Podcast: Download (Duration: 5:48 — 4.1MB)
Paggunita kay San Francisco de Sales,
obispo at pantas ng Simbahan
Hebreo 10, 1-10
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Marcos 3, 31-35
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of St. Francis de Sales, Bishop and Doctor of the Church (White)
Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
UNANG PAGBASA
Hebreo 10, 1-10
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo
Mga kapatid, ang Kautusan ay malabong anino lamang at hindi ganap na larawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga haing inihahandog taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganitong mga handog, wala na sana silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na kailangang maghandog pa. Subalit ang mga haing ito pa nga ang taun-tao’y nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasanalan, sapagkat ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay hindi makapapawi ng mga kasalanan.
Dahil diyan, nang si Kristo’y manaog sa sanlibutan, sinabi niya sa Diyos,
“Ang mga hain at handog na mga hayop ay hindi mo ibig,
kaya’t inihanda mo ang aking katawan upang maging hain.
Hindi mo kinalugdan ang mga handog na susunugin at ang mga handog na susunugin at ang mga handog dahil sa kasalanan.
Kaya’t aking sinabi, ‘Narito ako, O Diyos, upang tupdin ang iyong kalooban’
ayon sa nasusulat sa Kasulatan tungkol sa akin.”
Sinabi muna niya, “Hindi mo inibig o kinalugdan ang mga hain at handog na mga hayop, mga handog na susunugin ay mga handog dahil sa kasalanan” bagamat ito’y inihahandog ayon sa Kautusan. Saka niya sinabi, “Narito ako upang tupdin ang iyong kalooban.” Inalis ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Kristo. At dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos, nilinis tayo ni Hesukristo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng minsang paghahandog ng kanyang sarili at iyo’y sapat na.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 2 at 4ab. 7-8a. 10. 11
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ako ay naghintay sa ‘king Panginoon.
At dininig niya ang aking pagtaghoy;
tinuruan niya ako pagkatapos
ng bagong awiting pampuri sa Diyos.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang mga panghandog, pati mga hain,
at mga hayop na handang sunugin
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
upang yaong sala’y iyong patawarin;
sa halip, ang iyong kaloob sa akin
ay ang pandinig ko upang ika’y dinggin.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang pagliligtas mo’y aking inihayag
saanman magtipon ang ‘yong mga anak;
di ako titigil ng pagpapahayag.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
Ang pagliligtas mo’y ipinagsasabi,
di ko inilihim sa aking sarili;
pati pagtulong mo’t pag-ibig na tapat,
sa mga lingkod mo’y isinisiwalat.
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.
ALELUYA
Mateo 11, 25
Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Marcos 3, 31-35
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Lunes, Enero 23, 2023
Miyerkules, Enero 25, 2023 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ayon sa Unang Pagbasa, sinasabi ng may-akda na dumating si Jesukristo noon sa lupa, masunurin siya sa kalooban ng Diyos Ama. Alam niya na hindi nalulugod ang Panginoon sa mga alay at mga handog ukol sa mga kasalanan. Ito ay nangyari sa panahon ng Bagong Tipan noong pinatunayan ni Kristo ang dating isa, na may isang sakdal na pagpapakasakit sa Krus na nag-aalis ng ating mga kasalanan at pagtatamo natin ng pagtubos. Ang banal na panukala ay hindi nagmula sa kanya, kundi sa kalooban ng isa na nagpapadala sa kanya. Sinasabi sa atin ni San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Filipos na kahit na siya ay nasa uri ng pagka-diyos, mapagpakumbaba niyang ibinuhos ang kanyang sarili o “kenosis”, at masunurin si Jesus kahit hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Inaanyayahan tayo ng Awit ng Pagsisiyasat na ipamuhay ang pantay na panalangin ni Kristo o kalagitnaan sa pagsasailalim ng ating mga sarili sa panukala ng Diyos. Sa huli, ayon sa Mabuting Balita, ang mga kasama at maging ang mga alagad ni Jesus ay nagpapaalam sa kanya tungkol sa kanyang Ina at mga kapatid sa labas ng bahay kung saan siya natipon. Ngunit pagkatapos ay naglalagay siya ng nakakagulat na tanong sa gayong mga pagkakakilanlan. Sa katunayan, binigyang-kahulugan ng mga paham ng Bibliya na ang mga “kapatid” ni Jesus dito ay hindi talaga ang mga kaugnayan sa dugo, kundi ang mga nasa pananampalataya, sinunod ang kanyang panauhin, at mga kamag-anak ng pamilya. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala ang aming mga tagapagtanggol na sa Ikalawang Marian Dogma, na ang walang hanggang pagkadalaga ng Mahal na Birheng Maria. Ipinakikita lamang nito na hindi tinatanggihan ni Kristo ang Pinagpalang Ina o ang mga malapit sa kanya sa mga tuntunin ng mga bagay sa pamilya at kamag-anak. Pinalalawak niya ang kanyang pamilya, lalo na ang banal na mag-anak, na hindi lamang sa mga binubuo ng mga angkang panauhin sa dugo at pagkakamag-anak, kundi na rin sa mga nakikibahagi sa tungkulin ng pananampalataya, maging ang mga Apostol na magpapatotoo sa kanya para sa Simbahan. Sa katunayan, ang Simbahan ay tahanan sapagkat tayo ang malaking pamilya ng Diyos na nagtatalaga sa ating sarili sa pangangalaga sa isa’t isa at nagbibigay ng pangkalahatang kabutihan para sa lahat ng tao. At higit sa lahat, tayo ay tinawag na pinagtibay na mga anak ng Diyos, mga ina, mga ama, mga kapatid, at mga kapatid na babae ng ating Panginoon, kung susundin natin ang kalooban ng Diyos Ama. Iyon ang dahilan kung bakit siya ay dumating sa ating mundo at ginanap ang kanyang Pampublikong Ministeryo at ang tunay na sakripisyo sa Krus. Maaari din nating ipamuhay ang ating tungkulin bilang mga kasapi ng Simbahan, Katawan ni Kristo, sa pamamagitan ng layunin ng Ebanghelisasyon sa pamamagitan ng pangangaral at pagbibigay ng patotoo sa pagmamahal, at pagbibigay ng ating sarili sa banal na kalooban ng Ama.
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag kay Hesukristo bilang dakilang saserdoteng Diyos na totoo ay naging tao namang totoo. Sa buong buhay ni Kristo, mahalaga sa kanya ay ang pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos Ama higit pa sa mga pisikal na handog. Si Hesus sa Ebanghelyo ay inilalahad ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. May nagsabi sa kanya na narito ang kanyang Ina na si Maria at ang kanyang mga kapatid (maaring mga kamag-anak niya dahil sa salitang “adelophi” sa Griyego). Sinabi niya na ang kanyang mga kapamilya ay sumusunod sa kalooban ng Diyos. Hindi naman sa binabalewala niya ang Mahal na Birhen, kundi pinapalaganap niya ang pamilya ng Diyos Ama na tayo’y kabilang. Dahil sa pagiging masunurin ni Hesus hanggang sa kamatayan niya sa Krus, minarapat tayong maging mga hiram na anak niya, his faithful adopted children. At ang hamon sa atin ay pagiging matapat at masunurin sa kanyang dakilang kalooban upang ituro at isabuhay rin ito sa araw-araw na pamumuhay.
Inihandog ng ni Hesus ang kanyang sarili para sa kaligtasan natin, nasa kanya ang tunay na kaligtasan at ang lahat ng tumatalima sa kanya ay siya nyang itinuturing na ina at mga kapatid. Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay magandang alay at siyang nakalulugod sa ating Panginoon. Amen.
Dunating ang mga kapatid nmi Hesus at kanyang ina. Nungit hiigt na pinakilala ni Hesus kung sino sila hindi lang sila sa pamilya sa kadugo sila’y higi na mas mataas pa roon ang pagsunod sa kalooban nang Ama ay batayan natin bilang mapabiuoang sa pinaghaharian ng Diyos at maghari sa Diyos.