Martes, Enero 17, 2023

January 17, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na tinawag tayong maging kanyang malalayang mga anak sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng Araw ng Pangilin, basbasan Mo kami.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y ituring ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa pagkakasala at bilang paraan ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga mambabatas nawa’y gumawa ng mga makataong batas na maglilingkod para sa ikabubuti ng lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang batas nawa’y huwag nating ilagay nang higit pa sa ating pagkatao bagkus unahin ang pagpapatupad ng dakilang utos na magmahalan tayo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga nababahala sa kanilang karamdaman nawa’y makatagpo sila ng kaginhawahan at lakas sa mga taong nagmamahal at kumakalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumao nawa’y tanggapin ang walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nawa’y maging paanyaya sa amin ang bawat batas mo upang mahalin at paglingkuran ang aming kapwa at upang sila ay unawain, igalang, gabayan at maging amin ring gabay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 21, 2019 at 7:43 am

Ayon sa Unang Pagbasa, si Hesus ay hindi niya malilimutan kung ano ang kanilang mga nagawa at ang pag-ibig na ipinakita nila at hanggang ngayon ay ipinakita sa kaniyang paglilingkod sa mga kapwa Kristiyano. Inaasahan din nila na laging pagsikapin ng bawat isa sa kanila na matapos na upang makuha ang kanyang inaasahan. Huwag silang maging mga tamad at tularan nila ang mga nagtitiis at naniniwala sa Diyos nang sa gayon ay tanggapin ang mga ninanais na ginawa sa kanila.

Reply

Reynald Perez January 21, 2019 at 3:55 pm

Pagninilay: Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig. Siya’y nahahabag sa pinagdadaanan ng tao sa buhay. Kaya tayong mga Kristiyano ay tinatawag na mahalin ang kapwa-tao sa pagpapamalas ng kabutihan. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghaharap ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo sapagkat napansin nila ang mga Apostol ay nangingitil ng uhay sa Araw ng Pamamahinga. At ayon sa Kautusan ni Moises, labag sa utos tungkol sa sabat ang pagtratrabaho. Ngunit ang tugon ni Hesus ay ang kwento ni Haring David at ang kanyang mga kasamahan nang sila’y mamamatay na sa taggutom, at kinain nila ang tinapay mula sa altar na dapat ang mga pari katulad ni Ahimelech lang ang maaring hawakan ito. Kaya ito’y naging espesyal na pagkakataon sapagkat ginawa iyon ni David upang mapalusog sila. Ang naging aral ng salaysay ay nang sabihin ni Hesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa ng Diyos para sa tao, at hindi ang tao ang gumawa ng okasyong iyon. Bilang Anak ng Tao, si Kristo ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga. Ang ikatlong utos ay nagsasaad sa paggalang at pagsamba sa Diyos na lumikha ng sandaigdigan sa loob ng 6 na araw at isinaalang-alang ang ika-7 bilang pamamahinga. Kaya sa ating mga Kristiyano, ang ating “sabbath” ay tumapat tuwing araw ng Linggo sapagkat inaaalala natin ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ang Pagkabuhay ng Panginoon ay itinuturing na “ikawalong araw” sapagkat ito’y tanda ng pagbubukang-liwaway ng bagong nilikha. Tayo ay minarapat na biyayaan ng karapatang maging mga anak ng Ama. Ito’y isinasaad sa Unang Pagbasa na kailanma’y magigint tapat ang Ama sa kanyang tipan na nagmula kay Abraham at isinakatuparan ni Hesukristo. Kaya ang mahalaga dito na sa bawat araw, lalung-lalo na sa Linggo, maghari nawa ang ating pagmamahal sa Diyos at kapwa-tao sa kabila ng mga striktong pagsunod sa kautusan. Kung tayo ay itinuturo na gumawa ng tama at talikdan ang masama, gawin natin itong pagkakataon na gumawa ng mabuti, at kasama na diyan ay ang pagpapamalas ng ating awa at malasakit sa ibang tao.

Reply

Melba G. De Asis January 22, 2019 at 6:16 am

Ang araw ng pamamahinga ay ginawa ng Diyos para sa taon. Sa loob ng isang linggo ang 6 na araw ay para sa paggawa at ang ika-7 araw ay dapat ilaan sa pakikiisa sa Panginoon. Napakahalagang paglaanan natin ito ng oras para sa ikabubuti hindi lamang ng ating pisikal na pangangatawan kundi pati ng relasyon natin sa Panginoon. Ang pakikinig ng misa kapag Linggo ay makapagpapaunlad ng ating ispiritual na pangangailangan, ang salita ng Diyos ay siyang gabay natin para magawa natin ang pinakamabuti at mahalagang ipinag-uutos ng Diyos sa atin, ang gumawa ng mabuti, ito ay ang mahalin natin ang ating kapwa, tumulong sa mga nangangailangan.

Panginoon samo kompo at dalangin nawa’y patawarin Mo po ako sa mga pagkakataong hindi ako nakakatulong sa aking kapwa. Nawa’y gabayan Mo po kami atbingatan sa araw araw. Amen…

Reply

Jocie January 22, 2019 at 8:21 pm

Ang Panginoon ay totoo sa kanyang pangako sa mga taong nagsusumikap na sumunod sa Kanyang mga gawa at salita. Amen

Reply

Rosalinda m jubilado January 19, 2023 at 8:45 am

sa unang pagbasa ay ipina pakita sa atin na ang pagsunod sa mga Banal na Kalooban ng Diyos ay dapat malakipan natin ito ng PAGTITIIS upang makamtan natin ang mga inaasahan natin sa buhay ayon SA PANININDIGAN natin sa mga SALITA, PANGAKO, BATAS, TUNTUNIN,MGA DIKRITO ng ating Panginoon.
may maaasahan tayo sa lahat ng sinabi ng Diyos sapagkat ito ay mula sa Kanya.
kung paanong nangako at nanumpa siya kay Abrahan na siya ay pagpapalain hanggang sa atin generasyon nakakatiyak tayong anumang ating minimithi namakamtan ayon sa mga Salita ng Diyos tiyak makakamtan natin.
dahil nangako ang Diyos sa Kanyang Sarili.
sa ebanghelyo ipinapakita sa atin na huag tayong masyadong manindigan sa mga kautusan kundi sumunod tayo na ang nangingibabaw o naG uumapaw sa puso natin ay PAG IBIG sa ating kapwa . sapagkat ang tinitingnan ng Panginoon sa lahat ng ating ginagawa at sinasabi ay kung anong nilalaman ng ating PUSO. KUNG PAG IBIG ang paiiralin natin sa pagsunod sa Bsnal na Kalooban ng Diyos nakatitiyak tayong na pleplease natin Siya kahit sa pinakamaliit nating ginagawa.
Patuloy nawa tayong pagharian ng Kanyang Banal na Espiritu . Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: