Biyernes, Hunyo 16, 2023

June 16, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus

Makatatawag tayo sa ating Ama nang may pagtitiwala sapagkat binuksan niya sa atin ang kanyang puso dahil kay Kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Punuin mo kami ng iyong pag-ibig, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging kapani-paniwalang tanda at kasangkapan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-anak nawa’y mamuhay na mayroong tunay na pagmamahalan at pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nahihirapan at nabibigatan sa mga pasanin sa buhay nawa’y makatagpo ng ginhawa sa mapagbigay na Puso ng ating Tagapagligtas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makilala ang pag-ibig ni Kristo sa kanilang pakikiisa sa paghihirap ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kagalakan sa Puso ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming mahabagin, tanggapin mo ang mga panalanging ito na iniaalay namin kaisa ng tinusok ng sibat na Puso ng iyong Mahal na Anak na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 16, 2020 at 6:24 pm

Pagninilay: Ipinagdiriwang ngayon ng buong Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus. Ito ang debosyon na kung saan pinupuri natin ang ating Panginoong Hesukristo na dahil sa kanyang Banal na Puso tayo ay naligtas, napatawad, at kinupkop. Ang Ebanghelyo ngayon ay naglalarawan sa Kabanalan ng Puso ni Kristo, isang Pusong magpakumbaba at maamong-loob. Lahat tayo ay dumadanas ng iba’t ibang problema at pagdurusa sa buhay. Marami tayong pinapasan na bigat sa ating mga balikat. Subalit hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sapagkat kapiling natin ang Panginoon sa ating buhay. Ibinabahagi niya sa atin ang isang pamatok na dapat natin dalhin, at tayo nawa ay lumapit sa kanya upang magkaroon tayo ng pahinga. Tandaan po natin na hindi ito’y nangangahulugang hindi tayo dadanas ng iba’t ibang pagsubok sa buhay. Sa paniniwala ng mga Hudyo, ang pamatok ay sumisimbolo sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kaya ang pagpasan ng pamatok ni Hesus ay ating lubos na pakikilala sa kanya dahil tayo rin ay nagiging masunurin sa dakilang kalooban ng Ama para sa atin. At sa bawat pagpasan natin na hirap alang-alang sa kanya, mag-aral tayo mula sa kanyang halimbawa. Kaya ito ang kanyang Kamahal-mahalang Puso, ang pusong maamong-loob at mapagkumbaba. Ang Banal na Puso ay nagpahayag ng 12 pangako kay Sta. Margarita Maria Alacoque bilang tanda na nais akitin ni Kristo ang lahat ng tao palapit sa kanya at sa Ama nating Diyos. Kaya itong Puso na ito ay sinugatan ng sibat upang umapaw ang biyaya ng pagpapatawad at bagong buhay. At ito rin ang Pusong patuloy na humahanap sa mga nawawalay at nagkakasala, nang sa gayon ay bumalik sila sa pag-aaruga at pagmamahal ng Diyos.

O Banal na Puso ni Hesus, maawa ka sa amin! ?

Reply

Jose M. Javier June 16, 2023 at 3:30 am

Sa unang pagbasa ay ipinahayag ng Panginoon ang kanyang pangako simula pa ng ating mga ninuno walang iba kindi Ang pag-ibig Niya sa ating. At ang sa ating nama’y ang ating tugon na pag-ibig natin sa kanya. At dahil lahat tayo ay dumaranas ng pagsubok upang mas lalo tayong tumatag at binigyan Niya tayo ng pamatok upang tayo ay makasunod at Hindi mawalay sa kanya.

Reply

tammy amar June 16, 2023 at 7:35 am

tunay nga na mapagmahal Mahal ang ating diyos Amang nasa langit dahil binigay niya ang bugtong anak niya para iligtas tayo sa kasalanan katulad rin na mga sugo nya sa lahat nang mga unang ninono mula kay Abraham, Isaac, Jacob, moses, haring david at mga propeta, Apostoles, Sila lahat sinugo mula sa Diyos at kanilang sinunod ang kanilang misyon na ibantala ang mabuting balita tularan natin Ang pagsunod ni San Jose asawa ni birhen Maria sa tugon nang diyos na huwag matakot dahil hindi niya tayo pababayaan bagkos atin pa rin ipamahagi ang kabutihan sa marami na kundi dahil sa una namamahala noon siguro wala tayo ngayon sa atin pinagtatayoaan patuloy natin isabuhay ang mga gawa kabutihang asal na turo nang ating Panginoon dahil ang kanyang pangako sa atin ay atin na nakamit sikapin natin ito na ipamana sa mga susunod pang mga henerasyong darating.

Reply

Ruby S. Cabangon June 16, 2023 at 7:46 am

Purihin po kayo aming Panginoong Diyos Amang nasa langit, amin pong Panginoong Hesukristo, amin pong Banal na Espiritu Santo. Maraming maraming salamat po sa Inyong walang hanggang pagmamahal sa amin, sa pagpapatatawad Ninyo po sa paulit ulit po naming nagagawang kasalanan at sa pagdinig Ninyo po sa amin pong mga panalangin. Maraming maraming salamat po sa araw araw na miracles, blessings at good news. We sincerely thank You and love You very much po.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: