Miyerkules, Enero 18, 2023

January 18, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pinalaya tayo ni Kristo sa mapanirang kapangyarihan ng kasamaan at kasalanan upang maging malaya tayong makibahagi sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Hinihingi natin ang biyaya at pagbabasbas na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng Pag-ibig, iabot Mo ang Iyong kamay sa amin.

Ang Simbahan nawa’y makatagpo ng pamamaraan na mapalaya ang sinuman sa anumang hadlang upang ipahayag ang Ebanghelyo sa mga tao sa ating panahon ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa nagugutom na daigdig, lalo na sa mga taong hindi makatarungnang pinagkakaitan ng pagkain, damit, at tahanan nawa’y pagkalooban sila ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan ng loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y hindi maging mga taong mapagkunwari na sumusunod sa batas, kundi maging mga taong may pusong gagawin ang mabuti at nararapat bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magmalasakit sa mga nagdurusa at naghihirap upang mapagaan ang kanilang dinadala at tulungan silang patuloy na manalig sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay at yaong mga nagluluksa sa kanilang pagkawala nawa’y makatagpo ng pag-asa at kasiyahan sa Panginoong Muling Nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Mapagmahal na Diyos, inaangkin namin na kami ay sa iyo at sa iyong Anak. Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tulungan mo kaming mahalin ka sa pamamagitan ng aming pagkalinga at pagbibigay kasiyahan sa aming kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 21, 2019 at 7:46 am

Ayon sa Unang Pagbasa, sinasabi sa Kasulatan tungkol sa kanila na siya ay saserdote magpakailanman ayon sa utos ni Melquisedec o Hari ng Katarungan.

Reply

Reynald Perez January 23, 2019 at 8:42 am

Reflection: The First Reading tells us the story of Melchizedek, the high priest of Salem, who offers Abraham bread and wine and gives the patriarch blessing from God Most High. His priesthood prefigures Jesus, the Great and Eternal High Priest who offers his life for us all as a perfect offering for sin. And in the Eucharist, we commemorate that great sacrifice present in the bread and wine which is his Body and Blood. It is a call for us to approach him with faith and confidence, that we may strive to be witnesses of his mercy and love. The Gospel describes the healing of the paralyzed hand of a man on the Sabbath day. The Jewish leaders would find any faults in Jesus in order that they could find a way to sentence him to death. In this case, they observe whether he would heal in violation to the law that forbids work on holy day. Jesus did heal the man’s crippled hand, and before that, he denounces the leaders for burderning their fellow people to receive God’s grace of healing. The result is their plot against him, which shows how they cannot be clean in the inside whether they appear such in the outside. This miracle shows how God is love and that his love should be manifested to all. If laws and norms would restrict us from doing non-conforming acts, then we must do good to everyone without any hesitation. The challenge for us here as we do good and avoid evil is to love God above all things and to love our neighbor as we love ourselves.

Reply

Reynald Perez January 19, 2021 at 10:16 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang salaysay ng walang hanggang pagkapari ng Panginoong Hesus, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec, ang hari at pari ng Salem. Ipinaalala ng manunulat ang salaysay ng pagbisita ni Melquisedec kay Abraham, nang ihandog nito ang tinapay at alak, at pinagpala ang lahi ng patriarkiya. Makikita natin ang pagpapala ng Diyos ay magiging walang hanggan, at nangyari ito sa pag-aalay ni Kristo ng kanyang sarili sa Krus. Siya ang walang hanggang handog ng Ama na tumupad sa katubusan ng sangkatauhan. At matapos ang kanyang Pagkamatay sa Krus at Paglibig, muli siyang nabuhay mula sa kamatayan bilang tanda na ang kanyang Kaharian ay pangmagpakailanman. At tayong lahat ay inaasahan ng Diyos na maging karapat-dapat sa biyaya ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay isang kababalaghang ginawa ng Panginoong Hesukristo sa kabila ng mga banta ng paghahamak sa kanya ng mga Pariseo na nilalabag niya raw ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga. Para sa mga Hudyo, ang Araw ng Pamamahinga o Sabat ay isang banal na araw na ipinagdiriwang tuwing ikapitong araw ng isang linggo (Sabado). Ito’y pag-aalaala at pagpupuri sa Diyos na Maylikha ng langit at lupa sa loob ng 6 na araw, at sa ika-7 ay nagpahinga matapos ang kanyang gawain.

Kaya itong pista para sa mga Hudyo ay isang araw na kung saan sila’y magpapahinga at hindi maaaring magtrabaho. Kapag may isang mamamayang lalabag sa batas na ito, siya’y ihaharap sa sakdalan at maaaring mapahatol ng parusang kamatayan. Ngunit alam ni Hesus na mabigat ang interpretasyon ng mga pinuno ng Judaismo noong kapanahunan niya. Sa katunayan, mayroong 613 na batas ng mga Hudyo, ngunit mga ordinaryong tao lang ang sumusunod, at hindi mga pinuno.

Kaya’t matapos pagbintangan ang kanyang mga alagad na namimitas ng mga trigo sa mismong Araw ng Pamamahinga, muli siyang napasailalim ng isa pang banta nang mapansin niya sa sinagoga ang isang lalaking tuyot ang kamay. Kaya’t pinatayo niya ang lalaki sa kanilang piling at binato ang tanong kung labag ba sa batas ang paggawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga, ang pagliligtas ba o pagpapatay. Hindi sila makasagot hanggang hinawak ng Panginoon ang tuyot na kamay at sinabi sa lalaki na iunat nito. Kaya’t naunat niya ang kanyang kamay na patunay ito’y gumaling, ngunit binalak ng mga Pariseo at eskriba kung paano sila magbubunyi laban kay Hesus.

Nakita natin sa Ebanghelyo ang isang pagpapagaling ni Kristo sa Araw ng Pamamahinga. Ngunit nais ipakita sa atin ni Hesus na bilang Panginoon ng Sabat, ang banal na araw na ito ay ginawa ng Diyos para sa tao, hindi ang tao ang lumikha ng Sabat para higpitin ito. Bilang mga Kristiyano, ang ating Araw ng Pagmamahinga ay Linggo/Sunday, ngunit hindi lang siya pisikal na pagpapahinga pagkatapos ang isang linggo ng pagtatrabaho. Nariyan rin ang espirituwalna pagpapahinga sa pamamagitan ng pagdiriwang sa Banal na Misa at paggawa ng tama at kabutihan sa kapwa. Ito’y paalala sa atin na ang bawat araw na Linggo ay isang araw ng Panginoon sapagkat inaalala natin ang kanyang Muling Pagkabuhay na nagdulot ng “dawning of a new creation”.

Kaya nawa sa ating buhay na sa bawat pagsunod natin sa mga batas ng panahon ay huwag nating kalimutan na isabuhay ang mga diwa nito sa pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa-tao.

Reply

Merle Tejemo January 18, 2023 at 9:12 am

My Lord and my God, Thank you everything for what I have have now, binabalit ko sayo Ama ang papuri sa lahat lahat lalo na sa ating buhay, I Love You Jesus??

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: