Linggo, Setyembre 4, 2022

September 4, 2022

Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Karunungan 9, 13-18b
Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17

Poon, amin kang tahanan noon,
ngayon at kailanman.

Filemon 9b-10. 12-17
Lucas 14, 25-33


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Karunungan 9, 13-18b

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

“Sinong tao ang makatatarok ng kaisipan ng Diyos?
Sino ang makaaalam sa kalooban ng Panginoon?
Kapos ang kaisipan ng tao at marupok ang aming mga panukala.
Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa
ng aming katawang may kamatayan.
Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala.
Nahihirapan kami para mahulaan man lamang ang nilalaman ng daigdig;
nahihirapan din kami upang malaman kung ano ang mga bagay sa paligid namin.
Sino, kung gayon, ang makauunawa sa mga bagay na makalangit?
Walang makaaalam ng inyong kalooban malibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan,
at lukuban ng inyong diwang banal mula sa kaitasaan.
Sa ganitong paraan lamang maiwawasto mo
ang mga tao sa matuwid na landas.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisapmata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Mga tao’y pumapanaw na para mong winawalis,
parang damo sa umagang tumubo sa panaginip.
Parang damong tumutubo, na may taglay na bulaklak,
kung gumabi’y nalalanta’t bulaklak ay nalalagas.

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon,
itanim sa isip namin upang kami ay dumunong
hanggang kailan magtitiis na magdusa, Panginoon,
kaming iyong mga lingkod na naghihirap sa ngayon?

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay may galak ang awit namin.
Panginoon naming Diyos, kami sana’y pagpalain,
magtagumpay sana kami sa anumang aming gawin!

Poon, amin kang tahanan
noon, ngayon at kailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Filemon 9b-10. 12-17

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon

Pinakamamahal ko, akong si Pablo, sugo ni Kristo Hesus at ngayo’y nakabilanggo dahil sa kanya, ang nakikiusap sa iyo tungkol kay Onesimo, na naakit ko sa pananampalataya samantalang ako’y naririto sa bilangguan.

Pinababalik ko siya sa iyo, at para ko nang ipinadala sa iyo ang aking puso. Ibig ko sanang panatilihin siya sa aking piling, upang, sa halip mo, siya ang maglingkod sa akin habang ako’y nabibilanggo dahil sa Mabuting Balita. Ngunit ayokong gawin iyon nang wala kang pahintulot upang hindi maging sapilitan kundi kusa ang pagtulong mo sa akin.

Marahil, nawalay sa iyo nang kaunting panahon si Onesimo upang sa pagbabalik niya’y makasama mo siya habang panahon – hindi na bilang alipin kungi isang minamahal na kapatid. Mahal siya sa akin, ngunit lalo na sa iyo – hindi lamang bilang isang alipin kundi isang kapatid pa sa Panginoon!

Kaya’t kung inaari mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 118, 135

Aleluya! Aleluya!
Poon, iyong pasikatin
kagandahan ng loobin
ng kabutihan mo sa ‘min.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 14, 25-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sumama kay Hesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatayahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon? Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila: ‘Nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos.’ O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang sampunlibo niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampunlibong tauhan? At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo. Gayun din naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 5, 2019 at 8:09 am

REFLECTION: Two Sundays ago (August 21), we heard how Jesus told us to enter the narrow door in order to receive salvation. This means that in following him, we have to be ready to face every challenge in life because the road to discipleship is not always easy. Today in the Gospel (Luke 14:25-33), he reminds us the most essential need in that call to discipleship: himself. “Whoever loves his father or mother more over me cannot be my disciple.” “Whoever does not take up his cross and follow me cannot be my disciple.” These two statements are somehow very confusing to us. But if we analyze them, there is a deeper meaning on how we are to know him. “Over me” is a simple phrase that means that we are to love and adore the Lord above all things and in this case thank him that he gave us loving and caring parents to guard us, nurture us, and teach us all the right values for our future development. Now why are we obliged to carry our daily crosses in life? Because Christ died on the Cross out of his love and the Father’s love and will for us that we may reject sin, yet that we may learn how to suffer not as a punishment, but as the glory of enduring one’s pain with faith and perseverance. By these things, we show that we are truly disciples of the Lord, always trusting on him and taking every step and challenge that we meet each day. However, it’s not all the time that we should rely on him for our help and in other cases not doing anything or having no plan in our lives. Jesus mentioned that a man would not just build a tower without sitting down and calculating if he has strong foundation and resources for it. He also mentioned that a king would not just command 10,000 soldiers to fight 20,000 soldiers of the opposing team, rather this ruler would send a peace delegation to settle the matters with the opponent. We are all obliged to make every decision of our lives. We must plan very well on how we should manifest our lives in this world because they are temporary, but they need to be lived to the fullest. The famous Mosaic prayer tells us in our Responsorial Psalm today: “Teach us to number our days aright, that we may gain wisdom of heart” (Psalm 90:12). And in all our daily routines and activities, we must ask the Lord for guidance in doing them and in obeying his will. So as we journey down this road, may we always acknowledge the Lord as we strive to follow him daily in making decisions, planning our lives, and enduring our trials and sufferings of this world with faith and perseverance. Let me end my Reflection with this famous quote from unknown: “Do your best, and God will do the rest.”

Reply

Glicerio, Damoluan August 23, 2022 at 1:12 pm

REFLECTION
Lucas 14, 25-33

This gospel Luke 14, 25-33 mirrored the gospel Luke 13: 22-30 which refers to God Salvation of mankind. There is very narrow and rough road ahead we must undergo to become God disciple. It will mean lot of sacrifices that included leaving behind enormous wealth and even set aside the love of personal belonging and family making God the most and first love above all.

For God we learn to suffer not as a punishment but enduring glory of faith and perseverance. It means we are the true disciple of God. Yet, loving God we shall also plan the path of our lives according to His Disciplinary well, we must move forward according to it.

Building a house we must plan how it can be completed and find where to get the resources and make it realizes. Even going to war it should be planned. The leader must think many times whether war should proceed or plan a peaceful means.

Like the dispute between China and Philippines teeth for a teeth does not bear good results but destruction to mankind and environment. War is not a solution but many lives will be devastated including living things. And no lives will exist. Peace talk is the best as God will arrange the future.

Reply

Mel B Mendoza August 30, 2022 at 1:22 pm

In the gospel reading it tells all about discipleship. It’s about trusting God and dying in all of our personal desires, it could be leaving a family and denying ourselves in everything that we love to do. And this teaches us a pure sacrifice rather than a punishment. Surrendering all that we have and all that we do, and all that we are in the name of Jesus pretty not easy decisions to all of us, it is literally a dead end of our life here on earth but thinking of a great and unfathomable rewards that awaits in His promised glory in heaven is equally great inspiration. Looks like so easy said than done! Honestly, while still in the process of nurturing my Christian Catholic faith I pray fervently that I may come into term that life here on earth is but a split second in God’s times table. God knows how I hurdled the daily obstacle to be worthy of this calling to discipleship.

Reply

Reynald Perez September 4, 2022 at 5:24 am

PAGNINILAY: Noong nakaraang dalawang Linggo (Agosto 21), pinagnilayan natin ang mensahe ni Hesus tungkol sa pagpasok sa makipot na pintuan patungo sa daan ng kaligtasan. Ibig niyang sabihin nito na ang buhay ay may mga pagsubok na kailangan din natin daanan, sapagkat diyan natin makikita ang presensiya ng Diyos sa ating pagtitis, pagsisikap, at patuloy na paggawa ng kabutihan. Ngayong Linggo naman, ipinapaalala niya sa atin kung paano dapat tayong tumugon sa tawag na maging mga alagad niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang priyoridad sa kanya.

Patunay na sa Ebanghelyo ay sinabi niya na ang sinumang umiibig sa pamilya at kamag-anak ay hindi maaaring maging kanyang alagad. Sa wikang Ingles, ang salitang ginamit ay “hate”. Tila nga ba’y mahirap itong intindihin at tanggapin sapagkat kailangan natin ang pagkalapit na relasyon sa mga taong mas malapit sa atin, at ayaw natin silang tanggihan o kalabanin. Ayon sa mga dalubhasa sa Bibliya, ang salitang ugat na ginamit sa Griyego nang sinabi ni Hesus iyon ay ibig sabihin pala ay “pangalawang priyoridad”. Kaya ito yung kahulugan na kailangan unahan muna natin ang Panginoon na pinakapriyordidad ng ating buhay, bago pa mana tayo kumapit sa ibang tao o bagay, sapagkat siya mismo ang nagkaloob sa atin ng mga tao o bagay na mahalaga sa ating buhay. Sinabi rin ni Hesus sa Ebanghelyo na ang sinumang hindi pumapasan ng krus ay hindi maaaring maging alagad niya, na alam naman natin na ito ang tawag na pasanin ang bawat krus nang may pagtitiis, pagsisikap, at patuloy na pagiging mabuting halimbawa, tungo sa kaginahawaan ng tunay na kaluwalhatian. Kaya binigay ni Hesus ang dalawang larawan na kailangan natin pag-isipan at pagplanuhan bago pa man magawa natin ang mga bagay upang maging matagumpay ang ating mga pangarap. Hindi muna magtatayo ng tore ang mga tagapagtayo, kung hindi natatantiya kung sapat ba ang mga kukunan para maipatayo nito. Hindi muna makikibaka ang isang hari na may libo-libong kawal laban sa isa pang hari nang may mas higit pa na libong kawal, kung hindi niya pagplaplanuhan, kahit sa pagsusugo ng delegado para sa mapayapang pakikipagkasundo.

Kaya ang plano ng ating buhay ay dapat palaging nakatuon sa Panginoon. Siya ang tanging nagbigay ng pinakamagandang regalo sa atin, ang buhay na ating ikinabubuhay ngayon. Bagamat ang buhay na ito ay puno ng mga pagsikat at paglubog na parang araw, bagkus ay hindi pa rin tayo pinababayaan niya. Patuloy tayong umaasa na balang araw ay makamit natin ang kanyang kaluwalhatian sa langit. Kaya ang hamon sa atin ay tumugon sa kanyang tawag na magmisyon, at palaging gawin priyoridad siya, at kasunod niya ay ang ibang tao.

Reply

art September 4, 2022 at 1:44 pm

wrong translation talikdan or give up to deny oneself. No word in tagalog. Talikdan lahat sa kangyan buhay, double meaning.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: