy na pangako sa patriarkiya na magiging kasingdami ng mga bituin ang kanyang mga lahi. At nag-alay rin si Abraham ng handog bilang pagpapatibay sa tipan ng pagpapala. At makikita natin dito ang tiwala at pananampalataya ni Abraham, na sundin ang lahat ng iniuutos ang Panginoon, kaya ang gantimpala.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang palapit na pagtatapos ng Pangangaral ni Hesus sa Bundok ayon sa pagsasalaysay ni San Mateo. Dito nagbabala ang Panginoon na mag-ingat laban sa mga huwad na propeta, ang parang mga nagkukunwaring tupa, ngunit asong-gubat ang tunay na pagkatao. Ang tanda sa pagkilala kung paano maihahambing ang tunay sa huwad ay sa pamamagitan ng mga bunga. At narinig din natin kay Hesus ang simbolo ng mga punong nagbubunga ng mabubuti at masasama. Dito natin matutunghayan kung ang tao nga na nagsasabing propeta o tagapagdala ng mensahe ng Diyos ay totoo o huwad. Ang puso ang siyang makakapagsabi kung sino ang dapat nating panindigang nagsasabing totoong saksi sa Panginooon at sa kanyang Mabuting Balita. At tayo rin ay inaanyayahang maging mga mabubuting saksi at magbunga sa ating pagpapadama ng mga magagandang aral, upang tayo ay maging mabubuting ehemplo sa iba.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 23, 2021 at 9:34 am

Nung nakaraang ebanghelyo ay ginamit ni Hesus ang saling “Mapagpaimbabaw”. Ito ay ang mga mapagbalatkayo, mga plastik, mga pakitang tao at ang sinabi nga ni Hesus ngayon ay mga bulaan.
Kahit tayo karaniwang tao lamang at hindi tayo nangangaral ng tungkol sa Diyos maaari pa din tayong matawag na bulaan. Kung ikaw nagsisimba tuwing Linggo pero pablabas nman ng simbahan ay hindi isinapuso ang ebanghelyo isa kang bulaan. Kung mahilig kang magpayo na sundin ang mga utos ng Diyos pero ikaw mismo ay makamundo, sinungaling at hindi nagmamahal ng Diyos at kapwa at ikaw ay isang bulaan. Kung ikaw nman ay tumutulong sa kapwa o naglilimos upang maging sikat at hangaan ng tao, ikaw ay isang bulaan. Kung ikaw ay relihiyoso, maraming ritwal sa pag alay at pagsamba sa Panginoon pero palaaway, palamura, mabisyo, tsismosa at mayabang, ikaw ay isang bulaan. Ngayon kapatid, suriin mo ang iyong sarili kung ikaw ay isang bulaan at mapagpaimbabaw o isang nais maging matuwid at gustong magkaroon ng malalim na relasyon sa Diyos.

Reply

Ma Luisa Lanting Belardo June 28, 2023 at 8:07 pm

Salamat po sa deepening ng readings ngayon.

Reply

tammy amar June 29, 2023 at 7:55 am

ito nangyari sa pareseyo na si Nicodemus bulaan maganda ang pananamit, ginagagalang nang mga tao pero hindi kaya paglingkoran ang tao at ang Diyos sa panahong ngayon marami nang nangagaral ukol sa bibliya at sa turo nang diyos ibat ibang relihiyon ang sinasamba nagpapanggap na alagad nang diyos pero ang tanging pinaplano ay Ang pera lamang hindi ang aral nang diyos kaya ang tanging babala sa atin nang Panginoon Hesus ay mag ingat dahil maraming magpakilala sa pangalan niya pero wala sa totoong buhay ang kinilang mga gawa dahil kung totoo kang mananampalataya handa tayo magsakripisyo alang alang sa ating Mahal na Panginoon Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: