Huwebes, Enero 19, 2023

January 19, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pinalaya tayo ni Kristo sa mapanirang kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan upang maging malaya tayong makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Hinihingi natin ang biyaya at pagbabasbas na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Pag-ibig, iabot Mo ang Iyong kamay sa amin.

Ang Simbahan nawa’y makatagpo ng pamamaraan na mapalaya ang sinuman sa anumang hadlang upang ipahayag ang Ebanghelyo sa mga tao sa ating panahon ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa nagugutom na daigdig, lalo na sa mga taong hindi makatarungnang pinagkakaitan ng pagkain, damit, at tahanan nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan ng loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y hindi maging mga taong mapagkunwari na sumusunod sa batas, kundi maging mga taong may pusong gagawin ang mabuti at nararapat bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magmalasakit sa mga nagdurusa at naghihirap upang mapagaan ang kanilang dinadala at tulungan silang patuloy na manalig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay at yaong mga nagluluksa sa kanilang pagkawala nawa’y makatagpo ng pag-asa at kasiyahan sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Diyos, inaangkin namin na kami ay sa iyo at sa iyong Anak. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tulungan mo kaming mahalin ka sa pamamagitan ng aming pagkalinga at pagbibigay kasiyahan sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 21, 2019 at 5:22 pm

Ayon sa Unang Pagbasa, isinasaad ni Moises na ipatatayo ang tolda at sinabi ni Jesus ang katotohanan na gawin nila ang lahat ayon sa mga bagay na ipinakita niya sa kanila sa bundok.

Reply

Reynald Perez January 21, 2019 at 11:36 pm

Pagninilay: Ipinakilala ni San Marcos si Hesus bilang Mesiyas na maawaain at mapagmalasakit. Karaniwan sa ministeryo ni Kristo ay lumalakbay at nililibot ang bawat nayon at bayan, at doon siya’y nangangaral ng Mabuting Balita at gumawa ng kababalaghan para sa mga maysakit at nangangailangan. At maraming mga tao kahit hindi taga Judea o Jerusalem ang lumalapit sa kanya upang pakinggan siya at makaranas ng lunas mula sa mga sakit sa buhay. Makikita natin sa Panginoong Hesukristo ang kanyang pagka-Diyos na umuugnay sa ating katauhan patungo sa Diyos Ama, at ito’y napamalas niya sa kanyang pagkatao upang iako ang ating abang kalagayan patungo sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang awa at habag. At ito ang ipinapahayag sa atin sa Unang Pagbasa na si Kristo ay ang dakilang saserdote na nag-alay ng pinakaganap na handog para ialis ang mga kasalanan. Kaya patuloy siyang namamagitan sa atin para sa mabubuting relasyon sa Diyos Ama, at inaanyayahan tayong lumapit sa kanyang trono ng pagpapala at awa. Tayo’y tumugon sa tawag na ipamalas ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging maawain at mapagmalasakit sa ibang tao, katulad ng ginagawa ni Hesus upang patuloy na ipalaganap ang Kaharian ng Diyos.

Reply

Melba G. De Asis January 24, 2019 at 7:07 am

Ang pinakadakilang handog ng Panginoon ay ang pag-aalay niya ng Kanyang sarili para tubusin tayo sa ating kasalanan. Sa banal na kumunyon ay patuloy Niyang iniaalay ang Kaniyang sarili para sa atin, at nawa’y palagi Siyang manahan sa ating mga puso. Patuloy nating sundin ang mga turo at aral Niya na siyang gabay natin sa ating buhay, panatilihin natin Siya sa ating mga buha. Salamat sa Diyos, Amen!

Reply

Emmanuel Vergara January 18, 2023 at 12:21 pm

Magandang hapon po!

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes, ika-19 ng Enero ay
Mateo 3:7-12.

Maraming salamat po!

Reply

GERRY ROMANES January 18, 2023 at 6:09 pm

Magandang hapon po!

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes, ika-19 ng Enero ay
Marcos 3, 7-12.

Maraming salamat po!

Reply

Awit at Papuri Communications January 19, 2023 at 7:38 am

Paumanhin po sa pagkakamali. Naitama na po ang naka-post na Mabuting Balita. God bless you.

Reply

Coney cabalagnan January 19, 2023 at 7:51 am

oo nga po nagbabasa ako para sa group prayer namin nagulat ako sabi saglit parang nabasa ko na ito kahapon, kaya binal8kan ko ung kahapon ay parehas nga sa petsa 18, pagbalik ko ulit nakapagpalit na kayo haha. maraming salamat po sa mabilis na pag update.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: