Linggo, Enero 22, 2023

January 22, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-3 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Espirituwal na kaisa ng lahat ng taong may mabuting kalooban, idulog natin sa Panginoon ang ating mga kahilingan para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at ng mga taong mahal sa atin. Ang sagot natin ay:

Panginoon, pakinggan mo Kami!

Para sa Simbahang Katolika, ang tanging mag-anak ng Diyos sa lupa: Nawa lagi siyang maging Mabuting Balita sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kanyang katapatan sa mga turo ni Hesus. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng mga pinunong espirituwal: Nawa magtagumpay ang kanilang pagsisikap sa pagpapalago ng kabihasnan ng buhay, pagmamahalan, at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa mga nakatalaga sa pagtataguyod ng katarungan at kapayapaan: Nawa magtagumpay ang kanilang pagsisikap upang ang sangkatauhan ay mabuhay sa pagkakasundo, pagtutulungan, at kasaganaan. Manalangin tayo!

Para sa mga tinatawagang maging tanging disipulo: Nawa maagap silang tumugon sa paanyaya ng Panginoon at bukas-palad na magpunyagi sa kanilang bo- kasyon nang may buong katapatan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga Kristiyanong mag-anak: Nawa ang kanilang pagtugon sa paanyaya ni Hesus sa isang lalong radikal na pagiging alagad ay kanilang ipaging tagapaghatid ng mabuting balita sa kani-kanilang kapaligiran. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Salamat, Panginoon, sa kaloob mong Banal na Kasulatan at sa pamamatnubay na dulot nito sa amin. Bigyan mo po kami ng biyayang isabuhay ang mensahe nito hanggang sa dulo ng aming buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez January 26, 2020 at 3:41 am

Pagninilay: Matapos ang ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at ng Kapistahan ng Santo Nino noong nakaraang Linggo, tayo ngayon ay nagbabalik na sa mga Linggo ng Karaniwang Panahon. Ang pinakamahabang panahon sa liturhiya ng ating Simbahan ay nagpapaalala sa atin na ang ordinaryong pangangaral ni Kristo ay nagpapakita ng katangi-tanging mga biyaya ng Diyos. Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman. Ang ilaw ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay. At makikita natin ang ilaw ng Salitang iyon na naihahayag sa pagtawag ng tumugon sa kanyang anyaya na maging mga alagad niya. Tinawag ni Hesus ang kanyang unang apat na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Kung baga ito ang misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita upang ang lahat ay mailigtas at maiako patungo sa Diyos nating Amang mapagmahal. At tayo rin bilang mga binyagang Katoliko ay inaanyayahang makibahagi sa misyon ni Kristo sa pangangaral ng kanyang Mabuting Balita at pagbibigay-saksi nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung naroon ang ating pagmamahalan, pakikipagkasundo, at pagiging matuwid sa isa’t isa, naroroon ang paghahari ng Diyos bagamat ito pa’y ating inaasam na makamit balang araw.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: