Lunes, Hunyo 19, 2023

June 19, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Napakabuti sa atin ng ating mapagmahal na Ama. Manalangin tayo sa kanyang mahabaging pag-ibig na nagbunsod ng ating mabuting pakikitungo sa ating kapwa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin mo kaming ganap sa iyong pag-ibig.

Bilang Bayan ng Diyos, nawa’y maisabuhay natin ang batas ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kaaway maging yaong mga nakasakit at nakagawa sa atin ng masama sa anumang paraan nawa’y mapatawad natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasan ang pagkakahiwa-hiwalay at pagka-makasarili para maiwaksi ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinaging-manhid na ng pagkakasala nawa’y hipuin ng Espiritu ng Panginoon upang magbalik-loob sila at magbagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y ligtas na maakay pauwi sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon ng sambayanan, habang aming itinataas ang mga panalanging ito, tulungan mo kaming magkakasamang lumago at mapaglabanan ang pagkakaaway-away at hindi pagkakasundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 10, 2021 at 12:21 pm

PAGNINILAY: Patuloy nating pinagninilayan sa mga teleserye ng Ebanghelyo ang Pangangaral ni Hesukristo sa Bundok. Ito ang pokus ni San Mateo sa kanyang panunulat, upang ipakilala sa atin si Hesus bilang Katuparan ng Kautusan at ng mga propeta. Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa turo ni Hesus ukol sa pag-ibig. Binaggit ng Panginoon ang sanay na batas na kung tawagin ay ‘lex tallionis’. Sa madaling salita, ito yung tanyag na kasabihan na: “Mata sa mata, at ngipin sa ngipin.” Ito’y nagmula sa kodigo na binuo ni Hammurabi, kaya makikita rin ito sa Lumang Tipan ng Bibliya, lalung-lalo na sa Aklat ng Exodo 21:24 at Aklat ng Levitico 24:20. Ang kasabihang ito ay nangangahulugang kung ang isa ay nagkasala sa iyo, may karapatan kang bunutin ang kanyang ngipin at pitasin ang kanyang ngipin. At kapag paulit-ulit siyang gumagawa ng ikapapamahak mo, sinasabi ng Kodigo ni Hammurabi na gawin lang ang kasabihang iyon, kahit ang iyong kaaway ay maging bulag at bungal. Sa madaling salita, parang tinutulak ka na maghiganti sa mga taong gumagawa ng masasamang bagay laban sa iyo.

Subalit para kay Hesus, hindi sagot ang kalupitan upang sugpuin ang kasamaan ng isang tao. Makikita natin na ang mga pangangaral ng Panginoon ay nakasentro sa pag-ibig at kabutihan. Kaya ang mga pahayag ni Hesus sa Ebanghelyong ito ay hindi dapat kinukuha sa literal na interpretasyon, kundi dapat mas tignan nito nang malalim. Ang pagsampal sa kabilang pisgni ng sinumang sumampal sa iyo ay nangangahulugang na ituwid sa maayos na paraan ang pagkakamali ng isang tao. Ang pagpasan ng dalang bigat sa isa pang kilometro ay nagpapahiwatig na tayo ay tinatawag na tulungan ang iba sa punto na nagiging mabuting halimbawa tayo sa kanila. Ang pagsakdal ng isang tao sa iyo para sa iyong ari-arian ay isang paalala na ay ibigay ang hinihingi hindi dahil ika’y sumusuko sa laban, kundi para ang taong iyon ay magbago ang kanyang puso. At ang pagbibigay sa mga humihingi at hindi tumatalikod sa mga nanghihiram ay isang tanda na dapat tayo ay maging bukas palad sa pagbibigay, at ang pagbibigay nga ay walang inaasahang kapalit.

Mga kapatid, ang turo ni Hesus ngayon ay isang paalala na kapag dumating sa punto na nakapaligid sa atin ang kasamaan, labanan natin ito sa pamamagitan ng kabutihan. Hindi dahil tayo ay naduduwag o kaya sumusuko na tayo sa ating mga kalaban, kundi upang sa takdang panahon ay makilala nila ang kabutihan ng Diyos sa ating mga puso. Kapag inuulit natin ang pag-iiral ng pagmamahal at kabutihan, lalo nila masisilayan ang ating awa at malasakit upang sumunod sila sa ating halimbawa. Kaya ito ay parang hamon sa ating buhay-Kristiyano na hindi kailanma’y malutas ang karahasan sa pamamagitan ng karahasan. Ganun din sa ating buhay sa pamilya, paaralan, komunidad, at bansa, mayroon tayong tanyag na kasabihang Filipino: “Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali.”

Kaya nawa’y isabuhay natin ang ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano sa pamamagitan ng pag-ibig. At sa bawat pagkakamali at pag-aalipusta na ating nakikita, nararanasan, o nababasa, nawa’y salungatin natin ito sa pamamagitan ng pag-ibig, habag, malasakit, kabutihan ng loob, katarungan, at kapayapaan.

Reply

Sherwin D. Yanoria June 14, 2021 at 7:11 am

Ano na ang isinakripisyo mo para sa Diyos? Kung alin pa ang bawal, siya pa ang masarap gawin. Halimbawa, marami ang nagkakasala sa pag-ibig, ang pagkakaroon ng kabit. Isa lang ang dapat asawahin, nagdadagdag pa ng isa. Kaya ang mabuting pamumuhay ay isa sa pinaka magandang handog sa Diyos. Dahil hindi ka makakagawa ng mabuti kung hindi ka magsasakripisyo. Hindi tayo matutubos ni Hesus kung hindi Siya magsasakripisyo. Kaya nga piliin natin ang pagsasakripisyo, ito ay tanda ng pagmamahal natin sa Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 14, 2021 at 9:35 am

Minsan ansarap pumalag eh, ansarap patulan yung mga gumagawa sayo ng masama eh, lalong lalo na kung below the belt na, yung tipong sinaling na ang mga mahal natin sa buhay, ansarap murahin di ba? Minsan nga nababangit pa natin na “mamatay ka na sana!”
Ang ebanghelyo ngayon ay pagpapa alala satin ni Hesus na “Wag” wag ngipin sa ngipin at mata sa mata ang pairalin. Tinuruan nya tayo kung ano dapat gawin sa mga taong ganito pero hindi natin susundin ito ng literal. Ang nais ni Hesus ay maging mapgtimpi, magpatawad, ipagdasal ang kaaway at mahalin ang kapwa. Sapagkat kapag pinairal natin ang init ng ulo at bugso ng damdamin mauuuwi lamang sa mas malalim na away at mas malalang sitwasyon na lubos nating pagsisihan sa hinaharap. Marahil napanuod nyo o nababalitaan ang nagagawang mamaril o pumatay ng dahil lamang sa walang kwentang alitan. Away kapitbahay, away kalye. Sa isang iglap ay sira ang buhay pati mga anak mo. Kaya ipagdasal din natin sa Diyos ang bigyan tayo ng kapayapaan sa araw araw.

Reply

tammy amar June 19, 2023 at 8:21 am

Sinabi nga nang ating Panginoon Hesus na mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong Sarili, kung binato ka nang bato batuhin mo rin nang tinapay, mahalin mo ang iyong kaaway at ipagdasal Ang nag uusig saiyo ito ang kababaang loob na ipinagkaloob ng ating Panginoon Hesus kahit inilapusta siya binugbog kinoronahan tinik, sinampal wala reklamo galing sa ating Panginoon bagkus Ang kapalapit pagmamahal niya sa atin dahil Ang gusto niya lng mangyari ay magkaisa tayo, magtulungan sa bawat isa upang sa gayon mamuhay tayo nang payapa walang alitan at umaapaw na pag ibig sa ating kapwa

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: