Biyernes, Nobyembre 11, 2022

November 11, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong habag.

Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawa’y higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating sarili nawa’y maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawa’y makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawa’y tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 15, 2018 at 11:58 pm

Pagninilay: 2 Linggo na lang ang natitira, at matatapos na ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan. Tatapos ang Kalendaryo sa pagdiriwang ng Pagkahari ni Kristo, tapos sisimula muli ang bagong taon sa pagpasok ng Panahon ng Adbiyento. At ang Adbiyento ay ang panahon ng paghahanda sa pagdating ni Hesus. Hindi lang ito tumutukoy sa pagdiriwang ng kanyang Pagsilang sa Kapaskuhan, bagkus ang Adbiyento ay isa ring paghahanda sa kanyang Muling Pagpaparito sa katapusan ng panahon. Kaya ang turo ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon ay kung gaanong katulad ng mga kapanahunan ni Noe at Lot ang pagdating niya bilang Anak ng Tao. Sinasabi dito na ang mga tao sa panahon ni Noe ay nasisikain, nagpapasaya na hindi akalain nila’y dumating ang malaking baha. Ganun rin sa panahon ni Lot na ang mga taga-Sodom at Gomorra ay nakikipagsaya, na hindi akaiaing nawawasak na ang kanilang mga lungsod na lubhang nagkasala sa Diyos. Tila nga ba’y parang natatakot tayo sa mga ganitong pangyayaring binabanggit ni Hesus, lalung-lalo ang panawagan na dapat mawalan ang isang buhay upang iligtas ito. Kaya kapag dalawang tao ay gumagawa ng bagay, sinasabi raw dito na isa lamang ang maiiwan, samantala isang tao naman ay kukunin mula sa lupa. Sinabi ito ni Hesus hindi para tayo ay matakot, kundi tayo ay maghanda sa magiging hantungan ng bawat buhay natin. Hindi tayo maaring mag-angkin na may-ari ang sariling buhay, sapagkat lahat ng buhay ay galing sa Diyos. Tayo ay naparito upang alagaan ito at igalang ang dignidad sa paggawa ng tama at mabuti. At habang nanabik tayo sa Muling Pagpaparito ni Hesus, tayong lahat ay inaanyayahang na ipamalas ang ating pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa alinsunod sa dakilang kalooban. Ganun rin ang ating disposisyon kung tayo ay dumadanas ng maraming pagsubok na mas patatagin natin ang pananampalataya sa Panginoon upang malagpasin natin ang mga pasan na ito sa patuloy na pag-iiral ang kagandang-loob niya.

Reply

Cristy Guarin November 16, 2018 at 6:41 am

Panginoon sa mga pagkakataong labis ang sakit na aking nararanasan, huwag nawa itong magdulot sa akin ng paghahangad na gumawa ng masama at sundin ang nais ng aking kalooban. Bigyan mo ako ng grasya na hangarin pa rin gawin ang kabutihan upang kahit na ano mang sandali ay handa ako sa iyong pagdating

Reply

Melba G. De Asis November 16, 2018 at 7:37 pm

Panginoon, hinihiling ko po nawa’y hangarin ko sa lahat ng sandali ang makagawa ng mabuti hanggang sa huling sandali ko dito sa lupa at nawa’y huwag akong pahirapan ng aking mga taglay na karamdaman at maging mapayapa ang aking paglisan dito sa mundo, at pagbuksan mo nawa ako ng pintuan ng langit. Amen

Reply

Sam Benedict Diaz Copon November 13, 2022 at 10:24 pm

Ang ilang linggong natitira sa liturhiya Ng simbahan ay pawang Paalala sa atin. Sa ating gospel ngayon pinaaalalahan Tayo Ng Panginoon, tungkol sa mga pangyayari noong lumang tipan. Madilim Ang kinahinatnan Ng mga taong nabanggit pero Hindi dahil kagustuhan Ng Diyos na Sila ay mawala bagkus ay pinili nila Ang fate na iyon. Kung Ang isang tao ay nakagawa Ng Mali, Hindi pa huli Ang lahat upang hindi magsisi ngunit kung Ang papairalin ay tingin sa sarili na kasing taas Ng mga gusali ay Wala kang patutunguhan. Ito Ang hamon sa atin Ng gospel, Ang paalalahanan Tayo na sa huling sandali Ng Ating Buhay sa daigdig na ito ay Hindi patungkol sa yaman lang bagkus sa mga magandang asal na naidulot mo dito sa mundo natin na ito. Mahirap man magpaka kristyano , magpakabuti pero alam natin sa huli na may gantimpala tayong makakamit o makukuha.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: