Lunes, Enero 23, 2023

January 23, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Natitipon kay Kristo na lumulupig sa kasamaan, buong tiwala tayong lumapit sa Ama dala ang ating mga idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama sa langit, iligtas Mo kami sa masama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at sumaksi nang may katapatan sa tamang pagpapahalaga sa buhay upang makatulong sa pagpapanumbalik sa mundong nasadlak sa kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdidigmaang mga bansa nawa’y matutong mamuhay sa pakikiisa at pagtutulungan upang makapagdulot ng kapayapaan sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nananalig kay Kristo nawa’y mapaglabanan nila ang pagkakahiwa-hiwalay at maging iisa sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, lalo na ang mga lumpo at may kapansanan, nawa’y tumanggap ng kasiyahan at kalinga sa mga nag-aalaga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y mailigtas sa kasamaan ng walang hanggang kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, patuloy mo kaming hilumin sa lahat ng masama, at hayaan mong ang iyong kabutihan ang siyang magliwanag sa amin sa kapangyarihan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 21, 2019 at 5:27 pm

Ayon sa Mabuting Balita, sinabi ni Hesus ng ilan sa mga tao na walang sinumang makakapasok sa bahay ng isang malakas na tao at nakawin ang kanyang mga ari-arian maliban na lamang kung una niyang tinalian ang lalaki. Mula noon ay sinira niya ang bahay na iyon. Ang mga tao ay maaaring patawarin sa lahat ng kanilang mga kasalanan at dusa sa Diyos, ngunit ang sinumang humihimok sa Banal na Espiritu ay hindi maaaring patawarin at ang kanyang kasalanan ay hindi rin mapapawi. Dagdag niya ito ang pag-aalihan ng mga masasamang espiritu.

Reply

Mark Jefferson Magno January 27, 2019 at 7:28 pm

Pagninilay: Ayon sa Unang Pagbasa, nagpapaalala sa atin na si Kristo ang ating tagapamagitan at maawain sa atin at ang Diyos Ama. Dahil sa kanyang sakripisyo sa Krus, ginawa niya ang ganap na handog na nag-aalis ng mga kasalanan, sa gayon ay hinirang na maging hukom sa mga nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sinasabi sa atin na tayo ay mga anak ng Ama, at kasama ni Kristo na ating kapatid, at maging tapat tayo sa kalooban ng Diyos. Kaya sa Mabuting Balita ay nabibilang ang pagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ni Beelzebul. Lalo na ang mga pinuno ng mga Judio ay nagkasakit laban sa kanya, na nagbabalak sila upang mapalayas siya sa pamamagitan ng paghiling ng isang hudyat mula sa kanya bilang isang pagsubok. Dito tinugon ni Jesus na ang isang kaharian na nahahati laban sa sarili ay hindi maaaring magtagal, kahit na ang bahay ay ibig ding sabihin na ang mundo ng kasamaan ay najahati, ngunit hindi ito magtatagumpay. At hinahamon niya ang mga tao at mga pinuno upang ipakita kung anong karapatan ang dapat gawin ng kanilang mga guro upang palayasin ang mga demonyo. Si Jesus ay nagpapakita ng kanyang sarili na ang kasamaan ay hindi maaari at hindi dapat palaging magtagumpay. Sa pamamagitan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, sinakop niya ang kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kanyang tagumpay mula sa libingan. Ipinakikita nito na tayo rin ay babangon sa buhay na walang hanggan sa paraiso. Ngunit makasisiguro na dapat nating italaga ang ating sarili sa paggawa ng mabuti at gawa ng may gawa. Huwag din tayong maging panibugho sa iba na gumagawa ng katumbas, sapagkat ang kanilang puso ay nag-uudyok sa kanila na gawin ito. Sundin natin ang halimbawa ng ating Panginoong Jesukristo sa pagpupuri sa dakilang mga gawa ng Diyos, sa pamamagitan ng ating paraan ng paglilingkod, sa katapatan sa kanya at sa iba.

Reply

Reynald Perez January 28, 2019 at 3:16 am

Pagninilay: Isinalaysay sa Unang Pagbasa ang Mesiyas bilang ating tagapamagitan patungo sa Ama. Dahil sa kanyang ganap na handog, inalis niya ang ating mga pagkakasala. Kaya tayo ay inaanyayahang lumapit sa kanya nang may pananampalataya at pag-asa na palaging mananaig sa ating buhay ang pagmamahal ng Diyos Ama sa atin. Hindi natuwa si Hesus sa ating Ebanghelyo na paratangin siyang nagpapalayas ng mga demonyo sa ngalan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Tinanong niya ang mga eskriba kuny paanong mananatiling matatag ang bahay kung ito’y ginawa nang pansarili lamang. Ganun din sa isang nakikidigmang kaharian na hindi ito’y matatagumpay. Ang sinasabi dito ni Hesus na nagmula ang kanyang kapangyarihan mula sa Ama, at hindi kay Satanas. Sa pamamagitan ng mga kababalaghan at pagpaparangal ng Mabuting Balita, ipinakita niya ang mabubuting gawain na ibigay ang pisikal at espirituwal na pangangailangan ng tao. Sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, inialay niya ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas mula sa ating pagsusuway sa kalooban ng Diyos. Nawa’y tunay na makita natin ang kabutihan ng Panginoon at ipalaganap ito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

ruel arcega January 23, 2023 at 9:01 am

Ang tunay na kaibigan ay hindi magsasabi ng masama o laban sa kanyang kaibigan. Narinig natin ang masamang sinabi nila kay Hesus ,Siya binigyan nang kapangyarihan ni Berzebul o ni satanas… PAtunay na hindi nila kilala si Hesus dahil hindi nila ito kaibigan. Kaya kaibiganin mo si Hesus at pagnaging kaibigan mo siya at na saiyo si Hesus hindi magkapagsasalita laban sa kanya at magiging matatag ang buhay mo dahil kay Hesus..

Reply

Rosalinda m jubilado January 23, 2023 at 10:24 am

sa unang pagbasa ipinapaunawa sa atin na ang kamatayan ni Jesus ay kapatawaran ng mga kasalanan ng mga nasa unang tipan na sumampalataya, nanalig at nagtiwala sa Diyos Ama.na tiyak na kakamtan din nila ang buhay na walang hanggan ipinangako sa kanila.

ganon din naman sa ating kapanahunan ng bagong tipan si Jesus ay naging makasalanan kahit walang bahid Siya ng kasalanan kaya ipinako Siya sa krus para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan at makamtan din natin ang ipinangako Niya sa ating mga ninuno na buhay walang hanggan.

kaya nga sa ating kapanahunan sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya na itinatag ni Jesus na tayo din sa ating henerasyon ay.makasama, makaniig, maging kaisa natin Siya.
Tatanggapin na lang natin Siya ng buong pananalig, pananampalataya ang mga Sacramento na si Jesus mismo ang pinakamahalagang Sacramento ng ating Banal na Simbahan. God bless.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: