Sabado, Setyembre 3, 2022

September 3, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Diyos Ama na umangkin sa atin bilang kanyang mga malayang anak kay Jesu-Kristo, na kanyang bugtong na Anak.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sagipin nawa kami ng Iyong Salita, O Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y kilalanin ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa kasalanan at kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga may tungkulin sa pagpapatupad ng batas at sa gobyerno nawa’y unahin ang kabutihan ng mga tao kaysa sa mga pinagkakaabalahan ukol sa batas, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsamba sa Diyos na hindi natin nakikita, nawa’y hindi natin malimutan ang nangangailangan nating mga kapatid na ating nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nagdurusa sa iba’t ibang pisikal at espiritwal na karamdaman nawa’y hilumin ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mamahinga sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, ang bawat batas mo nawa’y maging paanyaya sa amin upang mahalin at paglingkuran ang aming mga kapatid, unawain sila, igalang, at gabayan upang maging gabay rin namin sila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez September 4, 2020 at 9:03 pm

Pagninilay: Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig. Siya’y nahahabag sa pinagdadaanan ng tao sa buhay. Kaya tayong mga Kristiyano ay tinatawag na mahalin ang kapwa-tao sa pagpapamalas ng kabutihan. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghaharap ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo sapagkat napansin nila ang mga Apostol ay nangingitil ng uhay sa Araw ng Pamamahinga. At ayon sa Kautusan ni Moises, labag sa utos tungkol sa sabat ang pagtratrabaho. Ngunit ang tugon ni Hesus ay ang kwento ni Haring David at ang kanyang mga kasamahan nang sila’y mamamatay na sa taggutom, at kinain nila ang tinapay mula sa altar na dapat ang mga pari katulad ni Ahimelech lang ang maaring hawakan ito. Kaya ito’y naging espesyal na pagkakataon sapagkat ginawa iyon ni David upang mapalusog sila. Ang naging aral ng salaysay ay nang sabihin ni Hesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa ng Diyos para sa tao, at hindi ang tao ang gumawa ng okasyong iyon. Bilang Anak ng Tao, si Kristo ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.

Ang ikatlong utos ay nagsasaad sa paggalang at pagsamba sa Diyos na lumikha ng sandaigdigan sa loob ng 6 na araw at isinaalang-alang ang ika-7 bilang pamamahinga. Kaya sa ating mga Kristiyano, ang ating “sabbath” ay tumapat tuwing araw ng Linggo sapagkat inaaalala natin ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ang Pagkabuhay ng Panginoon ay itinuturing na “ikawalong araw” sapagkat ito’y tanda ng pagbubukang-liwaway ng bagong nilikha. Tayo ay minarapat na biyayaan ng karapatang maging mga anak ng Ama. Tinitignan niya ang puso ng bawat taong mapagkumbaba sa kabila ng mga abilidad at kakayahan.

Ito’y nagpapaalala sa atin na mahalaga ang batas para sa ating kaayusan at disiplina. Subalit ang diwa ng batas ay kailangan nating ipairal na dapat manaig sa ating mga puso ang paggawa ng mabuti sa kabila ng mga paghihigpit sa ating mga paligid. Kaya ang mahalaga dito na sa bawat araw, lalung-lalo na sa Linggo, maghari nawa ang ating pagmamahal sa Diyos at kapwa-tao sa kabila ng mga striktong pagsunod sa kautusan. Kung tayo ay itinuturo na gumawa ng tama at talikdan ang masama, gawin natin itong pagkakataon na gumawa ng mabuti, at kasama na diyan ay ang pagpapamalas ng ating awa at malasakit sa ibang tao.Pagninilay: Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig. Siya’y nahahabag sa pinagdadaanan ng tao sa buhay. Kaya tayong mga Kristiyano ay tinatawag na mahalin ang kapwa-tao sa pagpapamalas ng kabutihan. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghaharap ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo sapagkat napansin nila ang mga Apostol ay nangingitil ng uhay sa Araw ng Pamamahinga. At ayon sa Kautusan ni Moises, labag sa utos tungkol sa sabat ang pagtratrabaho. Ngunit ang tugon ni Hesus ay ang kwento ni Haring David at ang kanyang mga kasamahan nang sila’y mamamatay na sa taggutom, at kinain nila ang tinapay mula sa altar na dapat ang mga pari katulad ni Ahimelech lang ang maaring hawakan ito. Kaya ito’y naging espesyal na pagkakataon sapagkat ginawa iyon ni David upang mapalusog sila. Ang naging aral ng salaysay ay nang sabihin ni Hesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa ng Diyos para sa tao, at hindi ang tao ang gumawa ng okasyong iyon. Bilang Anak ng Tao, si Kristo ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.

Ang ikatlong utos ay nagsasaad sa paggalang at pagsamba sa Diyos na lumikha ng sandaigdigan sa loob ng 6 na araw at isinaalang-alang ang ika-7 bilang pamamahinga. Kaya sa ating mga Kristiyano, ang ating “sabbath” ay tumapat tuwing araw ng Linggo sapagkat inaaalala natin ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ang Pagkabuhay ng Panginoon ay itinuturing na “ikawalong araw” sapagkat ito’y tanda ng pagbubukang-liwaway ng bagong nilikha. Tayo ay minarapat na biyayaan ng karapatang maging mga anak ng Ama. Tinitignan niya ang puso ng bawat taong mapagkumbaba sa kabila ng mga abilidad at kakayahan.

Ito’y nagpapaalala sa atin na mahalaga ang batas para sa ating kaayusan at disiplina. Subalit ang diwa ng batas ay kailangan nating ipairal na dapat manaig sa ating mga puso ang paggawa ng mabuti sa kabila ng mga paghihigpit sa ating mga paligid. Kaya ang mahalaga dito na sa bawat araw, lalung-lalo na sa Linggo, maghari nawa ang ating pagmamahal sa Diyos at kapwa-tao sa kabila ng mga striktong pagsunod sa kautusan. Kung tayo ay itinuturo na gumawa ng tama at talikdan ang masama, gawin natin itong pagkakataon na gumawa ng mabuti, at kasama na diyan ay ang pagpapamalas ng ating awa at malasakit sa ibang tao.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: